RAYDIN ''Anak,huwag mo naman sana sisihin si Zoey sa mga nangyari. Biktima lang din naman siya ng setwasyon. Higit sa lahat siya ang pinakaawaawa dahil wala siyang matandaan kahit isa sa kaniyang nakaraan. Anak, busilak ang puso ni Zoey,'' sabi ng Mommy sa akin. Naupo ako sa sofa at naupo rin siya sa aking tabi. ''Ang pinakaawaawa rito Mom, walang iba kun’di si Shiela at ang anak namin. Wala akong nagawa at hindi ko man lang siya naipagtanggol sa kakambal ko sa babaeng iyon! Kahit sa panglalait niyo sa kaniya ay hindi ko man lang siya naipagtanggol sa inyo,'' wika ko kay Mommy. Masama ang loob ko dahil kahit alam na nila na namatayan ako ng anak at babae na minahal ay si Zoey pa rin ang pinapanigan nila. Maya-maya ay may tumawag kay Mommy. Sinagot niya ang tawag na iyon sa kaniyang cel