Hunk Series 3: Lucas Walker Part 1

3096 Words
"Ate Lara, Ate Lara."" Napatigil ako sa pag lalakad at nakita ko ang isang lalaking nasa trese anyos ang naka tayo sa aking harapan. Naka suot lamang siya ng kupas na short na itim at sandong puti at bakas sa kanyng mukha at leeg ang pawis, dahil sa pag takbo nito. "Oh Biboy, ikaw pala," aniya dito. Kilala niya ang batang lalaki dahil malapit ito sa bahay nila at tambay din ito doon sa may kanto. "Pinapataong ni Aling Salome kong pwede ka daw bukas mag side line, ulit doon sa karinderya niya." aniya nito at doon na lang lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Si Aling Salome ang matanda at matabang tindera doon sa maliit nitong karinderya doon sa may eskinita, paminsan doon siya nag si-sideline ng trabaho kapag kinakapos na siya sa budget at pera para sa araw-araw nilang gastusin sa bahay. "Oo naman Biboy. Sabihin mo kay Aling Salome na pwedeng-pwede ako bukas," halos mapunit na ang ngiti sa kanyang labi dahil sa saya dahil hindi na naman siya mababakante bukas dahil may trabaho na naman ulit siya. "Sige, makakarating ate Lara. Sige mauna na ako sa'yo, at inutusan pa ako ni Mama bumili ng suka sa tindahan." aniya nito at nag takbo na ito paalis at sinundan ko na lamang ito ng tingin. Nag simula na siyang mag lakad sa masikip at maputik na eskinita papunta sa bahay nila. Kumpol-kumpulan ang mga bahay at parang squatter ang lugar dahil hindi maalis ang away at ingay sa kanilang lugar. Halos kilala niya na lahat ng tao at tambay at bawat tindahan sa kanilang lugar dahil halos naka libot na siya sa kakahanap ng mapag kakakitaan. Tinali niya na ng messy bun ang kanyang buhok at hinawakan ko ng sobrang higpit ang sling bag na medyo may butas na din dahil na rin sa kalumaan. Hindi na siya bumili ng bago dahil kailangan niyang mag tipid ng pera lalo't na mahirap ang buhay. 23 years old na siya at kasalukuyan padin siya ngayon nag- aaral bilang ganap na guro sa isang maliit na eskwelahan sa kanilang bayan. Ilang beses di sya tumigil sa pag aaral dahil salat din sila sa buhay at kailangan niyang kumayod ng pera para sa pang araw-araw nilang pag kain. Aaminin kong hindi naman kami mayaman gaya ng iba. Ulila na ako sa aking mga magulang at ngayon nakikitira lamang ako sa aking Tyo Lando na siyang kumupkop at nag alaga sakin. Sa edad kong sampung taon, naranasan ko ng mang limos sa kalye, nag tinda ng kendi o kaya naman sampaguita sa simbahan, taga hugas sa karinderya, taga alaga ng bata, taga laba at kong-ano pang raket ang pinasukan kong trabaho para lamang matulungan at may may makain kami. Hindi pa man ako nakaka pasok sa maliit na bahay ay rinig ko na ang malakas at matinis na boses ni Tya Erlinda(ang asawa ng aking Tyo Lando) at kasunod no'n ang pag kalabog sa loob ng bahay. Yari sa semento ang pader. Ang kisame ay yari sa yelo lamang, kaya't napaka init sa loob ng bahay nila kong sasapit ang tanghalian. Pansin ko din ang pag bulong-bulungan at pag masid ng mga tsismosa nilang kapitbahay sa labas ng mga bahay nila, na para bang nakiki- usyoso na naman ito kong ano ang nangyari. Matamlay siyang nag lakad papasok sa bahay nila at nilagpasan nya ang mga tsismosa nilang kapitbahay. Nang tuluyan na siyang maka pasok sa naturang bahay ay muntik na siyang mapa sigaw ng muntik na siyang matamaan ng binato ng kanyang Tya Erlinda na plato. Kita niya kong paano iyon nabasag at nag kahati-hati ng tumama ito sa pader. "Ano kaba Lando, isang libo lang ang kinita mo sa mag hapon mong pamamasada?!" Umalingawngaw ang malakas at nakaka hindik na sigaw ng kanyang Tya Erlinda na ngayon naka pamaywang na ito sa harapan ni Tyo Lando na ngayon tahimik at kalmado itong naka upo sa gawa sa kawayan nilang upuan. "Matumal lang ang benta ngayon Erlinda, kaya't iyan lang ang nakayanan ko ngayon." Mahinahong sagot ng kanyang Tiyo at umubo ito na tila ba nahihirapan ito. "Matumal? Sabihin mo lang, tinamad kana naman mamasada Lando!" Sigaw nitong muli na halos hindi na maipinta ang mukha nito sa galit. "Parati na lang ganito na konti na lang parati ang binibigay mo sakin na pera. Paano ko pag kakasyahin ang perang binibigay mo sakin ha?!" Asik nitong muli. "Bibili pa ako ng bigas, ulam. Mag babayad pa sa kuryente, tubig at pati na rin sa upa sa bahay. Kong totoosin kulang na kulang pa ito Lando, di mo ba inisip na kailangan pa natin mag bayad para sa seminar ni Alexa na mahigit dalawang libo at project at baon din ni Maxine?" Tukoy nito sa kanyang anak. Naka tira kami sa maliit na bahay at nangungupahan kami doon. Isang jeepney driver ang Tiyo Lando ko, at si Tiya Erlinda naman ay sa bahay lamang at nag aasikaso sa gawaing bahay. Meron silang dalawang anak na babae na sina Alexa 18 years old at si Maxine na 10 taong gulang. "Babawi na lang ako sa sunod," aniya ng kanyang Tiyo Lando at patuloy itong umuubo. "Aba dapat lang Lando!" patuloy lamang na pag sermon ng kanyang Tiya Erlinda. Bigla syang nanigas sa kanyang kinatatayuan, ng bumaling ang nakakatakot na titig sakanya ng kanyang Tiya Erlinda. "Oh nandyan kana pala Ivy, asan na?" Napa arko na lamang siya ng kilay ng nilahad nito ang kanyang kamay sakanya. Alam niya na ang tinutukoy ng kanyang Tiya Erlinda sakanya, kahit na nakikitira lamang siya dito, ay pasan-pasan niya din ang responsibilidad dito. Obligado siyang mag bigay ng pera araw-araw, kong hindi naman siya nakakabigay ng pera ay doon siya bubungangaan ng kanyang Tiya Erlinda. Kaya't doon ako nag porsigedo na maka hanap ng trabaho para may ibigay lamang siyang gastusin sa bahay at iba pang pangangailangan. Kinuha ko ang pera sa kanyang bulsa at nilahad niya sa kanyang Tiya Erlinda ang kinita niya kanina. Hindi nya na ginalaw sa isa niya pang bulsa ang 500 pesos na tinira niya dahil kakailanganin niya iyon sa tuition at iba pa niyang requirements sa skwelahan. "Ito lang? 500 pesos lang?!" Kulang na lang mapa talon na siya sa pag kagulat ng marinig niya ang matinis at nakakatakot nitong sigaw. "Aba naman Ivy, napapansin ko ata na napapadalas na ang pag bigay mo ng mga barya-baryang pera sa'kin! Baka nakakalimutan mong ako, ang nag palaki at nag pakain sa'yo. Kong wala ako, baka sa lansangan ka naninirahan ngayon!" Asik nitong muli sakanya. Alam niya naman sa kanyang sarili na malaki ang utang na loob niya sa kanyang Tiyo Lando at Tiya Erlinda, dahil kong wala ang mga ito, hindi niya alam kong saan sya pupulutin ngayon. Kaya't doble kayod talaga siya para maka bawi at maka bayad man lamang siya sa gastos na binigay nito sakanya. "P-Pasensya na po Tiya Erlinda, iyan lang po ang nakayanan ko ngayon eh. Ang nandito na lang sakin ay pang bayad ko sa skwelahan dahil bukas na ang deadline ng bayaran. Babawi na lang ako sa'yo, may raket na naman ako bukas kay Aling Salom-" hindi niya na natapos pa ang kanyang sasabihin ng mag salita pa itong muli. "Wala akong pakialam Ivy!" Asik nitong muli sakaniya. "Akin na iyang pera. Hindi mo ba alam na marami pa akong babayarin at gagastuhin. Kaya akin na, bago kapa tamaan sa'kin!" Banta at pinanlakihan siya ng mga mata nito. Nag pakawala na lamang siya ng malalim na buntong hiningga bago niya inabot ang huling pera na natatago niya sa kanyang bulsa. Wala na siyang magawa kundi ibigay dito, dahil alam niyang tutuhanin nito ang banta nito sakanya. Binilang pa sa kamay ng kanyang Tya Erlinda ang 500 pesos na binigay niya sakanya, na tila ba kinukumpirma nito na tama ba ang binigay niya dito. Nang matapos na itong mag bilang sa kanyang harapan, tinawag nito ang kanyang dalawang anak na si Alexa at si Maxine, na naka suot na ng panlakad na damit, na animo'y kanina pa ito naka handa at nag hihintay sa kwarto. "Tara na Maxine at Alexa, pupunta na tayo sa Mall para bumili ng gagamitin niyong damit" taas noong lintaryang sambit ng kanyang Tiya Erlinda habang hawak-hawak nito ang pitaka na paborito nito. Nauna ng mag lakad ang kanyang Tiya Erlinda palabas at napaka taas ng kilay nito, at maya-maya naman sumunod na ang kanyang mga pinsan na si Alexa at Maxine na kay sama ng tingin sakaniya. Nang maka alis na ang mga ito, nagulat na lamang ako ng makita niya ang Tiyo Lando niya na naka tayo sa kanyang harapan. "Itabi mo muna ito Ivy," nagulat na lamang ako ng binigay nya sa'kin ang papel at barya. Nag tataka akong tumingin sakanya, dahil hindi ko alam kong bakit niya ako binibigyan ng ganito. "P-Para saan ito Tiyo?" Tanong niya dito. Tahimik niyang pinag mamasdan ang kanyang Tiyo Lando na kulubot na ang balat nito, at marami na rin ang puting buhok dala ng katandaan at pusposan na pag tratrabaho. 56 anyos na ang kanyang Tyo Lando at marami na itong iniindang sakit. Samantala naman ang kanyang Tya Erlinda 47 anyos at napaka maldita at napaka sosyal. "Pang bayad mo ng tuition at pang dagdag mo na rin sa bayaran mo sa skwelahan. Diba bukas na ang deadline niyan?" aniya nitong muli at umubo na naman ito sa kanyang harapan. "Itago mo na iyan, at baka makita pa iyan ng Tya Erlinda mo at kunin pa yan," paalala nitong muli sakanya. Labis siyang nalungkot at hinaplos ang kanyang puso sa saya sa sinabi nito. Mahal na mahal siya ng kanyang Tiyo Lando dahil ito lamang ang kakampi niya sa bahay kapag inaaway at pinapagalitan siya ng kanyang Tiya. Kahit hindi ko tignan ang barya at papel sa kanyang kamay, tantya na sobra-sobra pa ito sa binigay niya kay Tiya Erlinda niya na pang bayad ko sa skwelahan. "Maraming salamat talaga Tyo, Lando," hindi ko maiwasan na mayakap ito sa sobrang pag kagalak dahil kakailangan niya talaga ng pera para maka bayad sa tuition niya. Una na siyang kumalas sa pag kakayakap dito at kita ko ang pag ningning ng mga mata ng kanyang Tiyo Lando sa saya at galak. Umubo na naman ang kanyang iTyo Lando, at ngayon sunod-sunod na ito na tila ba nahihirapan na ito. "Okay lang po ba kayo? Napapansin ko ata na napapadalas na ang pag ubo niyo. Pa check-up natin iyan Tiyo," pag kukumbinese ko dito at hirap na nag lakad patungo sa upuan ang kanyang Tiyo Lando at patuloy pa din umuubo. "Okay lang ako Ivy, huwag kang mag alala sa'kin, mawawala din ito," aniya nya dito at kumuha siya ng baso at sinalinan nya ng tubig galing sa pitsel at pagkatapos inabot niya naman ito sa kanyang Tiyo. Malugod naman na tinanggap iyon at uninom na siya ng tubig na animo'y nahimasmasan na ito ng konti. Ilang beses niya na ito kinukulit mag pa check-up dahil napapansin niyang napapadalas na pag ubo nito, kahit gustuhin niya man idala ito, iniisip ng kanyang Tiyo ang gastusin lalo na rin sa pag bili ng gamot. "Bili muna ako ng ulam natin sa labas Tyo. Dito muna kayo," paalala niya sa matanda at nag labas na ako para bumili ng ulam. Abot langit ang ngiti sa kanyang labi habang tinatahak niya ang daan pabalik sa bahay, habang hawak-hawak ko ang plastic laman ng ulam na binili niya sa karinderya. Mangilan-ngilan ang nandoon na nag lalaro sa labas at ang iba naman nag iinom at nag kwe-kwentuhan. "Ate Ivy! Ate Ivy!" Bigla na lamang siya napa tigil ng patakbong lumapit sakanya si Biboy at Jonas at labis ang pawis sa kanilang noo at leeg dahil sa pag takbo. Puno din ng takot sa kanilang mga mukha habang naka titig sakanya. "Oh bakit?" "Si T-Tiyo Lando po," putol sambit ni Jonas at doon na ako kinabahan ng hindi niya maipaliwanag. "Sinugod po si Tyo Lando sa Hospital!" Ani Biboy. Doon na nawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi at pagkatapos nabitawan ko na ang supot ng ulam na hawak-hawak niya. Biglang tumigil ang inog ng kanyang mundo at nag tatakbo na siya dahil sa takot at pangamba na baka may mangyaring masama sa kanyang Tiyo Lando. KRISTINE IVY'S POV "H-Ho?" "Mayrong siyang sakit at kailangan na ma-operahan ng kidney transplant, sa lalong madaling panahon dahil hindi biro at delikado ang kanyang sakit. Kakailanganing ng mahigit tatlong daang libong piso ang operasyon sakanya, at iba ring mga gamot," aniya ng doktora at doon na nanlambot ang kanyang mga tuhod sa kanyang mga narinig. "Mayron na lamang syang 48hours para sa pag oopera niya, at kapag hindi kaaga siya ma-operahan baka mas maging malala pa ang mangyari sakanya. Sige maiwan na kita hija," halos mamlumo siya sa kanyang narinig na nakakahindak na balita. Tinignan niya ang kanyang Tyo Lando na naka himlay sa kama at wala pading malay, may naka kabit din sakanya na swero at tubo. Ramdam niya ang pang iinit ng sulok ng kanyang mga mata habang pinag mamasdan nya ito, hindi niya mamakayang makita ito na ganung kalagayan. Hindi niya alam kong papaano siya makakalikom ng mahigit tatlong daang libong piso sa pag papa-opera niya para dito. May mahihingan din siya ng tulong, pero hindi pa sapat iyon sa tatlong daang libong peso na kailangan niya. "Ano tatlong daang libong peso?" Halos lumuwa na ang mata ng kanyang kaibigan na si Sarah sa sinabi niya. Inayos nito ang tube na damit na suot-suot nito at tumingin muli sakaniya. "Jusko, wala akong ganyang kalaking halaga na pera Ivy." Aniya nitong muli. "May iba ka pa bang alam na pwede kong pasukan na trabaho? Yong mabilisan sana ang pera," despirada na siyang maka hanap ng trabaho sa lalong madaling panahon para sa pag papa opera ng kanyang Tyo Lando. "Marami akong alam Lara, pero alam ko naman na hindi mo masisikmura lahat ng trabaho na iaalok ko sa'yo," aniya nitong muli. "Alam ko din na ayaw mong magiging p****k na kagaya ko, at kikita ka lamang ng mahigit sampung libong peso sa isang gabi," sambit nito sa kanya. Ilang beses na din suyang kinukumbinse ng kanyang kaibigan na mag trabaho bilang isang p****k, pero hindi niya yon kayang masikmura. Hahanap na lang siyang maranggal at hindi kataasan na sahod sa trabaho, huwag lang maging isang kagaya niya. Kahit ganun ang trabaho ni Sarah, hindi ko magawang magalit, at mandiri sa trabaho na mayron siya. Sampo silang mag kakapatid at isang karpentiro ang kanyang Ama samantala naman ang kanyang Ina ay nag si-sideline mag laba sa kapitbahay nila. Kong totoosin hindi sapat ang gastos at kita ng kanyang mga magulang para matustusan lamang ang kanilang pangangailangan. Kaya sa edad na desi- otso anyos, iyon na ang pinasukan ni Sarah na trabaho para matulungan ang kanyang mga magulang. Sa panahon ngayon napaka hirap mag hanap ng trabaho, kapag hindi nakapag tapos ng pag aaral, kaya ganun ang sinapit ni Sarah dahil elementary lamang ang kanyang natapos. "Alam mo naman na ayaw ko ng ganyan diba? Wala kana bang alam na iba?" Umaasa siyang may alam pa ang kanyang kaibigan na trabaho na mabilis siyang kumita. "Hm, sandali mag iisip ako," sambit nito at nag isip siyang kuwan sandali. "Oo, mayron pala," napa pitik ito sa hangin ng may maalala ito. "Kilala mo ba si Cecelia? Yong bagong recruit ni Aling Pabe na maging isa sa kasama namin? Ayon naka jackpot siya ng isang mayaman at madatong namin na customer dito sa club. Ayon sa isang gabi niya lang doon sa customer namin mahigit 50 thousand iyong kinita niya. Diba? Pak na pak?" pahimutok niya pa, at doon umarko ang kilay ko. Limang pung daang peso? Bakit ang mahal naman ata? "Talaga? P-Paano? Nag benta siya ng laman ano?" Himutok ko pa. "Gaga. Hindi ganun noh? Akala mo ba sa pokers na gaya namin, nag bebenta kaagad ng laman?" Pinandilatan siya ng kanyang kaibigan. "Ang ginawa niya lang naman, e-entertain niya iyong guwapo at madatong namin na customer. Wala naman na ibang gagawin kundi samahan iyong customer namin na uminom at nakikipag- kwentuhan narin. Tapos sasamahan pa ng galawang hokage!" Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. "Galawang hokage? Ano iyon? Pwede bang tigilan mo na ako sa kajejehan na mga linggwahe mo!" Irap niya dito at mas nainis pa siya lalo ng tumawa ito sa kanyang harapan. "My gosh, kaibigan ba talaga kita?" Aniya nitong muli at pinandilatan niya na lamang ito. "Ang galawang hokage, yong pakiss-kiss at pa touch-touch kung baga. Wala naman kayong gagawin na milagro. Ang gagawin niyo lang papaligayahin niyo lang ang isa't-isa sa pamamagitan lamang ng foreplay." aniya nitong muli at mas lalong lumaki ang kanyang mga mata sa pag kagulat. Foreplay? Hindi na siya bata, para hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan. Kahit foreplay iyon, parang ganun na rin yon. Malapit na iyon sa pag sisiping. "Kapag nagustuhan ng costumer ang performance mo, hindi lang limang-pung daang peso ang kikitain mo isang gabi. Mahigit isang daang libong peso," aniya nito na sanhi mapa titig siya sa kanyang kaibigan. Kahit narin sabihin nito mataas narin ang limangpung libong peso na kikitain ko kapag ginawa niya iyon. Hindi biro ang pag hahanap ng trabaho. Hindi niya basta basta makukuha ang ganung klaseng kalaking pera sa isang araw lamang. "Kong kasing ganda at virgin pa ako na katulad mo, baka pinatos ko na ang ganung trabaho. Pero ang hanap kasi nila iyong wala pang mga karanasan sa mga ganyan, kumbaga virgin pa," rinig nuyang lintarya ng kanyang kaibigan. "Sayang at hindi ka papatos ng ganung klaseng trabaho, dahil kilala kita Iv-" hindi niya na ito pinatapos pa. "Sige gagawin ko iyon" walang gatol niyang sambit. "A-Ano? Seryoso ka?" Kong sakali man na may iniinom ang kanyang kaibigan, baka kanina pa siya nito nabugahan. Bakas ng pag tataka at gulat sa mukha nito habang naka titig sakanya, na tila ba hindi siya maka paniwala na sasabihin ko iyon. Wala na rin siyang pag pipilian pa kundi tanggapin ang inaalok na trabaho ng kanyang kaibigan. Kailangan niya din ng pera para sa pag papa opera ng kanyang Tiyo Lando. Hindi niya kayang mawala at mamatay ito. Kahit labag man sakanya ang kanyang gagawin, pilit niyang sisikmurahin iyon, para sa kanyang Tiyo Lando. Isang gabi niya lang pag titiisan na gawin iyon, at pagkatapos hindi na siya uulit pa. "Oo, seryoso ako Sarah. Matutulungan mo ba ako?" Aniya niyang muli at sumilay ang nakaka lokong ngiti sa kanyang kaibigan. Wala na tong urungan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD