Chapter 27 Gabriel Pov Nasa hospetal ako nagbabantay sa walang malay kong lola. Na comatos ito dahil sa pagkahulog niya sa hagdan sa mansyon. Sa tuwing tinitingnan ko ang lola sa ganitong kalagayan ay puno ng aparatos sa katawan at may naka-oxigen pa ay lalo akong namuhi sa asawa ko. Bago ako umuwi ng araw na iyon sa mansyon ay dumaan pa ako sa isang flower shop para bilhan ng bulaklak ang asawa ko. At bumili pa ako ng cake at shawarma na paborito niya. Pero pagpasok ko sa mansyon ay nakita ko na parang tinulak nya si lola kaya nakita ko ang pagkahulog ni lola, Gusto kong durugin ang asawa ko ng mga oras na iyon. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad kong dinala ang lola sa hospetal. Pero habang sa emergency room ang lola ay hindi ko inaakala na sumunod pala si Allysa.