Chapter 46 Sheina Pov Nanatili pa rin sa silid ko si Liam. " Mabuti pa siguro lumabas kana at saka bumalik kana sa Holand. 'Wag mo na pilitin ang sarili mo at 'wag mo na rin idamay ang pamilya mo sa mga kalokohan mong 'yan." saad ko pa kay Liam. "Tingin mo ba kalukohan lang ang lahat ng ito? Sa tingin mo kalukohan lang ang mga pinapakita ko sa 'yo? Hindi mo na ba ako mabibigyan ng isa pang pagkakataon? Bali wala na ba sa' yo ang lahat ng mga masayang araw natin?" Tanong pa nitong pagsusumamo. "Wala na Liam. Nakalimutan ko na ang lahat ng masayang araw natin. Hindi ko nga alam kung naging masaya ba talaga ako sa piling mo noon o takot lang ang nararamdaman ko." Pag - i-inarte ko pa. "Kung 'yan ang makapag-pasaya sa 'yo ang layuan kita at kung wala ng pag- asa na tanggapin mo ako seg