Chapter 28 Allysa Pov Lumabas ako nang banyo at dala - dala ang maliit na pt na iyon na ibinigay sa akin ni ate Des. May guhit iyon na dalawang pula sa gitna. Nanginginig ang katawan ko ng malaman kong buntis nga ako, paano na ako ngayon? totoo ang sinabi ni mama Lou na buntis ako. Natatakot ako sa mangyari. Paano ko bubuhayin ang sanggol sa sinapupunan ko ngayong walang wala ako. Umiyak ako ng umiyak. Tumingin naman a akin ang dalawa. Si ate Des at mama Lou. Lumapit ito sa akin. '' bakit ka umiiyak? ano ang resulta ng pt mo? '' pag - alalang tanong nito. '' buntis po ako? '' sabay abot ko ng pt sa kaniya. Habang umiiyak. Niyakap naman ako ni mama Lou. '' huwag kang mag- alala kaya mo 'yan.'' ani mama Lou saka hinimas pa ang likod ko. Para mapatahan ako sa pag- iyak. '' paano