P O V

1131 Words
K a l i x x Walang tigil sa pagtunog ang telepono sa bed side table. Ayaw paawat na tila nais mang-istorbo ng nasa kabilang linya. Pupungas -pungas na kinapa ni Kalixx ang handset ng telepono at padarag na dinala sa kanang tenga pagkatapos ay muling isinubsob ang mukha sa kama. Sinadya niyang patayin ang kanyang cellphone para hindi ma-istorbo. Ngunit hinayaan niyang bukas ang landline para sa mga mahahalagang tawag mula sa ospital at pasyente. "What?" ang tinatamad niyang sagot. Kasalukuyan syang nasa condo niya sa Makati at buong gabi na nagpapahinga. Kagagaling niya lang sa byahe mula sa Singapore. At mula sa airport ay tumuloy sya ng Asian Hospital sa Alabang dahil may nakatakda syang operasyon na gagawin roon. Gumugol rin iyon ng anim na oras. Kaya naman ay pagod na pagod na sya pagdating sa condo. "Oh Gracious! Thank God you answer right away. I've been calling on your phone." Marga exclaimed in a worried tone. Kunot ang noong biglang mulat si Kalixx. Si Marga ang nasa kabilang linya. His girlfriend. No, his fiancée. Because one year from now ay ikakasal na sila ng babae. "Honey?" nagtataka niyang sagot. Tuluyan nang nagising ang diwa niya sa biglaang tawag nito. Nag-angat sya ng ulo at sinikap na aninagin ang orasan sa may dingding. It's 3:30 in the morning. Kasalukuyang kahimbingan ng tulog niya at kasarapan ng pamamahinga. "Why? Is there something wrong? Are you okay?" sunod-sunod na tanong niya sa kasintahan. Bumalikwas na rin sya ng bangon at sumandal sa headboard ng kama para makapag-usap sila ng maayos. Marga is in L.A to represent the country after she won the prestigious beauty pageant. She will be going to compete in one of the Big League Pageants there. Katunayan ay nakatakda siyang lumipad patungo roon sa susunod na linggo para suportahan ang nobya. Kahit na ang totoo ay hinihikayat sana siya na maging isa sa mga hurado ng pageant directors subalit tinanggihan niya ang alok para hindi lumabas na bias. "Athena is in trouble, babe." Marga answered softly and bothered. Marahan na napabuga ng hangin si Kalixx pagkarinig sa pangalang binanggit ng babae. Hindi pa man ay tila gusto nang manakit ng kanyang ulo. Parang nahuhulaan na niya ang urgency sa tono ng kausap. "What is it this time?" ang hindi interesado na tanong niya kay Marga. Ngunit hindi niya iyon pinahalata sa nobya. He knows how her fiancee adores her younger sister Athena. Who is simply, an evil narcissistic brat. "She crashed down the road and was hit by a garbage truck." Marga replied almost cried out. A t h e n a Fuck this s**t! Athena exclaimed. She made a painful grimace as the medic examined her wound. "Sorry po ma'am, kailangan po talaga itong gawin para maampat ang pagdurugo ng inyong sugat." hinging paumanhin ng rumespondeng medic sa aksidenteng kinasangkutan ng dalaga. Diniinan kasi nito ang sugat ni Athena sa binti gamit ang gasa bilang paunang lunas. "No, nabigla lang ako." she raised her hand in the gesture of saying alright. Napasandal ang dalaga sa gilid ng police patrol car na nakahimpil. Pumikit at makailang ulit na huminga ng malalim. "Huwag na ho kayong matakot o mabahala ma'am. Mababaw lang naman ang inyong sugat. Unti-unti na ring umaampat ang inyong pagdurugo." anang medical student na umaasiste sa kanya. Pansin kasi nitong kahit na pinipilit niyang kumalma ay masasalamin sa maganda niyang mukha ang munting takot. Sa narinig ay medyo napanatag ang kanyang loob. Ibig sabihin ay hindi na nangangailangan na isugod pa sya sa pinakamalapit na ospital. Dapat lang dahil ayaw niyang maging sentro na naman ng usap-usapan. Siguradong manggagalaiti na naman sa galit si Don Bedicto kapag umabot sa kaalaman nito ang aksidenteng nangyari at labis na mag-aalala ang kanyang mama. Bagay na pinaka-iiwasan niyang mangyari pagka't mahina ang puso ng ina. Matipid na nginitian niya ang lalaki at tuloy nagpasalamat na rin dito nang matapos ito sa ginagawa. Isinuhestiyon pa rin nito na magpa-general check up sya sa ospital. Though she's perfectly fine ay sumang-ayon sya rito. Tinanaw niya ang garbage truck na nakasagi sa kanya. Kakamot-kamot sa ulo ang matandang drayber habang kausap ng mga pulis. Takot at pagkabahala ang mababanaag sa mukha nito na panaka-naka rin siyang tinatanaw. Tuloy ay gusto niyang ma-guilty. Wala naman kasi talagang kasalanan ang nasabing truck drayber. Pinilit pa kasi niyang mag-overtake kanina kahit na alam niyang paliko na ito sa intersection. Huli na ng mapansin siya nito kaya't hindi na nagawang makapag-preno pa. Sapul ang pwetan ng kanyang Norton motorbike at tumilapon naman sya sa kalsada. Mabuti na lamang at naka full gear suit sya. Subalit hindi nakaligtas ang kanyang binti nang humampas sa barikadang gawa sa semento. Kung saan ay dumaplis sa kanyang balat ang nakausling bakal. Dinaluhan siya agad ng matandang drayber at mga pahinante nito. Doon ay nakita niya ang pag-aalala at panghihilakbot sa mukha ng matanda lalo na nang magtanggal sya ng helmet at makitang babae pala sya. Abot-abot ang paghingi nito ng paumanhin sa hindi sinasadyang pagkakabundol sa kanya. Hindi malaman ng grupo kung paano sya hahawakan. Mabuti na lamang at may agad na rumespondeng ambulansya. ""Are you alright ma'am?" anang police officer na lumapit na sa kanya. Sa likod nito ay ang drayber na nakaposas. "Maayos na ba ang iyong lagay anak?" tanong ng matanda. Bagama't tila sinakluban ng langit at lupa ang hapis nitong mukha ay hindi mawala ang pag-aalala nito sa kanya. Tila mas inaalala pa nito ang kanyang kalagayan kaysa sa kakaharapin nitong asunto. Bagay na nagpadurog sa kanyang konsensya. Matipid na tinanguan niya ang pulis pagkatapos ay binalingan niya ang drayber. Sinikap niyang ngumiti sa matanda. "Ayos lang po ako." aniya rito. Lumiwanag naman ng bahagya ang wangis ng matanda. Animo isang magandang balita ang narinig. Narinig pa niya ang pag-usal nito ng pasasalamat sa itaas. "Dadalhin na ho namin sa presinto ang suspek. Mangyari ay sumunod na lamang kayo roon para sa ihahaing reklamo." "No, I will not file a case or complaint against him." pormal na wika niya sa pulis. "But Ms--- "Hindi naman malubha ang aking pinsala and It's my fault officer. So please uncuff him." She said politely. Saglit lang na natigilan ang pulis. Animo sinasalamin sa kanyang mukha ang katapatan sa kanyang sinabi. Maya-maya ay napangiti ito. "Masusunod Ms. Madrigal." anitong tinanggal agad sa pagkakaposas ang drayber. Abot-abot naman ang pasasalamat ng matanda kay Athena. Katunayan ay maluha-luha pa ito. Binilinan pa nito ang dalaga na mag-iingat sa pagmamaneho bago tuluyang umalis. At ganoon rin naman si Athena rito. Magpipilit na sanang bumangon ang dalaga nang isang humahagibis na sasakyan ang humimpil sa di kalayuan. Agad na umibis mula roon ang bulto ni Kalixx Mondragon. "What the hell..." Athena 's uttered while wrinkling her eyebrows, shut her eyes and twisting her mouth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD