Chapter 34 Raine HINDI ako mapakali sa nakita, kung sino ang mga lalaking kinaladkad ng mga tauhan ni Damon. At ang galit sa mukha ni Damon parang papatay ng tao, ang expresyon ng hitsura niya ang layong–layo sa nakilala ko. Binitawan ko ang hawak ko. "Mommy," tawag ko sa ina ni Damon, dahil hindi ko alam ang name niya. Ginaya ko lang ang tawag sa kanya ni Damon. Matamis na ngumiti ang ina ni Damon. "Ano iyon, Anak?" "Akyat lang ako sa kwarto saglit," dahilan ko. Tumango siya. "Bumalik ka kaagad para ikaw ang titikim ng mga luto ko," nakangiting sabi niya. Isang matamis na ngiti ang itinugon ko. Mabilis akong naglakad, lumabas ako sa mula sa malaking pintuan. Dala ng kuryusidad, hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Matapos kong makita ang mga lalaking kinaladkad kanina, hinanap k