Justine's POV "Sino kayo?! Hindi ba ninyo ako kilala?" wika ni Justin sa tatlong lalaki na humaharang sa kaniya. "Ibigay mo sa amin ang iyong wallet at cellphone at isama mo na rin iyang relo mo at kuwentas! Kung ayaw mong magasgasan iyang mayaman mong katawan!" utos ng isang lalaki. "Huh?! Ano ako uto-uto? At bakit mo kunin sa iyo ba ito?" pilosopong sagot niya. "Akin na ang pitaka, cellphone at iyang relo mo, bilis!" pag-uulit na utos ng isa pang lalaki na hindi man lang natitinag sa kina Dille. "Ang kulit mo rin ano?! Bumili ka ng sa iyo!" nakangiting sagot ni Justin na halatang inaasar pa ang mandurukot. "Hoy! Mga ungas! Bitawan n'yo siya!" napalingon ang tatlong lalaki sa bandang likuran at napatingin sa kinaroroonan ni nilang dalawa. Snatcher smirked. "Ang tapang ni Nene..."