Chapter 4

1160 Words
Ngayon ang araw na lilipat ako. Sabi ni senyora doon daw ako tutuloy habang nag-aaral ako. Masaya naman ako dahil binigyan nila ako ng chance na bumalik sa pag-aaral. Sabi nila ay ako ang gagawa ng gawaing bahay doon sa lilipatan ko. Malayo kasi sa City ang mansion kaya si Mira ay may sarili din condo. Mas gusto ko sana na kay Mira na lang pero mayroon na siyang kasama. Hinatid din ako ni Mang Tommy para hindi na raw ako mahirapan sa pag commute. Kaunti lang ang dala kong damit. Karamihan ay 'yong mga saya ko na pangmanang ang dala ko. Hindi na raw kailangan magsuot ng uniform doon. Pagdating namin sa building ay namangha talaga ako. "Deday, kaya mo na 'yan second floor room 21," sabi sa akin ni Mang Tommy. "Opo, Mang Tommy, maraming salamat po," paalam ko sa kanya bago ako pumasok sa loob. Pagpasok ko ay hinanap ko kaagad ang elevator. Sumakay ako at pinindot ko ang second floor. Mabilis lang akong nakarating. Naglakad ako at hinanap ko ang room 21. Nang mahanap ko ay nag doorbell ako. Walang nagbukas kaya unulit ko pa ng isang beses. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si manong kaya napatalikod ako bigla. Kinabahan ako nang marealize ko na siya ang magiging kasama ko sa loob ng apat na taon. Sh*t gusto ko na lang nawala na parang bula ngayon. "Tatayo ka na lang ba diyan buong gabi manang?" Tanong niya sa akin. "G-Good evening po Senyorito," bati ko sa kanya. "Tskk!" Tanging sagot niya sa akin. Pumasok siya, kaya sumunod ako sa kanya. Pagpasok namin ay bumungad sa akin si Max. "What are you doing here?" Taas kilay na tanong niya sa akin. "Max," himig pagbabanta na tawag sa kanya ni manong. "Good evening po Miss Max. Pinapunta po ako ni Senyora dito," sagot ko sa kanya. "Sinong kasama mo pumunta dito?" Tanong ni manong sa akin. "Ako po," sagot ko sa kanya pero hindi pa ako tapos dahil naiilang ako sa sama ng tingin sa akin ni Max. "What? Ikaw lang mag-isang pumunta dito. Bakit hindi ka nagpahatid. Paano kong iniligaw ka ng taxi na sinakyan mo," galit na sabi niya. Ako naman ay gulat na gulat sa inasta niya. Hindi pa naman ako tapos magsalita pero nag-overthink na siya. "Senyorito hindi pa naman ako tapos magsalita eh. Ang ibig ko po sabihin ako lang mag-isa umakyat dito pero hinatid ako ni Mang Tommy," paliwanag ko sa kanya. Hindi na ito sumagot at pumasok na sa silid niya. Naiwan kaming dalawa ni Max. Hindi rin siya nagtagal sumunod siya sa silid ni manong. Nanatili lang ako dito sa living room. Ang ganda ng condo niya malinis din nito. Sino kaya ang naglilinis dito? Tanong ko sa sarili. Lumabas si manong siguro ay naalala niya ako. Lumapit ito sa akin at binuhat ang bag na nakalapag sa sahig. Nataranta naman ako at mabilis kong inagaw sa kanya yong bag ko. "Naku, Senyorito ako na po ang magdadala nito," sabi ko sa kanya. "It's fine manang," saad niya sa akin nang hindi binibitawan ang bag. Naglakad siya papunta sa katabing silid. Binuksan niya ito at pumasok sa loob kaya sumunod ako sa kanya. "From now on, this will be your room," sabi niya sa akin. "Thank you po Senyorito," sabi ko sa kanya. Hindi ito nagsalita kagaya ng lagi niyang ginagawa kaya yumuko na lang ako. Nakita ko na nagsimula na itong humakbang kaya pinigilan ko siya. "A-Ahm senyorito," tawag ko sa kanya kaya tumigil naman ito. "What?" Mahinahon na tanong niya sa akin. "G-G-Gusto ko lang po mag sorry sa inasal ko sa inyo noon. Alam ko na mali ang ginawa ko. Sorry po," sabi ko sa kanya. Nakita kong gumalaw ang balikat niya hudyat na huminga ito ng malalim. "Forget it, bumawi ka na lang," sabi niya bago lumabas sa room ko. Napaisip ako sa "bumawi ka na lang." Ano ba dapat kong gawin.? Paulit-ulit akong nag-iisip pero hindi ko talaga maisip kong ano ang ibig niyang sabihin. Nag-ayos ako ng gamit ko dahil bukas pupunta ako sa school para magpasa ng requirements. Bukas na lang din ako magtatanong kay manong kong paano pumunta sa school. Nagpalit ako ng damit ko at ngayon ay nakahiga ako sa kama. Sino kaya ang magpapasahod sa akin. Si Senyora kaya o si manong? "Pero ang laki ng pinagbago ni manong. Medyo bumait siya pero very very light lang naman. Siguro nasa five percent lang," kausap ko sa sarili ko. Bumangon ako dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan ang switch ng ilaw. Nangangapa ako sa dilim habang naglalakad. "Ang dilim naman nasaan kaya yong switch ng ilaw," kausap ko sa sarili ko habang patuloy lang ang lakad. Nagulat ako ng mabangga ako sa matigas na bagay. "Arayy!" Kinapa-kapa ko 'yong bagay na nabangga ko. "Ano kaya 'to bakit matigas? Nakakatakot naman dito bakit kasi ang dilim," wala sa sariling sabi ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkapa. Bakit kinakabahan ako? Habang umaakyat kasi ang kamay ko kakaiba na ang nakakapa ko. Bakit parang tao na itong nahahawakan ko? Baka multo o magnanakaw. Lumayo ako ng kaunti. Naglakad ako paatras. Pero nagulat ako ng may humawak sa akin. "S-Sino po k-kayo?" Nauutal na tanong ko. Hindi ito sumagot. Nanatili siyang nakahawak sa akin at ang masama pa sa isang dibdib ko ang kamay niya. "Pag hindi ka sumagot susuntukin talaga kita. Ang bastos mo tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa dede ko," sabi ko sa kanya habang hinahampas ko siya. "F*ck! Stop it! It's me," sabi niya habang pinapatigil ako sa ppaghampas ko. "Senyorito ikaw ba 'yan?" tanong ko sa kanya. Binitawan niya ako at biglang lumiwanag ang paligid. "Ayy!" patili kong sabi sabay takip sa mukha ko. Paano ba naman kasi naka boxer lang siya. Tahimik lang ang paligid kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa mata ko. Napatakip ulit ako dahil nasa harapan ko pa siya. "Bakit ka naglalakad dito?" Tanong niya sa akin. Pasalamat din ako dahil nagsalita ito ng tagalog. "Nauuhaw po kasi ako, kaya po ako naglalakad dito kasi hindi ko po alam kung nasaan ang switch ng ilaw." Paliwanag ko sa kanya habang nakayuko. Naiilang kasi talaga ako tumingin sa kanya. Naglakad ito samantala ako tahimik pa rin at nanatili sa puwesto ko. Lumapit ito sa akin sabay abot ng tubig. "Ikaw na ang magpatay ng ilaw pagkatapos mo. And please 'wag kang lalabas ng room mo na walang suot na bra," sabi nito bago lumabas sa kusina. Napatingin naman ako sa dibdib ko. "Oh my gosh! wala nga akong suot na bra. Nakakahiya tapos nahawakan pa niya. Ang tanga mo kasi ang tanga mo talaga," naiinis at nahihiyang sabi ko sa sarili ko. Inubos ko 'yong tubig na binigay niya at bumalik sa room ko. Napatingin ako sa pinto niya. "Nandiyan pa kaya si Max? Magkatabi ba sila matulog?" Tanong na tanging nasa isipan ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD