Chapter 39 Raine PARANG isang multo ng nakaraan ang lumitaw sa harap ko, at naguguluhan ako kung totoo nga ba itong nakikita ko. Ang dami kong gustong itanong sa babaeng nasa harapan ko, pero lahat ng iyon ay natabunan ng damdamin ng gulat at matinding pangungulila. Tinulungan ako ng babae na tumayo, at habang ginagawa ito, nagsalita ang babae, "Okay ka lang ba? Hayaan mo na sila, walang kwenta ang mga 'yan." Wika niya sa malamyos na tinig. Napatingin ako sa kanya, gulat pa rin sa pagkakahawig ng babae sa ina ko. Hindi lang sila hawig kundi magkamukhang–mukha talaga sila. Paano ko ba makakalimutan ang magandang mukha ng aking ina? Nanginginig ang buong kalamnan ko at nanlalambot ang mga tuhod kong nakatitig lang sa kanya. "Salamat," mahina kong sagot, pati boses ko nanginginig pa. "Sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books