Chapter 33 Raine PAGKATAPOS naming maglibot–libot sa harden ay inakay akong muli ng ina ni Damon papasok sa loob ng mansiyon. Patungo kami sa hagdanan, masaya siyang nagkukuwento tungkol sa kabataan ko raw. Si Damon naman ay tahimik lang na sumusunod sa aming likod. Pagdating namin sa itaas, huminto ang ina niya sa harap ng isang malaking pintuan at marahang binuksan ito. "Halika, anak. Ito ang kwarto mo," sabi niya, full or emotion parang maiiyak na naman. "Wala akong pinagalaw rito mula nang umalis ka." Pumasok kami, at agad akong natulos sa kinatatayuan. Ang silid ay napakalaki. Ang higaan ay napakalapad, ang mga kurtina ay gawa sa mabigat na tela na may mga magagarang burda, at may mga ilaw na tila nag-iinit sa ganda ng kwarto. May isang malaking aparador, at sa isang sulok ay may