Chapter 35 Raine BUHAT–BUHAT pa rin ako ni Damon habang naglalakad kami pabalik ng bahay. Patuloy akong nagpupumiglas, pero parang walang epekto sa kanya—parang wala lang sa kanya ang bigat ko sa mga braso niya. Pigil na pigil lang ako, pero ramdam ko ang kabang bumabalot sa akin habang tumatawid kami sa likod—bahay at papasok na ulit sa malaking mansyon. Naglakad kami patungo sa hagdanan, ang mga yapak ni Damon ay mabibigat ang bawat hakbang. Wala akong magawa kundi patuloy magpupumiglas, natatakot ako sa kanya, pero parang walang pakialam ang Damonyo na ito sa pagpupumiglas ko, mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkabuhat sa akin. Bigla niyang pinagpapalo ang pwet ko na halos ikapanlaki ng mga mata ko. "Tumigil ka na, Raine," bulong niya, pero hindi ko siya pinansin. Pinagsusuntok k