RAYDIN Malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi mula kay Zoey. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ang asawa ko ngayon. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng multo o nanaginip lang ako. Mabuti na lamang at sinampal niya ako dahil hindi ito panaginip lang. ''Zoey, patawarin mo ako,'' iyak kong wika sa kaniya. ''Patawarin? Anong nagawa kong mali sa 'yo para saktan mo ako? Anong karapatan mo para paglaruan mo ako, Raydin? Dahil ba nawalan ako ng ala-ala ay puwede mo na akong paglaruan?'' iyak niyang panunumbat sa akin. ''Nakaalala ka na? Zoey, hindi ko sinasadyang saktan ka. Maniwala ka sa akin noong gabing umalis ka sasabihin ko na sana ang lahat sa 'yo. Pero umalis ka at hindi na kita na hanap dahil akala ko patay ka na,'' wika ko sa kaniya. ''At natuwa ka naman dahil akala mo patay na