Chapter 14

1846 Words
Sumunod na araw na ng iniuwi ni Jarred si Ella sa bahay ng mga ito. Magkahawak kamay pa sila ng pumasok sa loob ng bahay. Wala sa salas ang kanyang ina. Nandoon lamang ay ang kanyang Tito Roi na nakatingin sa kanila partikular sa magkahawak nilang mga kamay. Napalunok pa si Ella dahil sa mga titig nito. Hindi naman ito galit ngunit parang nakakatakot. Mahigpit naman siyang napahawak sa kamay ni Jarred. Alam niya sa sariling basta nasa tabi niya si Jarred ay palaging ligtas ang pakiramdam niya. "Magandang gabi po," bati ni Jarred ngunit tango lang ang isinagot ni Roi. Bumalik lang ito sa pagkakaupo at ipinagpatuloy ang naudlot na panonood ng t.v at pagkakape. Ipinagkibit balikat na lang ni Ella ang ikinilos ng tiyuhin. Nagtungo sila ni Jarred sa kusina ng matanawang nandoon ang ina. Patakbo tuloy niya itong nilapitan ng mapansing namumutla ito. "Ayos ka lang mommy?" may halong pag-aalala sa kanyang tanong. "Sumasakit ang ulo ko anak," "Anong ginagawa pa po ninyo dito? Dapat po ay nasa kwarto na ninyo kayo at nagpapahinga." "Gusto po ba ninyong dalahin ko kayo sa ospital?" nag-aalalang tanong din ni Jarred na ikinailing ni Elizabeth. "Wag ninyo akong alalahanin na dalawa. Ipapahinga ko lang ito. Sa katunayan ay nagpatimpla ako kay Roi ng gatas. Inaaya naman ako sa salas pero tumanggi ako. Nahihilo ako pag nakatingin sa t.v. kaya dito ko na lang ininom. Habang si Roi ay doon nagkape at nanonood. Nakainom na rin ako ng gamot. Magtutungo na nga sana ako sa kwarto, sakto naman ang pagpasok ninyo dito sa kusina," mahabang paliwanag ni Elizabeth sa kanila. Inalalayan naman ni Ella ang ina, ng mapansin sila ni Roi ay mabilis itong lumapit sa kanila. "Ako na ang bahala kay Elizabeth. Ang tigas kasi ng ulo ng mommy mo. Sinabi ko ngang sa kwarto ko na lang siya dadalahan ng gatas ay ayaw. Tapos isinasama ko sa aking tabi magpaiwan naman sa kusina," sumbong ni Roi na alam nilang totoo dahil nakwento na rin ng mommy niya sa kanila. Tinanaw lang nila ang mag-asawa na paakyat sa hagdanan. "Okay ka lang ba dito?" tanong ni Jarred habang nag-aalala rin sa mommy niya. "Kita mo namang mahal na mahal ng Tito Roi si mommy kaya hindi niya ito pababayaan. Kung magkaroon man ng problema, tatawagan kita. Uwi ka na. Kailangan ko na ring magpahinga." Nagpaalam na rin naman nga si Jarred. Hinatid pa ni Ella si Jarred hanggang sa may kotse nito. At tulad ng kanilang nakasanayan ay palaging humahalik si Jarred sa labi ni Ella na agad ding tinutungon ng dalaga. Pinagmasdan pa ni Ella ang papalayong sasakyan ni Jarred. Saka lang niya napagpasyahang pumasok sa loob ng bahay ng hindi na niya iyon matanaw. Halos mapasigaw pa si Ella sa gulat ng pagbukas niya ng pintuan ay nakabanggan niya si Roi. Mabuti na lang at natakpan kaagad niya ang bibig. Ngunit bigla siyang nanlamig na maramdaman ang bagay na nasa gitna ni Roi. Para hindi siya matumba ay nahawakan nito ang baywang niya kaya ngayon ay nakadikit siya sa katawan ng lalaki. Bigla naman siya nitong binitawan na parang walang nangyari. "Mag-ingat ka sa susunod paano kung hindi kita nasalo baka nasaktan ka pa. Nakatulog na nga pala ang mommy mo. Magtatapon lang ako nitong basura. Maaga bukas ang daan ng nangungulekta. Madaling araw pa lang," paliwanag nito. Saka lang niya napansin ang plastik ng basura na nasa kabilang kamay nito. Napailing na lang siya sa kanyang isipan. Nagkakaroon talaga siya ng maling pag-iisip para sa kapwa. Sa isip-isip niya ay humihingi na kaagad siya ng tawad dahil nagiging madumi amg kanyang isipan kahit hindi naman dapat. "Ella." Napatingin naman siya kay Roi ng muli nitong tinawag ang pangalan niya. Magtatanong pa sana siya ng bakit ng bigla na lang itong umiling. "Matulog ka na, gabi na rin. Galing ka pa sa labas kaya magpahinga ka na." Napatango na lang siya. Lumabas na rin naman si Roi at tinungo ang lagayan ng basura sa labas ng bahay. Si Ella naman ay tumuloy na rin sa kwarto niya para makapagpahinga. Nakakaramdam na rin kasi siya ng bigat ng katawan, pagod at antok. Hindi na rin napigilan ni Ella ang sarili na ibagsak ang katawan sa malambot niyang kama. Matapos makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng damit ay halos igupo na rin siya ng antok. Masarap sa kanyang pakiramdam ang mahiga sa kanyang kama. Ngunit ang inaasahang masarap na tulog ay magiging isang bangungot. Isang masamang panaginip na halos maging sumpa para sa kanya. Bangungot na kahit kailan hindi niya akalaing dadaan sa kanya. Bangungot na magpapabago ng buhay niya. Bangungot na magbabalot ng kadiliman sa kanya. Bangungot na hiniling niya sa sana ay hindi na niya muling makita ang umaga. Kinabukasan ay maagang umalis si Elizabeth at Roi. Alam naman nilang natutulog pa si Ella kaya hindi na nila ito ginising. Maayos na rin naman ang kanyang pakiramdam kaya pumasok na siya sa boutique. Sa buong maghapon ay nasa loob lang ng kwarto si Ella. Tahimik at walang kibo. Gusto lang niyang mapag-isa. Gusto lang niyang mahiga sa kama. Ilang beses ding tumunog ang cellphone niya dahil tumatawag si Jarred. Ilang mensahe din ang kanyang natanggap ngunit wala siyang balak sagutin ang tawag na iyon. Dumating ang gabi at dumating ang mommy niya at ang kanyang Tito Roi. Tinungo naman ni Elizabeth ang kusina. Ngunit ang pagkain na iniwan nila sa lamesa ay hindi man lang nagalaw ng anak. Bumalik siya sa sala, naiwan sa sala si Roi ng akyatin ni Elizabeth si Ella sa kwarto nito. "Ella?," tawag ng ina sa anak. Nakahiga lang si Ella at nakatalikod mula sa may pintuan. Naramdaman pa niya ang paglundo ng kama. Halos mapaso pa si Ella sa haplos ng mommy niya ng tumama iyon sa braso niya. "Anak may problema ba? Maayos ka naman kagabi di ba? Bago ako umakyat sa kwarto ko. Masaya kayo pa ni Jarred, kahit alam kong nag-aaaa kayo sa akin. Nag-away ba kayo?" tanong pa ni Elizabeth sa anak. Ngunit naging tahimik lang si Ella. "May masakit ba sayo Ella? May dinaramdam ka ba? Hindi ka rin kumain sa maghapon, magsabi ka sa mommy anak may masakit ba sayo?" Puro iling lang ang naging sagot ni Ella sa mommy niya. "Magluluto na ako anak ng hapunan. Ipagluluto kita ng lugaw. Iyon na lang ang kainin mo at ng hindi mabigla ang tyan mo. Kung may problema man kayo ni Jarred anak mag-usap kayong dalawa. Nag-aalala ang boyfriend mo sayo. Tinawagan ako dahil hindi ka daw sumasagot sa mga text at tawag niya." "Matutulog na po muna ako mommy. Wala po akong ganang kumain. Uminom po ako ng gatas kaya po busog ako," sagot lang niya sa lahat mg sinabi ng ina. Napahugot naman ng hangin si Elizabeth dahil hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Ella. Pero hahayaan lang muna niya ang anak. Lalo na at bagong graduate lang ito ay baka nalilito kung anong kukunin na kurso. Lalo na at sa college department ng school ay narinig niyang ililipat ng annex building ang kukuha ng fashion at fine arts. Lahat ng engineering na nasa annex ay ililipat sa main. Iyon lang ang naisip na dahilan ni Elizabeth na pinuproblema ng anak. Lalo na at mas malayo sa bahay nila ang annex ganoon din sa condo ni Jarred. Kailangan pang magstay sa boarding house kung talagang about fashion ang kukuning kurso at fine arts. Nagpaalam na rin si Elizabeth sa anak na lalabas n ng kwarto. Matapos makapagluto ay tinawag muli ni Elizabeth ang anak. Ngunit hindi talaga nito napilit kumain si Ella. Hanggang sa magtungo na sa kwarto ang mag-asawa ay hindi na rin lumabas pa si Ella. Naging busy naman si Jarred sa bagong project na nakuha nila. Halos pagpasok nilang tatlo sa trabaho ay gabing-gabi na rin sila nakakauwi ng bahay. Dumaan ang mga araw hanggang sa umabot na ng dalawang linggo. Hindi rin napapansin ni Jarred na hindi pala nagrereply si Ella sa mga mensaheng ipinapadala niya. Patuloy lang si Ella sa pagkukulong sa kanyang kwarto. Lumalabas lang pag nais kumain. Ngunit babalik din kaagad sa kwarto at magkukulong. "Ella, nandito si Jarred nais kang makausap," ani Elizabeth ng makapasok sa silid ng anak. Medyo gumalaw naman si Ella. Naupo at tumingin sa ina. Sa dalawang linggong pagkukulong ni Ella sa kwarto nito ay napakalaki ng ipinagbago ng dalaga. Nawala ang masayahing si Ella. Naging hupak ang pisngi, nangingitim at nanlalalim ang mga mata. Halos mapatakbo naman si Elizabeth papalapit kay Ella ng masilayan ang itsura ng anak. Hindi ito ang kanyang si Ella. Kaya naman napuno ng habag ang kanyang puso sa nasilayang kalagayan ng anak. "Ano bang problema anak? Bakit hindi mo sabihin sa mommy?" nag-aalalang tanong ni ni Elizabeth ng ngitian siya ng anak. "Wala pong problema mommy. Gusto ko lang pong mapag-isa. Pasabi po kay Jarred umuwi na siya," marahang saad ni Ella na kababakasan ng lungkot. "Anak naman, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Nag-aalala na ako sayo." "Wala pong problema, ayos lang po ako. Paalisin na lang po ninyo si Jarred, ayaw ko pong makipag-usap sa kanya." Akmang mahihiga na ulit si Ella ng biglang bumukas ang pintuan. Napaiktad pa siya sa lakas noon. Wari mo ay gustong sirain ng sino mang pangahas na nagbukas ng pinto. Napatayo naman si Elizabeth ng makita si Jarred. Gusto sana niyang bigyan ng privacy ang anak at si Jarred para makapag-usap ng maayos. Gusto din niyang makapag-usap ang dalawa para malaman niya kung bakit nagkakaganoon ang anak. Ngunit hindi niya magawang ihakbang ang mga paa. Lalo na at parang may laman ang tanong ng anak. "Anong ginagawa mo dito Jarred?" may inis sa tono ng pananalita ni Ella na ikinagulat ni Elizabeth kahit na si Jarred. "Sweetheart. Ano bang nangyayari sayo? May nagawa ba akong mali. Oo nga at naging busy ako sa trabaho. Pero ginagawa ko naman ang lahat para kahit papaano ay makapagpadala ako ng mensahe sayo tuwing aalis ako ng condo at tuwing nakabalik na ako. Ngunit dahil sa sobrang busy ko. Mula pala noong unang beses na nagpadala ako ng mensahe sayo, kahit ilang tawag ko. Walang naging sagot mula sayo. Kaya gusto kong malaman Ella may problema ba? Sweetheart, kung may mali sa akin itatama ko. Wag namang ganyan parang ang laki ng problema mo. Pero hindi ka naman nagsasabi. Kahit sa akin o sa mommy mo," masuyong saad ni Jarred habang nakatingin kay Ella. Nakaramdam siya ng habag sa kasintahan. Ang laki ng ibinagsak ng katawan nito. Ganoon na rin ang itsura nito na halata ang puyat sa mga mata. "Lets end this sh*t Jarred. Ayaw ko na. Nagsasawa na ako. Maghiwalay na tayo," may diing saad ni Ella habang nakatingin kay Jarred ng mata sa mata. Napako naman ang mga paa ni Jarred mula sa pwesto niya. Nanlamig bigla ang puso niya na parang tinusok ng libo-libong karayom para hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang drum na tubig na punong-puno ng yelo, dahil sa narinig mula sa kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD