ZOEY Alasingko pa lang ng umaga ay nagtungo na ako sa bayan upang magbukas ng paninda kong mga prutas. Hinatid na ako ni Lorenzo at si Mama muna ang nagbantay sa mga kambal dahil tulog pa ang mga ito. Mamaya ay susunod naman sila kapag nakakain na ang mga bata. ''Tulungan na kitang buksan ang mga tolda,'' wika ni Lorenzo sa akin. “Sige, salamat, ha?'' wika kay Lorenzo at inayos ang mga paninda kong mga prutas. ''Zoey, kumusta ang pakiramdam mo? May sakit ka raw sabi ng Mama mo?'' tanong ni Aling Marcela ang katabi ng puwesto namin. ''Opo, Aling Marcela. Pero okay na po ako. Medyo namamaos lang dahil sa ubo ko. Kumusta po ang binta ninyo kahapon? Marami ba ang costumer?'' tanong ko sa kaniya. ''Ayos lang naman. Medyo matumal ang binta ko kahapon,'' wika naman nito sa akin. Tumango-ta