Chapter 45 Sheina Pov Lumipas ang ilang linngo at kabuwanan ko na. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama nang may naririnig akong ingay sa labas. At naririnig ko pa ang mga higikhikan ng mga ito. Parang ang dami ng tao sa labas ng bahay. Iniisip ko na baka mga bisita iyon ni tita sa kabilang bayan. Pero may mga naririnig rin akong hagikhikan ng mga kalalakihan. Dahan- dahan akong bumangon at pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ko naman maligo ay inayos ko ang sarili ko saka bumalik sa kuwarto at iniligpitin ang mga gamit ng mga sanggol nilagay ko ito sa isang bag para sakaling manganak ako ay isang bitbitan na lang. Hanggang sa napakaingay na sa labas. Hanggang sa lumabas ako para tingnan ang mga taong nasa labas. Nang nasa pintuan na ako ng bahay ay napanganga a