Chapter 09 First kiss

2029 Words
Chapter 09 Raine POV TAHIMIK kaming naglakad ni Nick patungo sa tabing ilog. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi maipaliwanag, para bang lahat ng saya sa mundo ay nawala kasabay ng nakita ko kanina. Malapit na kaming ikasal na dalawa pero hindi ko akalain na gagawin ito sa akin ni Usman, kaya pala lagi silang magkasama ni Liwanag dahil may ginagawa silang milagro. Napabuntong–hininga ako para lumuwag man lang ang nasa dibdib ko. Nang makarating kami sa gilid ng ilog, nakita ko ang isang malaking tipak ng bato. Umupo ako roon, at dahan-dahang inilubog ang mga paa ko sa malamig na tubig. Nakayuko ako, tinititigan ang agos ng tubig na dumadaloy. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, at isa-isa silang bumagsak sa tubig. Parang hindi na ako makapagsalita, parang wala nang natitirang lakas sa katawan ko. Naramdaman kong umupo si Nick sa tabi ko, pero hindi ko siya nilingon. Ayoko siyang makita sa ganitong estado ko. Nasaktan ako sa nakita ko kanina. Itinaas niya ang mukha ko upang ibalik ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. Marahas na nagmura si Nick. Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat. "Raine, you don't need to cry for a man. Dammit!" Aniya, naramdaman ko ang bigat ng kanyang tingin sa akin. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, pero nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Huminga ako nang malalim, sinusubukan pigilan ang mga luha ko. “Hindi ko akalain na magagawa niya yun,” bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. “Ang sakit... Ang sakit, Nick.” Naramdaman ko ang sincerity mula sa kanya, alam kong totoo ang pinapakita niyang pag-aalala. Unti-unti, naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Hindi ko inasahan, pero hinayaan ko lang siya. "Hayaan mong ako muna ang mag-alaga sa'yo," narinig kong sabi niya, malambing ang boses, parang gustong akong protektahan mula sa lahat ng sakit. Tumingin ako sa kanya, at sa gitna ng lungkot ko, may kakaibang ginhawa akong naramdaman. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Usman, pero sa ngayon, sapat na na malaman kong hindi ako nag-iisa. Kaya siguro ninais kung pumunta kanina sa kweba para matuklasan ko ang kataksilan nilang dalawa ni Liwanag. Maganda na rin iyong habang maaga pa, nailayo na ako kay Usman. Tahimik kaming nakaupo ni Nick sa ibabaw ng bato. Mula sa kinauupuan namin, kitang–kita ang crystal na tubig at mga bato sa ilalim at mga isdang nagsisilanguyan. Ramdam ko pa rin ang bigat na nangyari kanina, pero habang kasama ko siya, kahit papaano, may bahagyang ginhawa akong nararamdaman. Nakatitig lang ako sa tubig, sinusubukan pa ring ayusin ang sarili kong emosyon. Ngunit naramdaman kong kumilos si Nick sa tabi ko. Muli niyang hinawakan ang aking baba at itinaas ang mukha ko para magtama ang aming mga mata. Sa una, ayaw ko siyang tingnan—nahihiya ako sa kanya, at hindi ko alam kung bakit. Pero sa sandaling nagtagpo ang aming mga mata, parang naglaho ang lahat ng alinlangan. Ang mga mata ni Nick ay malalim at puno ng emosyon. Nakikita ko roon ang pag-aalala, ang malasakit, at... may kung ano pang hindi ko maipaliwanag. Napakalapit ng mukha niya sa akin, at nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga. Ang puso ko ay bumibilis, bawat t***k ay parang naririnig ko ang katahimikan ng paligid. Dahan-dahan, nakita kong bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ko, papunta sa mga labi ko. Ang simpleng galaw na iyon ay nagdulot ng kakaibang kilig na umakyat mula sa aking dibdib hanggang sa aking mga pisngi. Hindi ko maipaliwanag, pero parang biglang naging mabigat ang hangin sa paligid namin, punong-puno ng tensyon na ngayon ko lang naramdaman. "Raine," mahina niyang bulong, ang boses niya ay malambing at may halong pagkahumaling. "Have you ever been kissed by a man?" Nabigla ako sa tanong niya. Ang mga salita niya ay parang may kakaibang epekto sa akin, para bang tumigil ang mundo at siya lang ang natitirang tao rito. Hindi ako makapagsalita agad, napatitig lang ako sa kanya, hindi makapaniwala sa naririnig ko. Ang tanong niya ay simple, pero sa paraan ng kanyang pagkakasabi, nagbigay ito ng kakaibang init sa dibdib ko. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paglapit. Ang mga mata niya ay seryoso, puno ng kagustuhang malaman ang sagot ko. Ang mga labi niya ay bahagyang nakaawang, parang hinihintay ang susunod na mangyayari. Sa mga sandaling iyon, nakalimutan ko na ang sakit, ang lungkot, ang lahat ng nangyari kanina. Ang tanging mahalaga ay ang tao sa harap ko, ang lalaking hawak-hawak ang mukha ko na para bang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Nahihiya ako, naguguluhan, pero higit sa lahat, nararamdaman kong may kakaibang pagnanasa sa loob ko na ngayon ko lang naramdaman. Parang isang malambing na pangarap ang lahat, na hindi ko gustong magising. Inilapit ni Nick ang mukha niya nang kaunti pa, at naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa labi ko. Parang tinatanong ng bawat galaw niya kung papayag ako, kung handa akong ibigay ang sagot na alam kong gusto niyang marinig. Sa mga sandaling iyon, ang puso ko ay parang sasabog sa kaba at kilig, at alam kong walang ibang sagot kundi ang katotohanang hindi ko kailanman pinangarap na maramdaman para sa iba. Bago ko pa man mabigkas ang anumang salita, ramdam ko ang banayad na paghaplos ng kanyang hinlalaki sa ibaba ng aking labi, na nagdulot ng kakaibang kilig sa aking buong pagkatao ko. Wala na akong takas—narito kami, sa isang sandaling hindi ko inakalang darating, at ang tanging bagay na natitira ay ang mga damdaming unti-unting sumisibol sa pagitan naming dalawa. Ang mundo ay tila tumigil, at sa mga sandaling iyon, tanging kaming dalawa lang ang naririto. Ang bilis ng kabog ng puso ko, sobrang bilis. Pagkatapos ay walang pasubaling niyakap niya ako ng mahigpit at hinagkan ng mariin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ni hindi ako makakilos. He was holding me so tight and kissing me hard, pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga. "Dammit, what the hell am I doing?" He said a harshly nang bitawan niya ang labi ko. Sabay kaming napasinghap. Parang napagtanto niyang may mali sa nangyari, at tumingin siya sa akin na may halong gulat at pagkalito sa kanyang mga mata. Lumayo siya nang kaunti, at parang may labanan sa loob niya na hindi ko maintindihan. Tumingin siya sa akin, na parang naghahanap ng sagot, pero kahit ako ay hindi rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang tanging sigurado lang ako ay ang t***k ng puso ko, na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma. Tumalikod siya nang bahagya, parang iniisip kung ano ang susunod niyang gagawin, habang ako naman ay naiwan na naguguluhan at puno ng emosyon na ngayon ko lang naramdaman. Pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa, at ramdam ko ang pagkalito na dumadaloy sa aming dalawa. Ang puso ko ay patuloy na kumakabog, at kahit papaano, hindi ko alam kung paano magpatuloy mula sa nangyari. Muli siyang humarap sa akin. Bigla siyang nagsalita. "Raine," nagsimula siya, at naramdaman ko ang bigat ng bawat salita. "Have you ever had any experience... with s*x? You let a man touch you anywhere? Your boyfriend, Usman?" Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya, at lalo lang akong nalito. Ang tanong niya ay parang nagpabalik sa akin sa realidad, at bigla kong naalala lahat ng nangyari kanina. Pero bakit niya itinanong iyon? Bakit bigla, matapos ang halik, ay napunta kami sa ganitong usapan? Alam ko ano ang kahulugan ng s*x? Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko habang hinahanap ko ang tamang salita. Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman kong mas lalong bumigat ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa. Parang hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko, lalo na sa harap ni Nick na ngayon ay mas seryoso at mas naguguluhan pa kaysa kanina. Lalo lang niyang ikinulong ang tingin niya sa akin, naghihintay ng sagot, pero sa mga sandaling iyon, parang nawalan ako ng kakayahang magsalita. Ang tanging nararamdaman ko ay ang hindi mapakaling kaba at ang hindi maipaliwanag na takot na baka kung ano ang mangyari kapag sinagot ko siya. Ngunit, wala namang masama kung sumagot ako. Nanatili akong nakatitig kay Nick, patuloy pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin, pero ramdam ko ang bigat ng tanong niya—parang may mahalagang bagay sa likod ng kanyang mga salita. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "W–wala..." sabi ko, na bahagyang nanginginig ang boses. "I haven't even been kissed by Usman, let alone... anything else." Nakatitig lang ako kay Nick, inaasahan ko ang kung ano mang reaksyon mula sa kanya—galit, pagkadismaya, o kahit ano pa. Pero sa halip, nakita ko ang isang bagay na hindi ko inasahan. Parang biglang nagliwanag ang mukha niya, ang mga mata niya ay kumikislap na parang nakatanggap siya ng isang napakagandang balita. "Seriously?" tanong niya, halos hindi makapaniwala. Parang hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasaya ang reaksyon niya. “Oo, sinabi ko na kanina, kahit halik ay hindi ko naranasan kay Usman... lalo na ang s*x. Hindi rin niya ako nahawakan kahit saan," sagot ko nang mahina, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako, pakiramdam ko pulang–pula na ang pisngi ko ngayon. Habang nalilito akong nakatitig kay Nick, nakita ko ang kakaibang kasiyahan sa kanyang mukha. His smile widened, and he looked at me like he'd just won the lottery. Parang biglang gumaan ang lahat ng bagay, at nakaramdam ako ng kakaibang init mula sa kanyang mga mata. Ang gulo ng mga nangyari, pero sa reaksyon ni Nick, parang may isang bagay na bumaligtad sa loob ko—isang damdamin na hindi ko maunawaan. Namagitan sa amin ang katahimikan. Naririnig kong huminga ng malalim si Nick bago muling nagsalita. "You're virgin?" he whispered, pero nahagip iyon ng mga tenga ko. Umiling siya, mas lalo akong naguluhan sa kanya. May nakakatawa ba sa pagiging birhen? Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Hindi ka naniniwala na birhen ako?" May pagdaramdam kong tanong. Humarap siya sa akin at isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Patunayan mo, Raine," he said thickly. "Pwede mong patunayan, kung gusto mo?" Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano? Mahal ba natin ang isa't isa para gawin iyon?" I said a little bit cheerfully upang alisin ang seksuwal na tensyon. Ang akmang pagyuko ni Nick upang angkinin ang labi ko'y napigil. Taas baba ang mga mata nito sa mukha ko, may bahagyang kalituhan ang mukha ni Nick, hindi ko alam kung bakit. Baka dahil sa sinabi ko. "Ano ang kinalaman ng s*x sa love? Hindi kailangan ang love para makipagsex, Raine. Pwede kang makipag s*x kahit walang pag–ibig. What love got to do with this, Raine?" tanong ni Nick, may amusement sa kanyang mga mata. Bago pa man ako mag-isip ng sagot sa kanya, naramdaman ko ang kanyang mga labi na biglang dumampi sa labi ko. Ang halik niya ay puno ng pagnanasa at damdaming hindi ko pa naranasan. Ang bawat hagod ng kanyang labi ay parang dinadala ako sa ibang mundo, naroon ang lahat ng emosyon na gusto niyang iparating. Naramdaman ko ang bawat galaw ng kanyang mga kamay na humahagod sa aking likod, mula sa aking balikat pababa sa aking baywang. Ang init ng kanyang katawan at ang bigat ng kanyang yakap ay tila nag-aalis ng lahat ng mga takot at pangamba ko. Ang bawat pagdampi ng kanyang labi sa akin ay nagdudulot ng bagong damdamin—ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal. Habang ang kanyang mga labi ay patuloy na naglalakbay mula sa aking mga labi patungo sa aking panga, nahanap ko ang sarili kong nagpapakawala ng mga emosyon na matagal ko nang itinago. Ang halik na iyon ay tila isang bagong simula, na naglalaman ng mga damdaming hindi ko alam na posible. Sa mga sandaling iyon, lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko ay parang napawi sa kanyang yakap at halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD