ZOEY ''Don't worry hindi kita gagalawin hangga't hindi ka pa handa. Just relax, okay?'' pagpapakalma sa akin ni Raydin Medyo nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya na hindi niya ako gagalawin. Nadudumihan ako sa aking sarili at naiinis dahil sa kagagahan at katangahan ko. Kung sinunod ko lang sana siya na huwag umalis sa condo hindi pa sana ako nakuha ng iba. ''Matutulog na ako. I'm sorry, Raydin. Bigla kasi sumama ang pakiramdam ko,'' wika ko sa kaniya. ''It’s okay, don’t cry na. Sige, magpahinga ka na dahil alam kung pagod ka. Bukas mamasyal tayo para makapag-relax ka,'' wika niya sa akin. Inihatid niya muna ako sa aking silid at sinigurado niya na ayos na ako bago niya ako iniwanan sa loob ng aking silid. Maraming nangyari sa araw na ito sa aking buhay, kaya parang napagod na