ZOEY Ilang buwan na ang nakalipas at malaki na ang aking tiyan. Malulusog ang apat na sanggol sa aking sinapupunan. Sa tulong ni Mama at ni Lorenzo ay hindi ako nahirapan sa aking paglilihi. Talaba lang naman at mangga ang aking pinaglihian sa apat na makukulit na sanggol sa aking tiyan. Galing kami ni Mama sa obegyne ko at nagpa-ultrasound. 7 months and 3 weeks and 2 days na ang mga bata sa loob ng sinapupunan ko. Pagkatapos naming magpa-ultrasound ay namili kami ni Mama ng mga gamit ng quadruplets. ''Excited na akong makita ang mga apo ko, Zoey. Nako, puro mga lalaki pa naman sila. Ano kaya ang magandang kulay sa kanilang apat? Siguro maganda ang blue,'' wika ni Mama. Halatang excited na nga siya na makita ang mga apo niya sa akin. ''Kaso, hindi natin sila makilala kapag iisang kul