Chapter 10 Allysa "Uhmm... Ang sarap sa pakiramdam na matulog ng mahaba," bulong ko sa aking sarili sabay inat ng aking mga braso at katawan. Bumangon ako para maghilamos. Alas-dies na pala ng umaga. Pagbangon ko ay agad na akong nagtungo sa banyo. Nakita ko naman si Mama na naghahain ng almusal namin. ''Mabuti at gising ka na, Iha. Nakapaghain na ako ng pang-almusal natin,'' nakangiting sabi ni Mama. ''Mag-tooth brush lang po ako, Ma,'' sabi ko pa sa paos na boses. Nagtungo na ako sa banyo at nag-tooth brush. Pagkatapos ay nag-almusal na kami ni Mama. "May pupuntahan ka ba, Iha?" tanong ni Mama habang kumakain kami ng almusal. "Wala naman, Ma. Hinihintayin ko ang tawag ni Claris. Baka nakuha niya na ang sukat ng anak ni Mr. Moore." Nagsubo ako at ang gaan ng pakiramdam ko n