Chapter 24 Raine MALAKAS na yugyog sa aking balikat ang nagpgising sa akin kinabukasan. Nakapamaluktot ako sa sobrang lamig na binubuga ng sinasabing aircon, sanay ako sa lamig pero iba ang lamig na binubuga nito. Mabigat ang mga talukap ko, pati ang aking katawan ay mabigat, masakit din ang aking ulo at ang aking likod. Muling niyugyog niya ang aking balikat. Dahan–dahan akong nagmulat ng aking mga mata kahit pagod pinilit ko ang aking sarili. Nakita ko ang babaeng kasama ko. "Gising na, nasa Maynila na tayo," sabi niya, may halong pagod ang tinig nito, marahil sa mahaba naming biyahe. Kahit masakit ang aking katawan, dali–dali akong bumangon at tumingin sa paligid. Ibang–iba na ang tanawin sa labas ng bintana. Ang mga pamilyar na bundok at kagubatan sa aming tribu ay napalitan na ng