RAYDIN Nilapitan ko si Zoey at umupo sa tapat niya. Ininom niya ang isang bote ng soju at binuksan ang isa. ''Ang lakas mo pala uminom?'' wika ko at ngumiti ng matamis sa kaniya kahit labag iyon sa kalooban ko. Ang totoo ay gusto ko siyang pagbuhatan ng kamay dahil sa galit ko sa kaniya. Ngunit bilang Rey ay kailangan magiging mabait ako sa paningin niya. ''Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba ako titigilan?'' mapakla niyang tanong sa akin. ''Napadaan lang ako dahil bar ito ng kaibigan ko. Just wait a minute I’ll be back,'' paalam ko sa kaniya at tumayo. Ininom niya ang binuksan niyang soju at walang pakialam sa sinabi ko. Nagtungo ako sa counter at nag-order ng alak na paborito ko isang shot lang ang iinumin ko dahil ayaw kong malasing. Lalo na at nario sa club na ito ang asawa ko n