DEDAY'S POV
Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Kahit puyat ako sa nanyari kagabi ay sinikap kong agahan ang gising ko. Sa totoo lang hindi ako magaling magluto. Sa probinsya namin ay si nanay lagi ang nagluluto at sa mansiyon naman ay si Nanay Veda.
Binuksan ko ang ref para maghanap ng puwede kong iluto. Marami naman akong nakita kaya kumuha na lang ako ng bacon, hotdog at egg. Nagsaing na rin ako.
Nagsimula na akong magprito ng bacon.
"Ayy..!" Nagulat na sabi ko dahil natalsikan ako ng mantika sa kamay ko.
Malakas ang apoy at hindi ako makalapit dahil nagsitalsikan ang mantika. Nasusunog na ngayon ang bacon na piniprito ko.
"What the hell is going on here?!" Galit na sigaw ni Senyorito sa akin. Mabilis din siyang lumapit sa kalan at pinatay ito.
Ako naman ay tulala ay hawak ang kamay ko na napaso. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Pinipigilan ko ang luha ko dahil natakot ako sa lakas ng sigaw niya.
Muntikan ko pang masunog ang kusina kung hindi siya lumabas.
"Sorry po senyorito," nakayukong sabi ko.
Lumapit ito sa akin.
"Are you okay?" Malumanay na tanong niya sabay hawak sa kamay ko.
"Okay lang po ako, sorry po," sagot ko sa kanya.
Namumula ang kamay ko na natalsikan ng mantika. Nagulat ako sa ginawa niya kasi hinipan niya ito.
"Next time 'wag kana magluto. Don't cook for me cause, I can handle myself," sabi niya.
Naninibago ako sa kanya. Umalis ito pagbalik niya ay may dala na siyang first-aid kit.
Nilagyan niya ng cream ang kamay ko. Binalot kami ng katahimikan.
"Stay here," sabi niya sa akin bago pumunta sa harap ng lutuan.
Nataranta ako ng makita ko na magluluto siya kaya tumayo ako papunta sa kanya.
"Ako na po diyan senyorito," sabi ko sa kanya.
"I told you to stay there. Hard headed manang," sabi niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi bumalik sa upuan doon sa dining table. Hindi ko na lang siya tinitignan mas pinili ko na manahimik na lang.
Nagulat na lang ako ng may plato na inilapag sa harapan ko. Hindi ko napansin nakatulog pala ko. Ano kaya'ng nanyari at mabait si senyorito ngayon? Tumayo ako para sana linisin 'yong mga mantika na tumalsik kanina pero nagulat ako dahil malinis na.
Hindi lang malinis dahil sobrang linis. Lumingon ako kay manong ay nagsisimula na itong kumain.
Bigla akong nahiya kasi ako ang maid dito pero hindi marunong magluto. Hindi ako lumapit sa kanya dahil para naman talaga sana sa kanya yong lulutuin ko.
"What are you waiting for? Hindi ka ba kakain?" Tanong niya sa akin.
"Mamaya na lang po ako kakain," sagot ko sa kanya.
Hindi ito nagsalita at tinapos na ang kinakain niya.Tumayo ito at dinala ang pinagkainan niya sa sink.
Akmang hubugasan niya ng pigilan ko siya.
"Senyorito ako na po diyan. Ako po ang maid dito. Hayaan niyo po pag-aaralan ko ang pagluluto," sabi ko sa kanya.
Hindi ito nakinig sa akin. Dahil nagsimula na siyang maghugas kaya mabilis kong inagaw sa kamay niya.
"Ako na po please," sabi ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin at nakita kong gumalaw ang adams apple niya. Ilang segundo rin kaming magkadikit bago siya lumayo sa akin
"Do you have plans for today?" Tanong niya sa akin.
"Mayroon po pupunta po ako sa university para magpasa ng mga requirements for enrollment po," sagot ko sa kanya.
"Okay, isasabay na kita," sabi niya sa akin bago lumabas sa kusina.
Ako naman ay umupo na para kumain nakakahiya naman kong paghintayin ko siya. Binilisan ko ang kain ko kasi maliligo pa ako. Mabilis ang bawat kilos ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko sa salamin. Gusto ko talaga ang ganitong style. Bahala sila mas kumportable kasi ako sa ganito.
Paglabas ko ay nakaupo si senyorito sa sofa sa living room ng makita niya ako ay napangiwi siya alam ko na napapangitan siya sa suot ko.
Napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya nauna na itong naglakad. Dumistansya ako sa kanya kasi ayaw ko naman sumabay sa kanya. Sumakay kami sa elevator sa bandang dulo ako puwesto para hindi ko siya makatabi.
May mga kasabay kaming mga magagandang babae. Halatang type nila si Senyorito kasi kinikilig pa. Dumiretso kami sa parking lot. Akmang bubuksan ko ang pinto sa backseat ng magsalita ito.
"Gagawin mo ba akong driver?" Tanong niya sa akin.
Nahiya naman ako, kaya sumakay ako sa front seat. Nahirapan akong ikabit ang seatbelt ko kaya lumapit siya sa akin. Sobrang lapit niya dahil amoy na amoy ko ang pabango niya na napakasarap sa ilong. Nahihiya din akong huminga.
"You can breathe now, baka mamatay kana niyan," nakangiting sabi niya.
Nagulat pa ako dahil first time na ngumiti siya sa akin. Siya ba talaga ito. Isang buwan lang kaming hindi nagkita bumait na siya bigla. Huminga na ako ng malalim at tumingin na lang sa labas ng bintana habang nasa biyahe kami.
"Senyorito puwede ba na ibaba mo na lang ako sa malayo?" Tanong ko sa kanya.
Kumuno't ang noo niya sa sinabi ko.
"And why?" Tanong niya sa akin.
"Ayaw ko po kasi na pag-usapan kayo sa school.Diba po professor kayo doon? Ano na lang sasabihin nila pag nakita nilang magkasabay tayo?" Sabi ko sa kanya.
"Okay," tanging sagot niya sa akin.
Wala akong idea kung malapit na ba kami o malayo pa? Nagulat na lang ako ng pumasok ang kotse niya sa loob ng campus.
Tumingin ako sa kanya. Pero kalmado lang ito nagmamaneho papunta sa parking lot. Bahala nga siya reputasyon naman niya ang inaalala ko kaya ayaw kong makita kami ng iba na magkasama.
Bumaba ito kaya sumunod naman akong bumaba. Naglakad ito kaya sumunod naman ako sa kanya.
"Doon ka pumunta doon ang registration ng freshmens," turo niya sa isang building.
"Salamat po Senyorito," sabi ko sa kanya.
"Magkita na lang tayo sa parking lot pagkatapos mo doon," sabi niya.
"Okay po," sagot ko sa kanya.
Nailang ako ng makita ko ang ibang naroon na nakatingin sa amin. Samantala itong nasa tabi ko ay cool pa rin.
Kaya mabilis akong naglakad para makalayo sa kanya. Hindi ko na nga naalala na magpaalam pa. Pagdating ko doon ay mahaba na ang pila. Tumayo ako sa pinaka huling pila at matiyagang naghintay.
"Hi sa 'yo,"bati sa akin ng dalawang babae na magkamukha na sa tingin ko ay kambal.
"Hi din sa inyong dalawa," bati ko rin sa kanilang dalawa.
"Freshmen ka rin ba?" Tanong sa akin no'ng isa.
"Oo freshmen ako. Ako pala si Desra," pakilala ko sa kanila.
"Ako naman si Leovilyn at ito naman ang kakambal ko si Lovely, freshmens din kami. Sana maging magkaklase tayo," sabi ni Leovi sa akin.
"Sana nga," sabi ko sa kanya dahil nahihiya ako.
Masaya silang kakwentuhan dahil hindi ako nainip sa pagpila kahit na mahaba ito. Sa tingin ko ay may mga bagong kaibigan na agad ako dito.
Tanghali na pero hindi pa kami tapos. Ang init at nakalimutan kong magdala ng pamaypay. Nauuhaw na rin ako kasi nakalimutan ko magdala ng tubig. Kaya mahaba ang pila kasi karamihan sa mga nandito ay katulad ko na iskolar.
Semi-private kasi ang university na ito pero maganda siya at mukhang private talaga.
"Ate may nagpapabigay po," sabi ng bata sa akin sabay abot ng bottled water.
"Ha? Para ba sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Opo sa'yo po. Kayo lang naman po ang mukhang manang dito," bungisngis na sabi sa akin ng bata.
Napangiwi naman ako at yong kambal ay tumatawa na. Loko din talaga 'yong nagbigay sa akin. Pero teka lang isa lang naman tumatawag sa akin ng manang.
"Salamat dito ha pasabi doon sa nagbigay na thank you daw masungit na manong," utos ko sa bata.
"Sasabibin ko po kay kuyang pogi" sabi niya sa akin at agad din itong tumakbo palayo.
"Wow sana all na lang tayo nito kambal," sabi ni Leovilyn kay Lovely na kakambal niya.
"Gusto niyo?" Alok ko sa kanila ng tubig.
"H'wag na Des may baon kami," sagot ni Lovely sa akin.
Binuksan ko at uminom ako. Alam ko naman na galing ito kay manong kaya iinumin ko na. Sana magtuloy tuloy ang pagiging mabait niya sa akin. Mabuti na lang at hindi ako naabutan nang cut-off.
Pagkatapos ko ay nagpaalam ako sa bago kung mga kaibigan.
"Mauna na ako sa inyo Leovi at Lovely.Ingat! see you sa first day of school," paalam ko sa kanila.
"See you Desra, ingat ka bye!," paalam din nila sa akin.
Naglakad ako papunta sa parking lot. Dahil wala pa si manong ay naghintay muna ako sa tabi.
Umupo ako at hinintay ko siya. Tanghaling tapat na rin kaya baka maglunch pa 'yon. Doon na lang ako sa condo ni manong kakain. May nakita akong cup noodles doon kaya 'yon na lang kakainin ko.
Ilang sandali pa ay dumating na si Senyorito. Hindi siya nag-iisa dahil kasama niya si Max ibig sabihin nagtuturo rin ito dito.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Senyorito sa akin.
"Hindi naman po," sagot ko sa kanya.
"Why are you asking her Kall?" Naiinis na sabi ni Max.
Hindi naman nagsalita si senyorito. Sumakay lang ito sa kotse ako naman ay nanatiling nakatayo.
"Senyorito puwede bang magjeep na lang ako?" Tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"Why?" Nakataas ang kilay na tanong.
"Gusto ko po sana matuto na magcommute mag-isa para na rin po kapag pumasok na ako alam ko na po," sabi ko sa kanya.
"But —"
"Kall she's right, para naman matuto siya at hindi na sumabay sa 'yo palagi," saad ni Max kaya naputol ang sasabihin ni Senyorito.
"Get this," abot niya ng limang daan sa akin.
"May pera po ako, sige po alis na po ako," paalam ko sabay lakad ng mabilis palayo sa kanila.
Lumabas ako sa gate ng school at tumawid sa kabila. Nag-aabang ako ng jeep ng may tumabi sa akin na lalaki. Shocks! ang gwapo niya tili ko sa isipan ko. Ang tangkad niya at para siyang basketball player. Sa tingin ko ay patawid siya sa kabila.
"Hi!" bati niya sa akin.
Hindi ko alam kong babatiin ko rin ba siya o hindi.
"Hello po!" sabi ko sa kanya.
"Freshmen?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Opo," sagot ko.
Ngumiti ito sa akin.
"Stephen," pakilala niya sa akin.
"Desra po," sagot ko sa kanya sabay abot ng kamay niya.
Nakakahiya naman kapag hindi ko tinanggap.
"Nice meeting you Desra, your name suits on you," sabi niya sa akin.
Ang higpit din ng hawak niya sa kamay ko. Ngumiti na lang ako sa kanya. Binitawan lang niya ang kamay ko ng may dumaan na kotse at ang lakas ng busina. Nang tignan ko ito nalaman ko na kay Senyorito ito. Lagot na naman ako nito.
"Sige kuya mauna na ako sa 'yo," paalam ko sa kanya.
"See you around Desra, hope to see you again," saad niya sa'kin.
Ngumiti lang ako at sakto may dumaan na jeep kaya sumakay na kaagad ako. Mabilis ang lakad ko papunta sa unit ni senyorito.
Pagpasok ko ay naka-upo ito sa sofa.
"Na-Nandito na po ako Senyorito," sabi ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin ng masama.
"Kaya ba hindi ka sumabay dahil gusto mo pang makipagtagpo doon sa lalaki?" Galit na tanong niya sa akin.
"Po? Hindi ko naman kilala 'yon nakipag kaibigan lang po siya sa akin," paliwanag ko.
"Really?" Pang-uuyam na tanong niya.
"Opo," sagot ko sa kanya.
"From on, I don't want to see you talking with other men," seryosong saad niya sa akin.
"Kahit po kayo?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Except me," sabi niya.
"Bakit po?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Dahil ako ang nagpapasahod sa 'yo at ayaw ko ng problema. You're my responsibility now," paliwanag niya sa akin.
"Okay po, sorry po," nakayukong sabi ko.
Hindi na ito nagsalita at umupo ulit sa sofa. Ako naman ay pumasok sa silid ko para magpalit ng damit. Paglabas ko ay pumasok ako sa kusina. Nagbukas ako ng cup noodles at nilagyan ko ng mainit na tubig.
Hinintay kong maluto ito. Nakaupo lang ako ngayon. Sinilip ko ito kung okay na. Masaya ko dahil sa wakas makakain na ako.
Kumuha na ako noodles at akma ko na itong isusubo ng may kumuha sa kamay ko. Kaya nilingon ko si manong.
"Where did you get this?" Galit na tanong niya.
"Sa pantry po. Bawal po ba akong kumuha doon? Sorry po hindi ko po kasi alam. Gutom na po kasi ako. Pasensiya na po talaga," sabi ko sabay takbo palabas ng kusina.
Pumasok ako sa kwarto ko at uminom na lang ng tubig. Bawal pala kumuha doon sana bumili na lang ako.
"Kasalanan mo rin dahil hindi ka nagpaalam," sabi ko sa sarili ko.
Humiga na lang ako sa kama ko ng nakadapa. Hindi ko napigilan ang luha ko dahil patuloy sila sa pagpatak. Hindi ko napansin na may pumasok nagulat na lang ako ng tumabi sa akin si senyorito.
Hindi ko siya sinilip dahil nahihiya ako at saka umiyak pa ako.
"Manang get up, eat now," sabi niya.
Kaya nagtaka ako sa sinabi niya. Bumangon ako at humarap sa kanya.
Nagtaka ako dahil may dala itong pagkain.
"I'm not mad at you. Did I scared you?" Mahinahon na tanong niya kaya tumango ako bilang sagot.
"I'm just asking. You can eat whatever you want or you like here. Nabigla lang ako kasi mayroong cup noodles dito. Hindi kasi ako nagpapabili ng ganoon," paliwanag niya.
"Hindi ko rin po alam kung sino bumili nun nakita ko lang po doon," sabi ko sa kanya.
"Eat your late lunch," sabi niya sa akin. Ginulo pa niya ang buhok ko bago lumabas sa kwarto ko.
Hindi ko na inintindi ang ginawa niya dahil takam na takam na ako sa pagkain na dala niya.Kaya nilantakan ko na. Naubos ko pa nga lahat. Pero naging abnormal ang t***k ng puso ko. Napahawak na lang ako dito.