Chapter 1

1235 Words
Ipinatawag ng St. Scholastica's School principals office ang mag asawang Bedicto at Estella Madrigal. Mayroon raw reklamo sa bunsong anak ng mga ito na si Athena. Umano ay nangagat raw ito ng kaklase. Naghihisterya na raw ang ina ng bata na nais silang makausap. Eksakto namang kararating lang ni Bedicto sa mansyon. Nang malaman nito ang nangyari ay agad na silang napasugod sa iskwelahan. Nasa opisina na ng punong guro si Athena pagdating nila. Tahimik ang bata sa isang tabi habang nakaupo. Nakayuko ang ulo nito habang yakap-yakap ang kanyang trolley bag. Agad na nilapitan ni Estella ang anak sa labis na pag-aalala. "Are you okay, honey?' tanong nito sa anak. "At ang anak mo pa talaga ang iyong tinanong. Can't you see my daughter? She's in pain right now because she is bitten by your evil daughter." banat agad ng ina ng bata habang sige ngalngal sa iyak naman ang anak nito. Tila naman nagpanting ang taynga ni Estella sa narinig. Binalingan nito ang babae nang nakataas ang isang kilay. "Watch your tongue Mrs.whoever you are." ang hindi nakatiis na pagtataray na rin ni Estella. "What did you just say referring to my daughter is very offensive and malicious. No wonder my Athena bit your daughter." she said angrily and sarcastically. "Estella please calm down " Bedicto interjected. Hinawakan ang asawa sa kamay at pinisil iyon. Kumalma naman si Estella at gumanti ng pisil sa asawa. Ang babae naman na naghain ng complaint ay nagpakilalang si Mrs. Mary Jones ay bigla na lang natahimik nang patulan ni Estella. "We are all civilised people here. Please try to control your temper and emotions. So we can have a good talk." anang principal. Nagsitanguan naman at nagsiupo ang lahat sa silid para masimulan na ang masinsinang pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig. "Why did you do it?" malakas ang boses na tanong ni Bedicto sa anak pagkauwi nila. Anger stabbed at him. "Lower your voice Bedicto. Hindi bingi ang ating anak para pagtaasan mo ng boses.." paninita ni Estella sa asawa. "Maaari mo siyang kausapin at tanungin sa mahinahong paraan hindi ganyang aangilan mo ang bata." dagdag pa ng ginang. "Kaya namumuro ang batang iyan dahil kinukunsinte mo lagi sa kanyang mga kalokohan." sambit ni Bedicto sa asawa. Binabaan nito ang boses subalin mariin naman. Nagsumiksik sa ina ang anim na taong gulang na si Athena, banaag sa mukha ng bata ang takot para sa ama. She felt her eyes misting with tears as her mother keeping her away from Bedicto. Pinipilit kasi ng lalaki na sabihin ni Athena ang dahilan nito kung bakit nagawa ng bata ang ganoong kabayolenteng bagay sa kaklase. Kanina kasi sa gitna ng pag-uusap sa opisina ng punong-guro ay tanging version lamang ng batang nagrereklamo at nanay nito ang namumutawi. Nanatili kasing walang imik si Athena. Kahit na ini-encourage pa itong magsabi ng totoong pangyayari. Tila hinayaan na nitong madiin talaga sya ng batang nakaalitan. Kaya naman ay ganoon na lamang ang panggigigil ni Bedicto. Sa isip nito ay talagang ang anak nga ang siyang may kasalanan. "Nagiging bayolente na ang batang iyan, Estella. Ayusin mo iyan dahil ayaw ko ng dagdag sakit pa sa aking ulo." reklamo ng lalaki sabay hagod sa batok. Larawan si Bedicto ng pagkapagod. Galing pa kasi sa isang mahalagang pagpupulong ang lalaki. Nagpatawag ng close door meeting ang ama nito na si Senyor Bruno Madrigal. Usap-usapan na kasi ang nalalapit na pagretiro ng matanda as President of Hotel Madrigal Management and Company. At si Bedicto na panganay nitong anak ang napipisil ng matanda na pumalit sa kanya. Because of his strong business acumen and financial skills. Hindi biro ang naiakyat na pera ni Bedicto sa kompanya dahil sa angkin nitong kagalingan pagdating sa pamamahala. Subalit ang posisyong iyon ay mariing tinututulan ng isa pa nitong anak na si Brenda Alcaraz. She contests their father's decisions. Pagka't hinahangad rin niya ang nasabing posisyon. Subalit mariin ang pagtanggi rito ni Senyor Bruno pagkat alam nitong sinusulsulan lamang ito ng asawang mapaghangad sa kapangyarihan at salapi. Ano nga naman ang magagawa ni Brenda sa kompanya gayong isa itong socialite. Most of her time was spent attending various fashionable social gatherings for wealthy people. Kaya't paano ito pagkakatiwalaan ni Senyor Bruno pagdating sa pagnenegosyo gayong wala naman itong alam na gawin kundi ang gumasta? Two weeks from now the board and the company's shareholders will choose or vote the next CEO. At ang bagay na iyon ang nagbibigay ng pressure at stress kay Bedicto kaya madalas ay nagiging mainitin ang ulo nito. Lalo na at sumugod pa si Brenda sa mansyon dahil nalaman nitong malaki ang tsansa na makuha niya ang pagka- presidente. Hindi iyon naibigan ng kapatid kaya't nauwi sila sa pagtatalo. Estella took Athena to her bedroom. Si Bedicto naman ay minabuting umakyat na muna sa silid nila para magpahinga. Gusto niyang ipahinga ang pagal na isip at katawan. "Stay here and take a rest, okay? I'm will talk to your dad." ani Estella. "He's so mad at me mama." Athena's little voice cried out. "No, he's not." Estella cupped Athena 's face. "Nabigla lang ang daddy mo. Later on he will be okay. Hindi magagawa ng daddy mo na tuluyang magalit sayo." "But he's always yelled at me." "Because your daddy is worn out. Sometimes when someone is weary It's hard for them to handle their emotions. They explode. But that doesn't mean he despises you. Your daddy loves you Athena. You and ate Marga are his princesses. Understand?" "Yeah---." Athena's murmured. "Good. "anas ni Estella habang ginulo ang buhok ng bata at pagkatapos ay hinalikan ito sa noo. "I'm gonna take off your shoes--- "It's okay mama. I can do it." agaw ni Athena sa ina. Ngumiti naman si Estella at nang masigurong maayos na ang anak ay nagpaalam na ito palabas ng silid. Isang marahang katok naman sa may pinto ang nagpalingon sa batang si Athena. Nasa bukana niyon ang nakatatanda nitong kapatid na si Marga. Nakangiti ang ate niya kaya't agad siyang nagpunas ng luha at sinikap na ngitian rin ito. Agad na lumapit si Marga at sumampa sa kanyang kama para tabihan siya. May nakita pa itong butil ng luha sa pisngi ni Athena. Kaya gamit ang sariling daliri ay pinahid na iyon. "You okay lil sis?" malambing na tanong nito kaakibat ang pag-aalala sa tinig. Tumango si Athena sabay yakap sa kapatid at humilig sa dibdib nito. "I'm scared ate Marga. Dad hates me so much." anito sa kapatid. Kaya't hinaplos ng ate ang buhok nito. "Don't be scared of Athena. Daddy will never hurt you because I'm here na. Ate is going to protect you." matamis ang ngiti na konsola ng batang si Marga. "Really?" "Yes, I promise you that I will never let anyone hurt you no matter what. I'm always there for you. Because I love you." malambing na pangako ni Marga sa kapatid habang nagtaas pa ng kanyang mga kamay. "I love you too ate Marga." sagot naman ni Athena habang nakatingala sa kapatid. Kay luwang ng ngiti nito. Niyakap naman ito ni Marga at hinaplos sa ulo. Si Marga ay sampung taong gulang na, apat na taon ang tanda nito sa nakababatang kapatid na si Athena. Nasa ika-limang baitang na ito sa parehong iskwelahan. Charming. Kind- hearted and compassionate. Most of all ay mahal na mahal nito ang kapatid na si Athena. Iyon si Marga Madrigal.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD