Chapter 25 Raine HUMINGA ako ng malalim at napagdesisyon. Kailangan kong gawin ito. Kailangan kong ipakita kay Nick na mali siya ng taong niloko. Tumawid ako sa kalsada sa kabila ng bumulusok na mga sasakyan sa EDSA. Hindi alintana sa akin ang busina at mga sigawan ng mga tao. Ang tanging layunin ko ay makatawid sa kabilang kalsada. Nang makarating ako sa tapat ng larawan ay tumingala ako, nakalula ang taas nito pero wala akong paki–alam. Hindi ko alintana ang pangamba; ang mahalaga ay makarating ako sa tuktok nito. Nagsisigaw ang dalawang babaeng kasama ko. "H'wag kang aakyat diyan." Saway sa akin ng isa. "Mahuhulog ka, ang taas niyan," segunda ng isa. Ngunit hindi ako nakinig. "Baka nagkakamali ka lang ng tinutukoy. Si Mondragon 'yan, magaling na businessman." Umiling ako. "Siya a