ZOEY Napaawang ang aking mga labi nang pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko akalain na magawa nila ng ilang araw ang bahay namin sa Paraiso. Kompleto na ito sa kagamitan. Ang dating kawayan na upuan ay napalitan ng malambot na sofa. Pumasok ako sa loob na dating silid namin ng mga bata at namanhangha ako. May dalawang malaking kama na may sapin na carton characters at pinalagyan pa ni Raydin ng extension ang dati naming silid ng mga bata. Pinalagyan niya ito ng slide na palaruan ng mga bata. Naroon ang mga bata at naglalaro ang mga ito sa bago nilang laruan. Marami din siyang pinamili na mga laruan para sa quadro. 'Yong dating dalawang silid ay naging tatlo na. Napawi ang inis ko sa kaniya kanina sa pinagawa niya sa kulungan ng baboy. Pinagawan ba naman ng silid ang bawat isa. ''Mom