One Night Stand

3979 Words
ONE NIGHT STAND "Chloe, let's break-up," tumigil ang inog ng aking mundo ng marinig ang salitang iyon sa aking nobyo. Naka-upo siya sa harapan ko at walang-emosyon ang gumuhit sa kaniyang mga mata. "A-Ano?" Gumilid na ang luha sa aking mga mata, at nag babadyang umiyak. "Bernard, huwag kana man mag-joke sa'akin ng ganiyan. T-Tara na, pili kana nang oorderin natin na pagkain," pilit na lang ako nag papatay-malisya sa kaniyang sinabi dahil ayaw kong tanggapin na makikipag-break siya sa'kin. "Ano bang gusto mo? Gusto mo ba 'yung ino-order mong cappuccin--" binuklat ko ang menu para maka-pili na. "I'm serious Chloe, mag break na tayong dalawa," nawala ang matamis na ngiti sa aking labi. Kusa ko nang nabitawan ang hawak kong menu, at naka titig sa aking dalawang, taon kong naging nobyo na si Bernard Chavez. Naging nobyo ko siya simula no'ng kalagitnaan pa lang kami ng first year college at hanggang ngayon nasa 3rd year college na kaming dalawa pareho. Nakilala ko siya dahil basketball Captain, siya sa Varsity na inaaralan naming dalawa na University. Kumukuha siya nang Business course samantala naman, ang kinuha ko naman ay ang pag gu-guro. Kilala si Bernard sa kaniyang ka-guwapuhang taglay na maraming mga babae ang nag kakagusto at nag kakandarapa sa likas na s*x-appeal at napaka rami din nitong talent, hindi lamang sa pag lalaro nang basketball, kundi lamang iba pang arts. Galing siya sa kilala at sikat na pamilya, na parehong may business ang kaniyang mga magulang. Ngayon dalawang taon, na kaming mag kasintahan at niyaya ko siya ngayon dahil it's our 2 years and 2months together. Gusto kong i-celebrate ang aming espesyal na araw, at may hinanda din akong surpresa para sakaniya, at hindi ko aakalain, na ako pala ang ma-susurpresa sa kaniyang sinabi. Ginala ko ang aking paningin sa Coffee shop, kong asan kami ngayon. Saktong-sakto dahil konti lamang ang customer ng sandaling iyon. "B-Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? May nagawa ba akong mali sa'yo Bernard?" Tangka kong hahawakan ang kaniyang kamay na naka lagay sa lamesa, pero umiwas naman siya na tila bang diring-diri sa'kin. Kinurot ang aking puso sa ginawa niyang akto sa'kin. Bakit ganun? Bakit biglang lumamig ang pakiki-tunggo niya sa'kin? Bakit bigla siyang umiba? Aaminin kong hindi naman maganda ang aming pag sasama, dahil nag kakaroon din kami nang away at tampuhan. Sa katunayan nga, kapag nagagalit siya sa'kin, na humahantong kami sa away, ako mismo ang sumusuyo at gumagawa nang paraan para lamang mag kaayos kaming dalawa. Hindi ko siya matiis, na hindi kausapin, at hindi kami mag kabati. Ilang beses ko na siyang nakita na may kasamang ibang babae, pero nagawa ko pa din siyang tanggapin at patawarin. Paulit-ulit niya na lang ako niloloko. Harap-harapan niya ako sinasaktan, pero nagagawa ko pa rin kumapit sa aming pag- sasama. Sa labis na pag mamahal ko sakaniya, nagiging tanga at bulag-bulagan na ako sa aking nakikita at naririnig tungkol sakaniya, na hindi niya naman talaga siya mapa mahal sa'kin. Ang tanga ko diba? Pero hindi ko magawang iwan siya, dahil mahal na mahal ko siya. At ayaw ko siyang mawala sa'kin. "I'm so sorry Chloe," yan na lang ang kaniyang nasambit. "Please Bernard, h-huwag mo naman gawin 'to sa'kin. Ayusin nating itong dalawa," pilit kong hinuhuli ang kaniyang tingin pero hindi siya maka tingin sa'kin ng diretso. "Mahal na mahal kita Bernard, diba sinabi mo sa'kin na mahal mo ako? Huwag kana man mag joke sa'kin ng g-ganiyan," garalgal kong sambit. Hindi ko matatanggap, na tuluyan na siyang nakikipag-hiwalay sa'kin. "Mahal?" Pagak niyang sambit. "Sa tingin mo talaga, minahal kita talaga Chloe?" Puno nang pang-uuyam niyang saad. "Sa tingin mo, mag kakagusto ako sa isang nerd at freak na kagaya mo?!" Naging matalim ang kaniyang tinig, at doon na ako natigilan sa kaniyang sinabi. "Tignan mo nga ang sarili mo Chloe, hindi tayo bagay! Hindi mo ba alam sa tuwing nakakasama kita, nangdidiri ako dahil kong gaano ka ka-weird at ka-panget? Pinag tatawanan ako nang mga tao, sa tuwing nakaka-sama ko ang Loser na kagaya mo! f**k! Naniwala kana man talaga na mag kakagusto ako sa isang kagaya mo na napaka pangit at Manang kong manamit?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa,na iniinsulto niya ang aking pag katao. Aaminin kong hindi naman ako maganda na napaka pangit ko. Napaka-itim nang aking balat, at napakarami din na tigyawat ang aking mukha. Napaka-itim at buhaghag din ang aking buhok, na napaka rami ng split-ends. Napaka kapal nang suot kong nerd glasses dahil napaka taas na ang grado ng aking mga mata na hindi na ako maka kita kapag walang glasses. Parati akong naka suot nang jeans, mahahabang palda, longsleeve na damit, para ikubli ang aking balat. I always carry books, at bag. Literally I'm a nerd, na pinang-didirihan nilang lahat na animo'y nakaka hawang sakit para sakanila. "I'm out, nakaka-suka ka, Chloe!" Iritadong saad nito, at doon na uminit ang sulok nang aking mga mata. "Diba nangako ka sa'kin na hindi mo ako iiwan, kahit anong mangyaring pag-subok sa relasyon n-natin?" "f**k! And you just believe it? Gawa-gawa ko lang ang pangako na iyon Chloe, it was just all fake, at kahit na rin ang nararamdaman ko para sa'yo! Tama na itong pag papanggap... Siguro hanggang dito na lang tayong dalawa. Huwag kana rin lalapit sa'kin!" Final niyang tinig, at tumayo na siya sa kaniyang kina-uupuan na ako'y mataranta. No. Huwag mo akong iiwan. All this time, akala ko totoo ang nararamdaman niya para sa'kin, pero pawang palabas lang pala iyon? "B-Bernard," habol ko sakaniya, hinawakan ko ang kaniyang kamay para pigilan lamang siya, pero padabog niyang inalis ang aking kamay. "Ano ba?!" Matinis niyang sigaw, na maagaw namin ang atensyon nang mga taong naroon. Ginala ni Bernard ang tingin niya sa paligid at pigil-hiningga na rin ito, sa labis na galit na hindi niya nagustuhan na naagaw na namin nang atensyon ang mga taong naroon. "Please, huwag mo naman gawin ito sa'kin mahal na mahal k-kita." Patuloy ko pa ring pag mamakaawa sakaniya. "Tanga ka ba talaga Chloe?" Inis itong napa sabunot sa kaniyang buhok para lamang kontrolin ang galit na kaniyang nadarama. "Ts, hindi na ako mag tataka, dahil tanga kana man talaga, hindi ba?!" Pang-uuyam nitong saad. Bago siya mag-lakad, hinarap niya ako sa huling pagkakataon. "One more thing, pustahan lamang namin ng mga kaibigan ko, ang makikipag-relasyon ko sa'yo. Ano gets mo na?" Matigas na turan nito, na ako'y pinag bagsakan nang langit at lupa sa aking narinig. Ano? Pustahan? Ano ito? Bakit hindi ko ito alam? Ganun na lang ba iyon Bernard? Akala ko ba mahal mo ako? Pero anong pustahan? Hindi na ako maka hingga nang sandaling iyon, na may mabigat na bagay na naka patong sa aking dibdib, na hindi ako maka hingga. Lumapit siya sa gawi ko at dinuro ako sa balikat. "Bakit sa tingin mo ba mag kakagusto ako sa isang kagaya mo?" Natatawa nitong saad. "Pinag pustahan lamang namin ikaw nang mga kaibigan ko Chloe, na kapag mapasagot ko ang walang-kwentang nerd na kagaya mo, mag kakaroon ako nang malaking pera. Sa tingin mo talaga, pipiliin kita? No. Huwag kanang mag-asseum dahil palabas ko lamang ang pa-ibigin ka!" Natatawa niyang sambit at binibyan ko siya nang malakas na sampal, na labis niya naman kinabigla. He clinched his jaw and look at me pissed. "Wala kang-kwenta! Napaka-walang hiya mo." Saad ko at kasabay ang pag bagsak nang luha na kanina ko pa pinipigilan. Tiim-baga niya akong tinignan at inis siyang nag martsa palabas nang coffee shop. Naiwan akong tulala, hanggang tuluyan na siya nawala sa aking paningin. Napa-sapo ako sa aking mukha at patuloy na umiiyak. Bakit? Ano bang nagawa kong kasalanan sa'yo para saktan mo ako nang ganito Bernard? Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na umiinom sa bar, para ilabas ang sakit nang aking puso. "Chloe, asan ka ba? Kanina ka pa hinahanap sa'kin ni Tita," kasalukuyan na kausap ko sa phone ang pinsan kong si Nadya. "Umuwi kana dahil nag- aalala na sa'yo ang mga magulang mo. Panay sila tanong kong asan kana. It's past 10pm, na kaya. Saan ka ba kasi?" Pangungulit nito. "Pasensiya na Nadya, pero kailangan kong mapag-isa muna ngayon." Napa-sapo ako sa aking mukha at sinandal ko ang aking siko sa bar counter. "The heck, umiiyak ka ba Chloe?" "Hindi ba obvious?" Damang-dama ko pa rin ang pamumugto at hapdi nang aking mga mata, sa walang humpay na pag-iyak. Ilang oras na ako sa Bar, pero kahit isang guwapong lalaki wala man lang lumapit sakaniya. Diba ganun naman talaga sa mga telenobela? O sa mga kwento? Na kapag pumupunta ka nang Bar at mag papakalasing, instant makaka kilala ka ng Hot na mayaman na makaka one-night stand mo. At bhom! Mag bubunga ang gabing pag pag tatalik niyong dalawa. Ibang-iba sa tema ko ngayon, dahil ilang oras na sumasakit ang aking pwet sa pag-upo sa bar-stool pero wala man lang na lumalapit sa'kin. Siguro sino ba naman ang mag kakaroon nang interest sa isang kagaya ko na pangit? Akala nila, isa akong tuyo't na saging dahil sa aking itsura. "Bakit sino bang nag pa-iyak sa'yo ang walang-hiya mo bang boyfriend?" Naging matalim ang tinig nito sa kabilang linya. "Sinasabi ko naman kasi sa'yo, na hiwalayan mo na ang gagong iyon dahil wala lang siyang idudulot sa'yo. Sasaktan ka lang niya, hindi ka kasi nakikinig sa'kin eh." Patuloy nitong pag-sermon sa'kin. "Break na kaming dalawa Nadya. Pinag pustahan lang nila ako. Ang saya diba? Akala ko totoo ang nararamdaman niya para s s-sa'kin pero mali p-pala ako," nanubig na naman muli ang aking mga mata. Rinig ko ang malalim nitong pag-hingga sa kabilang linya. "Hindi ko lang m-matanggap na hanggang dito na lang kami, bakit ganun siya? Hindi naman ako nag kulang sa pag mamahal hindi ba N-Nadya?" Pagod na akong umiyak, pero sa tuwing naisip ko na pustahan lamang ang lahat, hindi ko maiwasan na masaktan dahil ang tanga ko para hindi malaman kaagad ang bagay na iyon. Nag paniwala ako na totoo ang nararamdaman niya para sa'kin. Akala ko may mag mamahal sa'kin na totoo sa aking tunay na itsura,pero mali pa ako. "Walang kulang sa'yo okay? Sadyang gago lang talaga ang Bernard na iyon!" Saad nito. "Mabuti ngang break na kayong dalawa, para hindi kana kaaganong ma-stress sakaniya... Mag pa-party tayong dalawa, dahil break na kayong dalawa. Huwag kanang umiyak, at huwag mong sayanggin ang luha mo sa lalaking kagaya niya. Gago siya!" "Nadya, hindi mo kasi ako naiintindihan eh. Mahal ko siya, hindi ko kayang mawala siya sa'kin." "Jusko naman Chloe, paulit-ulit na lang ba tayo? Ang tanga-tanga mo din naman kasi eh... Ewan ko ba, kong bakit naging pinsan kita na napaka bobita mo, pag dating sa pag-ibig. Huwag kanang mag assume na mamahalin ka nang gagong iyon, hindi iyon mag kakagusto sa kagaya natin na mga pangit." "Nadya." "Joke lang okay? Asan ka ba? Pupuntahan kita ngayon." "Pasensiya na talaga Nadya, pero gusto kong mapag-isa. Hayaan mo muna ako ngayon, pwede ba iyon?" "Aba, apaka tigas mo naman ano? Chlo---" hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin nang pinatay ko na ang tawag naming dalawa. Ig-off ko ang phone ko para lamang wala nang tumawag pa sa'kin, at nilagay iyon sa aking sling bag. Napa-pungay na nang aking mga mata, sa labis na kalasingan. Marami na rin ang aking nainum pero, ngayon pa lang ako tinamaan nang espiritu ng alak sa rami ng aking nainum. Gusto ko mag pakalasing ngayong gabi. Gusto ko, kahit saglit mawala ang aking problema. Nilagok ko ang huling alak, sa baso at nag pakawala na lamang ako ng unggol ng humahagod sa aking lalamunan ang pait at tapang ng alak. "Heres my card," inabot ko sa bar tender ang bayad sa alak na aking ininom, at tinanggap niya naman iyon. "Here you go Mam, maraming salamat po." Hindi na lang ako umimik at kinuha ko ang card at kinubli iyon sa sling bag ko. Umaayos na ako nang pag kakaupo sa bar stool, at pagiwang-giwang akong nag lakad, para lisanin lamang ang lugar na iyon.. Napaka inggay sa bawat paligid na sinasabayan nang pag patogtog ng DJ, na mabaliw pa ang mga taong sumasayaw at nag hiyawan sa labis na saya na kanilang nadarama. Mangilan-ngilan din ang mga taong nag iinom sa kanilang table, pero hindi ko na lamang pinansin iyon. Gusto ko nang umuwi at mag pa-hingga. Napa-hawak ako sa pader para lamang mag karoon nang suporta, na hindi bumagsak sa labis na kalasingan. Hanggang madala ang aking mga paa, sa madilim na bahagi ng loob nang bar, palabas sa exit ng lugar na iyon. Nakikita ko pa naman ang daanan, dahil sa ilaw at ilan pang dancing light sa paligid. Napa hawak ako sa aking ulo dahil naka dama ako ng labis na pag kahilo. Umiikot na ang aking paningin, na hindi ko na kayang kumilos pa, pero kailangan ko nang maka uwi. Bigla akong nag-sisi na ganun na lang karami ang aking nainom kanina. Hanggang sa tuluyan na akong matumba, at pinikit ko na lamang ang aking mga mata para hintayin ang aking sarili na bumagsak sa matigas na sahig. Pero wala akong naramdaman. Doon ko lamang napag-tanto na may misteryosong tao, na naka hawak sa aking braso, para lamang alalayan niya ako, na hindi bumagsak. Sumingkit ang aking mga mata para lamang kilalanin kong sino lamang iyon. Kahit anong pag kilala ko sakaniya, hindi ko talaga siya gaanong makilala dahil dulot na rin nang aking kalasingan at blurred din ang aking paningin. Pero ito lamang ang aking masasabi, hindi maitatanggi, na guwapo ito. Hindi nag lalayo ang aming edad at naka suot itong marangyang kasuotan, na halatang galing siya sa marangyang pamilya. "Are you okay miss?" may kakaibang epekto para sa'kin ang kaniyang malagong na tinig. Buong pag alalay siyang napa hawak pa din, hanggang tuluyan na akong naka tayo nang maayos. "A-Ayos lang talaga ako, maraming salamat ha?" Bahagya kong sinuntok ng marahan ang kaniyang matipunong dibdib. s**t, matigas sis. "Just be careful next time. Umuwi kana kong lasing kana!" Masungit nitong tinig at inayos ko ang aking kasuotan. "I like your outfit." Anito na naka titig sa aking kasuotan. Hindi ko alam kong mainis ako sa kaniyang sinabi. Ito? Gusto niya? Ang manang at ang pangit ng aking porma? "Ang pangit naman ng taste mo sa kasuotan," napaka pula na nang aking pisngi. Naka hawak pa din siya sa aking braso at damang-dama ko ang mainit niyang palad sa aking katawan. "Can you kiss me?" Lumapit pa ako bahagya at kita ko ang pag galaw ng kaniyang adams apple sa aking sinabi. s**t. Bakit ang hot? "What?" "Ang ibig kong sabihin. Kong pwede mo akong halikan." Ilang minuto akong nag hintay sa kaniyang sagot, pero wala akong natanggap. Siguro nagulat ito sa aking sinabi... "Oh my god. I'm sorry, nabigla ba kita? Sino ba naman ako para, huminggi nang halik sa'yo? Kahit nga siguro ikaw, mahihiya ka din na pakisamahan at halikan ako, dahil napaka pangit ko hindi ba?" Natatawa kong saad. Nanumbalik na naman ang sakit na binigay sa'kin nang dating nobyo ko na ginamit lamang ako. "Isa akong dakilang Manang manamit at napaka p-pangit. Okay, I get it... Huwag mo na rin akong husgahan dahil alam ko naman na walang mag kakagusto sa'kin dahil napaka pangit ko. Sino ba naman ang mag kakagusto sa isang pangit na kagaya ko?" Tinuro ko ang aking sarili, at nag babadyang mga luha. "Pasensiya na. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko." "No, you're beautiful," "Huh?" Hindi ko alam kong guni-guni ko lamang iyon. Sandali sinabi niyang maganda ako? Nahihibang na siguro siya. "Maganda ka, hindi ka pangit." Saad nito, at napa titig ako sa misteryosong niyang mga mata, na tila ba nag-aakit sa'kin. "Mukhang ikaw pa ang lasing sating dalawa. Hello, mister. Hindi ako maganda okay? Ang pangit-pangit ko, hindi mo ba nakikita?" Saad ko at lumapit ako sakaniya. "Look I am. I'm a pathetic nerd, na kina-iinisan nila sa School... Kaya nga ako, p-pinag pustahan nang nobyo ko, para pa-ibigin dahil wala akong kwenta. Napaka pangit ko," Saad ko at hinapit niya ako sa baywang. Napaka lakas nang pintig nang aking puso ng sandaling iyon na napa hawak ang aking kamay sa malapad at matigas niyang katawan. Ewan ko, ba kong bakit tila nawala ang kalasingan ko, ng maamo'y ko ang napaka bango niyang perfume na gamit. "B-Bakit?" Nag kadabuhol-buhol na ang aking dila, sa labis na kaba. Inalis niya ang suot kong nerd glass, na tuluyan ko na siya hindi nakita. Ang nakikita ko na lamang ang figure niya, na napaka blurry. "You know what? Maganda ka, sinong nag sabi na ang pangit mo?" Tila hini-hipnotismo niya ako. "A-Ano? Hindi ako magand---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang binigyan niya ako nang mainit at mapusok na halik na labis ko naman kinabigla. Napaka tamis. Nakaka lasing ang bawat halik na binigay niya sa'kin. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili, na kasama ang lalaking nakilala ko sa Bar, at doon ko nabigay sakaniya ang aking sarili. "Sleep tight, bunny." Malagong niyang tinig at nakita ko ang kaniyang sarili, na naka patong sa ibabaw ko. Pareho kami hubo't-hubad sa kama. Nag sisilbi lamang liwanag ang lampshade sa silid na iyon na makita ko ang ka-guwapuhan niyang taglay at hugis ng kaniyang matipunong pangangatawan. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, at tuluyan na akong nilamon nang antok. "Mag kikita tayong muli," malagong niyang tinig. CHLOE'S POV "Chloe? Chloe?" Pinitik ni Nadya ang kaniyang kamay, na mabalik ako sa realidad. "Sorry Nadya." Kinagat ko ang aking ibabang labi at sinamaan na lamang ako ng titig ng aking pinsan. "Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina pa ako nag sasalita,dito pero hindi mo naman ako pinapansin." Pinandilatan niya na lamang ako. "Pasensiya na talaga, inaantok lang kasi ako sa pag re-review kagabi." Pag sisinunggaling ko, pero hindi naman talaga iyon ang totoong dahil. Sinabi ko lamang iyon para hindi na siya mag tanong pa sa'kin. Sa totoo lang, hindi ako naka tulog kagabi, sa kakaisip. Dalawang araw na ang nakaka lipas, simula no'ng nangyari sa'kin sa Bar, na nakipag-talik ako sa isang lalaki na hindi ko man lang maayos na nakilala. Nagising na lamang ako kina-umagahan na ako na lang mag-isa sa silid, at wala na akong nakita kahit anino niya man lang sa silid na iyon. Hindi man lang ako nag karoon nang pag kakataon na makilala kong sino ba talaga siya. Kahit rin itsura niya, hindi ko rin matukoy talaga dahil napaka blurry ng kaniyang itsura. Pero patuloy kong naririnig ang katagang binitawan niya nang sandaling iyon. "Mag kikita tayong muli," "Mag kikita tayong muli," Pinilig ko na lang ang aking ulo para iwaksi ang aking iniisip. Bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Kaylangan ko na siyang kalimutan. Kalimutan ko nang ibaon sa limot ang nangyari sa'ming dalawa, dahil isa lamang iyong pag kakamali. Hindi na muling mag cro-cross ang aming landas. "Ipag pahingga mo rin ang sarili mo, kahit walang exam araw-araw ka naman nag re-review." Anito at tumayo na siya. "Tara na? Mala-late na tayo sa susunod nating subject?" Aya nito at isa-isa na ring niligpit ng pinsan ko ang mga notebook at iba pa niyang mga gamit sa table. Napa-tingin ako sa relo ko, at tama nga siya. Malapit na mag simula ang susunod naming subject. Tumayo na rin ako sa aking kina-uupuan at niligpit ko na rin ang iba ko pang mga gamit. Sabay na kaming dalawa mag lakad papanhik sa aming susunod na silid. Ginala ko ang paningin ko at abala din ang ibang mga estudyante na kanya-kanya ang kanilang ginagawa. Nag aaral kami sa Apollo University. Ang sikat na Universidad dito sa Pilipinas. Maraming mayayaman, sikat at kilalang mga estudyante ang nag aaral sa skwelahan na ito. Kompleto din sa facilities, na wala kanang hahanap-hanapin pa. Napaka raming building rin, ikaw na makikita sa paligid. Kagaya nang napaka laking Cafeteria, Gym, Studio, Swimming pool, music-room, record room, clinic, Library, parking lot, running field at kong ano-ano pa. Marami din na mga estudyante ang mga matatalino dito at naka tuon lamang ang kanilang mga atensyon para mai-maintain ang kanilang grades. "Alam mo na ba ang balita Chloe?" Sambit ng pinsan niya sa kalagitnaan ng kanilang pag lalakad. "Ano iyon?" Inayos ko ang suot kong glasses. "Rinig kong dumating galing States ang anak na lalaki, nang Chairman ng may-ari ng University na ito. At dito siya mag- aaral," sambit nito na labis naman akong nabigla sa sinabi niya. May anak silang lalaki? Well hindi naman maiwasan na malaman nila ang bagay na iyon dahil madalas din naming makita na dumadalaw ang anak ng chairman sa kanilang school, na si Mina. "Rinig kong usap-usapan sa isang block, na ngayon na raw mag sisimula papasok ang anak nang Chairman, Chloe. At naka lagay pang blind item, na napaka-guwapo daw ng anak ni Chairman." Kinikilig na turan ng pinsan niya na mapa-ngiwi na lamang ako sa naging reaksyon nito. Seryoso? Ganun na lang ba ka-impluwensiya ang anak ng may-ari para kiligin sila ng bonggang-bonga? "Sandali lang Nadya." Pigil ko. "Bakit?" "Pupunta lang ako sa restroom saglit." Saad ko, dahil naramdaman kong bigla ata ako naiihi. "Seriously Chloe, ngayon pa talaga? Malapit na mag simula ang klase natin. Alam mo naman na napaka higpit ni Mrs. Cheska sa late commers diba?" Paalala nito na malapit na silang dalawa sa silid , kong saan sila papasok. "I know, I know.. Mauna kana, susunod na lang ako sa'yo." Hindi ko na mapigilan pang mag hintay sa 3 hours na subject nila, na naiihi na talaga siya nang husto. Bakit ba kasi, ngayon ka pa sumabay? "Bilisan mo ha?" Tumango ako at nag mamadali akong tumakbo para pumunta sa comfort room. Medyo may kalayuan din iyon, na kong hindi ako mag madali, baka tuluyan na akong ma-late sa susunod kong subject. Panay-takbo na lamang ang aking ginawa at hindi ko na inalintana ang ibang estudyante na maka bunggo at maka salubong ko. Sa aking pag tatakbo, hindi ko namalayan na may nabunggo ako na sanhi tumilapon ang hawak kong gamit na hawak ko. Rinig ko ang malakas na tunog na pag kabagsak, ng gamit ko. "I'm sorry. Sorry talaga." Kinapa ko ang sa sahig ang tumilapon kong mga libro kasabay na nahulog din ang suot kong salamin. Asan ba kasi iyon? "Asan kana ba?" Patuloy kong kinapa para abutin ang mga gamit ko. Bakit ngayon kapa sumabay? "Ayos ka lang ba miss?" Malagong nitong tinig na boses lalaki pala siya. Ramdam ko rin na tumulong na rin sa pag pulot ng mga libro na hawak ko ang taong naka bunggo ko. "Here, let me help you." Anito, at kinuha niya na ang iba kong mga gamit na nag kalat, na hindi ko na makita. Nang matapos niya ng pulutin ang mga iyon, binigay niya sakin ang ilan na mga gamit na tumilapon ko kanina. "Maraming salamat." Saad ko. Tinignan ko ang misteryosong lalaki sa harapan ko at hindi ko maaninag ang kaniyang itsura. "Walang-anuman.. I think I saw you somewhere," saad nito, na sumingkit ang mata ko. "Ha? Ako? Pasensiya na talaga pero hindi kita kilala.. Sino ka ba? Nag kita na ba tayo?" Pilit kong kinikilala siya pero wala eh. Napaka blurry ng aking paningin. "Hindi mo na ako nakilala kaagad?" Napa-iling niyang sambit. Figure lamang na malabo ang nakikita ko. Masasabi ko na maganda ang kaniyang pangangatawan. May pinulot siya sa lapag at nag lakad, palapit sa kinaroroonan ko. Napa pikit ako dahil sinuot niya pala sa aking mata ang suot kong salamin. "So ngayon nakilala mo na ako? Bunny?" Namilog ang aking mga mata nang maalala ko ang kaniyang tinig. Naka tayo sa harapan ko ang napaka guwapong lalaki, at naka suot siya nang uniforme, na kagaya ng pang boys uniforme. Sandali? Siya ba? Siya ba yung naka talik kong lalaki no'ng gabing iyon? Anong ginagawa niya dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD