Chapter 27 Raine HABANG nanatili akong nakaupo sa taas ng billboard, hindi ko mapigilang bumalik ang mga alalala ng nakaraan. Parang kailan lang nakilala ko si Nick. Ganoon kabilis na nangyari ang lahat, ang iniingatan kong puri ay ganoon ko lamang binigay sa lalaking iyon. Ang taong minahal ko ng buong puso ay siya ring taong nagdulot ng pinakamalalim na sugat sa akin. Naramdaman kong muling sumiklab ang galit sa puso ko sa lalaking iyon. Galit sa kataryduran ni Nick, sa mga pangako niyang napako. Kung paanong sa isang iglap, lahat ng paniniwalaaan ko ay nawala. Hindi ko siya mapapatawad, hindi matapos ang lahat ng ito. Higit sa lahat hindi ako papayag na malay siya samantala ang tribu ko ay naghihinagpisa sa pagnakaw niya sa aming anito. Walang kapatawaran ang ginawa ni Nick. Mabili