RAYDIN Tatlong taon na ang nakalipas simula nang mawala sa buhay ko si Zoey. Tatlong taon man ang nakalipas ay sariwa pa rin sa isip ko ang masaklap na pagkawala ng aking asawa. Masakit man sa loob ngunit kailangan kong ituloy ang buhay ko. Nag-focus ako sa mga negosyo namin at pagpapatayo ng building o condominium sa iba't ibang lugar sa Holand. Ngunit may binili akong lupa sa San Niculas tatlong taon na rin ang lumipas. Ang personal assistant ko lang ang tanging pumupunta sa lugar na iyon dahil malayo na sa Holand. Hindi na rin ako tumira sa condo ko bumili ako ng sarili kong bahay sa Holand City. Ayaw kong tumira sa mansyon nila Daddy at Mommy. Sa Holand na rin ako tumira at tinutukan ko ang negosyo namin dito sa Holand. Minsanan na lang din ako pumupunta sa San Agustin. Malapit nang