ZOEY ''Ano ang sasabihin mo sa akin, Raydin?'' tanong ko sa asawa ko. ''Gusto ko sana ilipat sa apilyedo ko ang apilyedo ng mga bata. Gusto kong dalhin nila ang apilyedo ko, dahil isa silang mga Harris,'' seryoso niyang wika sa akin. ''Okay, lang naman sa akin, Raydin. Anak mo naman sila at hindi naman sila anak ng kung sino. Pero, kung nagkataon na hindi ikaw ang ama nila hindi ko naman ipapa-apilyedo sa 'yo ang mga bata. Pasalamat na lang ako dahil ikaw 'yong gagong umangkin sa akin sa bar ng gabing iyon,'' wika ko sa kaniya at napakibot pa ako ng aking labi. ''Mahilig ka kasi mag-bar mag-isa. Paano kung hindi kita nakita noon? Paano kung iba ang nagsamantala sa 'yo?'' kunot-noo niyang tanong sa akin. ''Paano nga ba kung iba? 'Yung takot ko noon hindi matatawaran, Raydin. Ang buong