Napahagalpak ng tawa si Dille, at binatukan si Tisoy. Tama namanvang paglabas ng katulong at narinig niya iyon. Sapu-papu ni Dille ang kaniyang bibig upang hindi marinig ang kaniyang hagikghik. "Galing mong mag-english. Sinong nagturo sa iyo?" natatawang tanong ni Dille. "Napanood ko lang sa palabas kagabi, Ate Dille." "Oh! Bakit hindi pa kayo kumain?" tanong ni Justine, nang makababa ito. "Hinihintay ka namin, nakakahiya kasi," tugon ni Dille. "Okay, tayo na!" Tumayo naman ang dalawang bisita at sumunod sa kaniya. "May kapatid ka ba Justine?" "Oo nga, Kuya Justine, may kapatid ka ba?" pag-uulit na tanong ni Tisoy. "Wala! Meron sana, kaso nakunan si Mama." "Sad naman," malungkot na sabi ni Dille. "Oo nga, sad talaga," sabat naman ni Tisoy, na lumungkot rin ang mukha. "Sig