RAYDIN "Mom, nagluluksa pa ako kay Shiela. Si Zoey ang dahilan kung bakit nawalan kayo ng apo. Si Zoey ang dahilan kung bakit nawala ang kakambal ko! Pero bakit gano’n na lang ninyo siya ipagtanggol?" hinagpis kong tanong kay Mommy. "Dahil ang Ama ni Zoey ang nagligtas sa inyo noong nakidnap kayong dalawa ni Raynier. Mga bata pa lang kayo noon. Isinugal niya ang buhay niya para sa inyong dalawang magkambal. Ang totoo, body guard ng Papa mo ang Ama ni Zoey. Nawalan ng ama si Zoey dahil sa inyong dalawa ni Raynier. Kung hindi dahil sa Ama niya ay wala na rin siguro kayong dalawa ni Raynier," ani Mommy at tumabi ng upo sa akin. Hindi ako halos makapaniwala sa sinabi ni Mommy. Patuloy lang si Mommy sa pagkuwento sa akin. "Pero ano ang ginawa ninyong magkambal sa anak ng taong binuhis ang b