The Pretend Wife

4373 Words
The Pretend Wife "Ano?" Gulat nyang saad. "No way! Hindi ako makakapayag sa gusto mo Laura!" Tinalikuran nya ang kanyang kakambal at napa tigil sya ng humarang ito sa kanyang dinaraanan. Maluha-luha na ang mga mata nito na konti na lang iiyak na ito anumang oras. "Nag mamaakawa ako sa'yo Lara, pag bigyan mo naman ako sa hiling ko sa'yo" hinawakan nito ang kanyang kamay at pilit syang kinukumbinsi nito sa bagay na ayaw nya. "Napaka imposible naman kasi ang hiling mo sakin. Kahit gusto kitang tulungan, pero hindi kita mapag bibigyan ngayon. Pasensya na." final na tono nya dito at bumagsak ang balikat nito sa sinabi nya. "Nag mamakaawa ako sa'yo Lara. Ngayon lang ako maka hinggi ng pabor sa'yo pag bigyan mo naman ako oh. Isang gabi lang naman hmm?" Pinisil nito bahagya ang kanyang kamay at mamula-mula na ang mata nito. "Isang gabi ka lang mag papanggap na ako, sa asawa ko!" Anito at tinignan nya ang masama ang kanyang kakambal. "Napaka imposible naman kasi ang hiling mo sakin. Paano kong mahuli tayo? Paano kong ipa kulong nila ako, na nag papanggap na ikaw?" Napaka bigat na ng kanyang pag hingga ng sandaling yon. Apat na oras lamang ang kanyang tulog ng sandaling yon, lulang galing trabaho. At pag kagaling nya, nadatnan nya sa kanyang pinapauhang maliit na bahay ang kanyang kakambal. Ako nga pala si Lara Mendez bente singko anyos at kasalukuyang nag tratrabaho bilang factory worker sa isang di sikat patahian sa Antipolo. May kakambal sya ang pangalang Laura Mendez. Identical twins sila ng kanyang kapatid na si Laura. Mula sa mukha, mata, katawan, hugis ng katawan na tila ba para silang replica ng kanyang kapatid. Sa una mo pa lang sila pag titignan, hindi mo mahuhulaan kong sino ba talaga ang totoong Lara at Laura kapag sila nag sama. Kahit maraming tao ang hindi mahahalata at matutukoy ang pinag kaiba nilang dalawa. Kahit mag kakambal sila marami silang similaries at mga katangian na pinag kaiba ni Laura. Gaya ng napaka hinhin at napaka bait ng kanyang Ate Laura, naka suot ito parati ng mahahabang damit na ayaw nitong ipakita ang kanyang balat. Samantala naman naman ako, mas komportable akong naka suot ng mga maiikling damit at kong-ano ano pa. Likas ang pagiging siga at bungangera, palaban, chismosa, na lumaki sa squatter area. Joke lang yong chismosa. Bata pa lamang sila nung mag kahiwalay ang kanilang mga magulang ng walong taong gulang pa lamang sila ng kanyang kapatid. Matanda sakanya si Laura ng ilang minuto bago sya iluwal, yan ang kwento ng kanyang Mama. Nung mag kahiwalay ang kanyang mga magulang doon ito napag kasundo na tig-isa silang anak na dadalhin bago umalis. Dinala ng kanyang Mama ang kanyang Ate Laura, samantala naman napunta sya sa kanyang Tatay Diborsio. Isang karpentero at umaasa lamang sa pag construction worker kong saan-saan ang kanyang Papa. Binuhay sya ng kanyang Papa sa ganung klaseng trabaho, at napag tapos nya ako ng pag aaral at kursong Elementary Teacher. Hindi nya pinag kakahiya na binuhay sya ng kanyang Papa na ganung klaseng trabaho, bagkus pinag sisigawan nya pa na marangal yon. Kahit mahirap ang buhay, tumulong sya sa kanyang Papa. Sari-sari na din ang napasukan nyang trabaho para maka tulong sa iba't-ibang gastusin. Isang maliit na barong-barong lamang ang kanilang tinitirahan, na madalas tinutuluan ng tubig kapag malakas ang ulan sa pinag tagpi-tagping yero at flywood. Samantala dinala naman ng kanyang Mama ang kanyang Ate Laura sa Cavite at doon naka tagpo ng foreigner na mapapangasawa. Tumira sila sa Canada at doon nabuhay ng masagana at marangyang buhay. Mula nung lumipad ang kanyang Ate Laura papunta sa Canada, hindi sila nawalan ng komunikasyon sa isa't-isa at pahilim silang nag tatagpo at nag uusap, na hindi nalalalaman ng kanilang mga magulang. Lingid kasi sa kaalaman ninyo, na ayaw na ng aking mga magulang na mag kita, mag kausap pa kami ng aking kakambal, sa hindi namin malaman na rason. Nang bente tres anyos na kami, ganun na lamang ang saya ng kanyang puso ng muling bumalik ang kanyang Ate Laura mula sa Canada at dito na sya tumira sa Pilipinas. Sa edad nitong bente tres anyos nakapag sundo sya ng kanyang mga magulang na ipag pakasal sa mayaman na pamilya. Well, hindi ko pa talaga nakikita ang asawa ng kanyang kakambal, pero marami akong naririnig na marami daw itong ari-arian at negosyo at Mall dito sa Pilipinas. Walang sinumang tao, bukod sa kanyang mga magulang, na may alam na mayron syang kakambal ganun din ang bagong pamilya ng kanyang kakambal. Naging isang lihim na sikreto ang kanilang pagkatao, na kahit din ang pamilya at asawa ni Laura, hindi din alam ang tungkol sakin. "Nag mamaaawa ako sa'yo Lara, pag bigyan mo na ako please. Ngayon lang ako sa'yo maka hinggi ng pabor sa'yo. Isang gabi lang naman ang hinihinggi ko" anito. Kong totoosin wala pang hinihingging tulong at pabor sakanya ang kanyang kakambal. Bagkus napaka laki ang pasasalamat nya dito, dahil madalas syang nakaka hinggi ng tulong dito kapag nangangailangan syang financial na tulong sa pag papagamot ng kanyang Papa na na stroke na ng limang taon. Nasa pangangalaga ng kanyang Tiya Cecelia ang kanyang Papa at binibigyan nya na lamang yon ng pera kapag sumasahod na sya pero kahit papano, kulang pa din yon sa araw-araw na gastusin at pag bili ng gamot at pag papagamot nya. "Bakit mo ba kasi ginagawa to Laura?" Saad nya. "Nag away kasi kami ng asawa ko na si Calix!" Anito. "Pakiramdam ko kasi wala na akong kalayaan sa buhay ko Lara, na pati si Mama kinokontrol nya ang buhay ko at pinipilit nya ako sa buhay na ayaw ko. Pagod na pagod na ako na ganun na parati umiikot ang mundo ko." Umiyak na ito sa kanyang harapan. Masakit na makita ang kakambal nya na nahihirapan sa mga nangyari. Arrange marriage lamang ang pag papakasal nilang dalawa ng kanyang asawa na si Calix, at hindi nya ito totoong iniibig. Hindi naman kasi gaanong nag ku-kwento ang kanyang kakambal sakanya pero rinig nyang masama daw talaga ang ugali ng kanyang asawa na sinasakal sya nito sa mga bagay na ayaw nya. "Kong pagod kana, bakit hindi mo na lang iwan ang asawa mo?" Suhesyon nya at umiling lamang ito. "Hindi madali ang gawin ang bagay na yon Lara, kasi kailangan kong manatili sa pag sasama namin dahil nabaon sa milyong utang ang naging asawa ni Mama sa pamilya ni Calix" saad nya at doon sya natigilan. "Please Lara, tulungan mo ako. Isang gabi lang naman ang hinihinggi ko sa'yo. G-Gusto ko lang makapag isip-isip at pagkatapos maari kanang bumalik sa dati mong buhay." Nag pakawala sya ng malalim na buntong-hiningga bago nag salita. "P-Per---" "Please, tulungan mo ako kahit ngayon lang Lara. Nag mamakaawa ako sa'yo" sa pagkakataon na ito, nag simula ng umiyak ang kanyang kakambal sa harapan nya. Nag pakawala na lamang sya ng malalim na buntong-hiningga. Kahit na rin sya, hindi nya alam kong ano ang magiging sagot nya sa pabor na hinihinggi nito sakanya. "Sige na nga" napilitan nyang saad. Pinunasan ni Laura ang luha sa kanyang mata. "Talaga ba kambal? Pag b-bibigyan mo ako?" Mangiyak-ngiyak nyang sambit at tumango sya. Wala naman syang choice kundi tulungan ang kanyang kakambal. Wala naman sigurong masama kong tutulungan nya ito diba? "Maraming salamat talaga Lara" nagulat na lamang ako ng yakapin nya ako ng sobrang higpit. "Maraming salamat at pinaburan mo ako sa aking hiling kambal" saad nito at una syang kumalas sa pag kakayakap nilang dalawa. "Isang gabi lang okay? At pagkatapos wag mo ng guguluhin ang buhay ko!" Asik nya at pinunasan nito ang luha sa kanyang mga mata. "Hmm. Oo." saad nito at marahan nyang tinapik ang likod nito. ••• "Sure kabang gagawin ko talaga to? Kinakabahan talaga ako ng husto Laura" bakas nag nerbyos sa kanyang dibdib ng sandaling yon. Lumapit sakanya ang kanyang kakambal at inayos nito ang suot nyang damit. Sa pagkakataon na ito, nag palit silang dalawa ng damit at ayos. Sa pagkakataon na ito, naka suot sya ng kulay brown-orange na mahabang skirt na lagpas tuhod ang haba at tinernuhan ito ng white longsleeve at pares ng sapatos na puti na mag mukha na syang manang sa porma nya. Jusko bakit ba napaka kati at napaka init naman ng porma ng aking kakambal? "Sure kaba na kailangan ko pang mag suot ng kasuotan mo? Hindi talaga ako komportable na mag suot nito kambal" napa nguso nyang saad. "Oo, ako bahala sa'yo. Mag tiwala ka lang sakin hm? Kailangan mong mag tiis na suotin nyan para hindi tayo mahuli." Saad nito at hinawakan nya ang aking balikat. "Babalik din ako bukas pangako. Magkita tayo dito bukas ng alas alas singko:trenta ng umaga. Dito sa likod ng masyon doon, tayo mag papalit ng katauhan." tumango sya kahit sa loob-loob nya ayaw nya talaga dumiretso. "Basta siguraduhin mo sakin na pasado alasingko-trenta nandito kana sa likuran, at kapag lumapas kapa ng limang minuto, mag lilibot na ang mga guards, at kapag nangyari yon mahuhuli tayo, at hindi na tayo mag kakaroon ng pag kakataon na mag palit ng katauhan" paalala nito sakanya. Sandali. Ganun talag kabilis na minuto ang palugit? "Sure kaba talaga dito Laura? Paano kong mag kamali ako? Natatakot ako na baka mahuli ako o kaya nama--" "Relax okay? Magiging okay ang lahat. Kinabisado mo naman lahat ng galaw at kilos ko diba?" Pag papalakas loob nito sakanya at binigay nya sakin ang cellphone. "Itext at tawagan mo ako, kapag may nangyari na hindi maganda at pupunta ako. Hmm?" Anito at tumango na lamang sya. "Bakit mo kasi kailangan mag isip-isip?" Saad nya at umiwas ito ng titig sakanya na tila ba, may tinatago ito na hindi nya mawari. "Babalik din kaagad kambal" saad nito. "Ikaw na bahala Lara, may tiwala ako sa'yo." Matamlay syang ngumiti sakin. Niyakap sya ng huling pagkakataon ng kanyang kakambal at sinuklian nya naman yon ng mahigpit na yakap. "Sige na, mauna na ako. Paalam Lara" kumaway sya at nag lakad na ang kakambal nya paalis. Nang mawala na sa paningin nya ang kanyang kapatid, nag pakawala na lamang sya ng malalim na buntong-hiningga bago pumasok sa sekretong pinto na sila lamang dalawa ang nakaka alam. Sobrang lakas ang kabog ng kanyang dibdib ng sandaling yon na hindi nya mawari. Ito ang kauna-unang beses na maka ramdam sya ng takot sa kanyang dibdib. Nag pakawala sya ng malalim na buntong-hiningga at inipon nya ang natitirang lakas ng loob sa kanyang dibdib. Kaya mo to Lara. Isang gabi lang to. Pag daan nya sa sikretong pintuan at sumalubong sakanya ang likuran ng mansyon. Medyo tago nga ang pintuan na yon, na kahit siguro sino, hindi malalaman na may daanan doon na hindi makikita ng mga guards sa paligid. Niyakap nya ang kanyang sarili ng dumapo ang malamig na simo'y ng hangin sa kanyang balat. Marahan syang tuminggala at doon nya napansin na nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan, at pasado alas sais na ng hapon yon. Patuloy lamang sya nag lalakad sa hindi familiar na lugar na hindi nya din alam kong saan sya dadalhin ng kanyang mga paa. Nalula pa sya sa ganda at laki ng kanyang nasaksihan na tila ba mala palasyong bahay na mayrong apat na palapag. Napaka ganda at mukhang mamahalin ang bawat materyales na pag kakagawa non na halatang ginastusan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasaksi sya ng ganito kaganda at karangyang mansyon, na napapanuod nya lamang sa telebisyon. Hindi nya aakalain na sobrang yaman ng napangasawa ng kanyang kapatid. Ano kaya ang pakiramdam na maka tira sa ganito kalaki at karangyang bahay? Ano kaya ang pakiramdam kapag wala kang pino-problemang pera? Ganun na lamang ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng may humawak sa kanyang pulsuhan. Ganun na lang ang sindak na lumukob sa kanyang dibdib na makita ang isang katulong sa kanyang harapan. "Nandito lang po pala kayo Mam, kanina ko pa kayo hinahanap" kabado nitong saad at napa lunok ako ng laway. Sandali sino ba sya? "Tara na po Mam, hinahanap na po kayo ni Sir" saad nito at napa piyok ako sa kanyang sinabi. Sino daw? "P-Per---" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng hinila nya ako. Wala akong nagawa kundi mag patanggay sa pag hila nya sakin. Maya't-maya pa tumigil kami sa mamahalin at malaking pintuan sa aming harapan. Binuksan nya yon at napa nganga ako ng makita ko, ang napaka gandang silid. Pinag halong puti at dark brown ang pintura sa dingding at kisame. Napaka laki ng silid na pwede kayo mag habulan doon. Kompleto din ang gamit na naroroon na mukhang mamahalin base sa itsura non. Nakita ko ang malaking kama na hula ko king size bed, kulay puti ang unan, cover at comforter don, malaking wardrobe sa isang tabi, vanity mirror na halatang gamit yon ng kanyang kakambal. May sariling sala set sa bandang kanan at pintuan sa bandang dulo na hula nya c.r yon. Nag kalap din ang magagandang ilaw at chandelier na nag paagaw ng kanyang atensyon. Sobrang ganda ng silid na ang sarap-sarap pag masdan. "Maiwan ko na po kayo Mam Laura" saad ng katulong at bigla akong nag panic ng mag lakad sya paalis. "P-Per---" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng tuluyan na syang umalis at sinarhan ang pintuan ng silid. Marahan syang nag libot-libot sa naturang silid. Sinusuri nya kong ano abg baka display at mga gamit doon sa loog. Manghang-mangha talaga sya sa kanyang nasaksihan na, pakiramdam ko munti akong prinsesa sa ganda at mamahaling gamit na naroon. Nakita ko ang isang pintuan na kulay puti at binuksan ko yon, sa labis na aking kuryusidad. Pag bukas ko ng pinto doon tumambad sakin ang napaka laking espasyo ng silid. Sa kanan ko nakita ko ang pang lalaki na mga cabinet na doon naka lagay ang mga gamit pang bahay, pang gala at mga office suits, na siguro mga damit yon ng asawa ng kanyang kakambal. Sa ibaba naman na parte naka lagay ang iba't-ibang mga itim na sapatos na ginagamit nito sa pang araw-araw na pag alis nito. Bahagya kong binuksan ang drawer at napa nganga ako muli ng makita ang laman ng drawer, ay ang iba't-ibang kulay at disenyo ng mga tie ng asawa ng kanyang kakambal. Binuksan ko ang isang drawer at tumambad sakin ang iba't-ibang disenyo at kulay ng mga relo na mukhang mamahalin, at may halaga. My god. Totoo ba to? Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag lakad ako sa kaliwang bahagi ko ang mga damit pang babae. Nandon naka display at naka hanger ang damit ng kanyang kakambal sa araw-araw na ginagamit nito, mula pang bahay, at pang alis. Sa bandang babang bahagi naka display ang iba't-ibang klaseng sapatos at stilletos na mukhang mamahalin at may signature. Naka display din ang magaganda at mahal na mga signature bags. Binuksan nya ang maliit na drawer at doon tumambad sakanya ang iba't-ibang alahas at mga relo na ginagamit ng kanyang kakambal, na tila ba mamimili kana lang kong ano ang gusto mong suotin. Grabe. Ganito ba kayaman ang napangasawa ni Laura? Patuloy pa syang nag lakad at dinala muli sya ng kanyang mga paa patungo sa malaking kama. Humigga sya at marahang pinikit ang kanyang mga mata ng tumama ang likod nya sa malambot na kama. Napaka sarap sa pakiramdam. Ganito pala kasarap kapag maayos ang iyong hinihigaan. Samantala pinag titiisan nyang mahiga sa manipis na foam na kanyang nabili sa kanyang inuupuhang bahay. Nabalot ng nerbyos at takot ang kanyang dibdib ng marinig nya ang pag bukas-sara ng pinto ng kanyang silid, na tanda may pumasok. Sandali sino yon? Minulat nya ang kanyang mga mata at umupo sya sa malambot na kama. Nakita nya ang misteryosong lalaki na naka tayo sa bandang pinto at sobrang seryoso syang naka titig sakin. Naka suot sya ng white long sleeve at kapares ng itim na slacks. Matangkad at maganda ang hubog ng kanyang katawan. Sa una mo pa lang syang titignan, mapag kakamalan mo syang foreigner sa kanyang itsura. Gwapo sya at matangos ang kanyang ilong. Nakakakaakit at sobrang lagkit ang paraang pag titig nya sakin na tutunawin nya na ako. Jusko. Ang gwapo nya ah. Pinag pala talaga. "C-Calix?" Nabalik ang ulirat nya ng sandaling yon. Sandali sya na ba? Sya na ba ang asawa ng kapatid ko? "Nandyan kana pala. Hehe sige alis muna ako." kabado kong saad at umalis ako sa ibabaw ng kama. Mabilis ang yabag ng aking paa paalis ng silid ng yon. Bago paman ako tuluyan maka alis, ganun na lamang ang panlulumo ko humawak sya sa pader para lamang harangan ako sa aking daan. Kumabog ng sobrang bilis ang aking puso na hindi ko na alam ang gagawin ko ng sandaling yon ng naka titig pa din sya ng malamig sakin. "B-Bakit?" Jusko bakit kaba kinakabahan ng husto ng Lara? Kunwari, asawa mo sya ngayong gabi, dapat hindi ka maka ramdam ng kaba sakanya. "Saan ka pupunta?" Malamig pa sa yelo nyang saad. s**t bakit napaka lakas ng dating ang kanyang boses? "Sa L-Labas. Mag papahangin lang" anito na lumukot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Sa oras na to?" s**t. Mag isip ka ng dahilan Lara, diba magaling ka naman sa mga ganun? "O-O---" napa singhap na lamang ako ng higitin nya ako at sinandal sa malamig na pader. Jusko ano bang nangyayari? Kumabog ng sobrang bilis ang aking puso sa takot at kaba ng sandaling yon. "You know what? You seem's odd" tila pag kikilatis nyang saad at sinuri nya ang aking mukha. Jusko. May alam ba sya? Alam nya ba na hindi ako ang kanyang asawa? "Ha?" Napa pikit ako ng mariin ng bahagya nyang nilapit ang mukha nya sakin ng malapit na malapit. Kulang na lang tuluyan ng bumigay ang aking tuhod sa pag lapit nya sakin. Tumatama saking balat ang mainit nyang hiningga na nag papatayo ng aking balahibo. Sa malapitan malaya kong naamo'y ang mabango at mabango nyang perfume. Hmm. Sherep yern? Umayos ka nga Lara. Si Calix yan. Yan ang asawa ng kakambal mo. Wag kang maharot. "B-Bakit?" Kabado nyang sambit at napa singhap sya muli ng hapitin sya nito muli sa kanyang baywang. Napaka lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng mapa hawak sya matipuno at matigas nitong abs. Jusko. Napaka bait naman sakin ang diyos at binigyan ako ng mala adonis na lalaki. Nilapit nya ang mukha nya sakin ng sobrang lapit na halos maduling na ako ng ilang pulgada na lamang ang lapit ng mga labi namin. "San kaba pumunta kanina? Kanina pa kita hinahanap. So gagawin na ba natin?" Maka hulugang saad nito na mag kasalubong ang kilay nya sa sinabi nito. Gagawin ang ano? Tila ba mamababaliw na sya na hindi alam ang gagawin ng sandaling yon. "Ang a-alin?" Nilunok nya ang laway sa kanyang lalamunan. Ngumisi lang sya sakin. s**t. Ang gwapoo. "Ibang klase ka din ano? Matapos nung nangyari kanina, tapos bibitnin mo lang ako" saad nito na mapa kurap ako muli. Bakit bigla akong natakot at kinabahan sa sinabi nya sakin? Hindi kaya? Mag sisiping kami? Pinamulahan ako ng aking pisngi at kumabog pa lalo ng malakas ang aking puso. Jusko. Wag naman. Di ako prepare dyan. Wala sa usapan naming dalawa ni Laura, na may ganitong eksena na magaganap. Kailangan ko ng umalis. Hindi dapat to mangyari. "H-Ha?" Taranta kong saad. "Pwede bang next time na lang? O-Oo next time na lan----" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng mabilis nyang sinakop ang aking mga labi. Namilog ang aking mga mata ng maramdaman ko ang malambot nyang mga labi. Sobrang init. Sobrang lambot. At mapupusok ang paggawarang halik na binigay nya sakin, na malunod pa ako lalo sa aking nararamdaman. Sandali. Mali to. Hindi dapat to mangyari. Asawa sya ng kakambal ko. Itutulak ko na sana sya ng mas nilaliman nya pa ang pag gawaran nyang pag halik sakin. Sobrang pusok. Sobrang init. At tuluyan na ako nag bigay sa mainit nyang mga halik. Unti-unti kong naramdaman ang mainit nyang palad, na humahaplos sa masisilang parte ng aking katawan, na napapasinghap ako sa sarap at init na ngayon ko pa lang naramdaman. Ang isa nyang kamay, unti-unting hinuhubad ang aking damit. And the rest was history. Nagising ako sa malamig na hangin na dumapo sa aking balat. Tanging kumot lamang ang naka takip sa hubo't- hubad kong katawan. Minulat ko ang aking mga mata at sumalubong sakin ang napaka dilim na silid. Nakita ko ang lalaking naka dapa sa aking tabi, at mahimbing syang natutulog. Kahit ganun ang kanyang posisyon, napaka gwapo nya pa din tignan. Sinapo ko ang aking mukha sa labis na pag ka dismaya at naalala ko ang kahihiyan na aking ginawa. Ano bang nangyayari sa'yo Lara? Bakit binigay mo ang sarili mo sa lalaking di mo naman mahal? Bakit sinuko mo ang pag ka birhen mo sa asawa ng kakambal mo? No hindi pwede. Pano kong malaman to ni Laura? Tiyak na magagalit sakanya ang kanyang kakambal, kapag malaman nitong may nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang asawa? Ano bang ginagawa mo Lara? Bakit tuluyan kang bumigay kay Calix? Ano na ang gagawin ko ngayon? Pinilig nya ang kanyang ulo, para iwaksi ang tumatakbo sa kanyang isipan. Kailangan kong maging kalmada. Relax Lara. Magiging maayos din ang lahat. Kinuha ko ang ang cellphone na naka patong sa table at binuksan yon. Namilog ang aking mga mata ng makitang 5:10am na pala ng umaga. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong umalis. Hindi dapat mangyari to. Dapat hindi na ako tumagal dito. Hila-hila nya ang kumot na tumayo at nag simula na syang mag bihis. Buong inggat ang kanyang galaw, na hindi nya magigising ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama. Nang matapos syang mag bihis, sa huling pag kakataon sinulyapan nya ng tingin si Calix, na mahimbing pa din na natutulog. "Paalam Calix" saad nya at nag labas na sya sa silid. Mabilis syang bumaba ng hagyan at hallway. Tila ba para syang mag nanakaw na puno ng ingat ang kanyang yabag ng mga paa, at iniwasan nya ang maka gawa ng tunog at ingay. Mabuti na lang wala pang gising na katulong at guards, kaya't hindi sya masyado nahirapan maka labas ng mansyon. Naka hingga sya ng maluwag at lakad-takbo lamang ang kanyang ginagawa, hinahabol nya ang oras na sakto syang maka rating sa sekretong daanan ng alasingko-trenta ng umaga. Hinihinggal syang naka rating sa likuran ng mansyon. Lumingon sya sa kaliwa't-kanan nya at wala syang nakitang ibang tao, bukod lamang sakanya. Napa tingin sya muli sa cellphone at naka hingga sya ng maluwag ng makitang alas singko-bente-singko pa lang ng umaga. Ilang minuto na lamang ang kanyang hihintayin at darating na ang kanyang Ate Laura. Lumipas ang isang minuto. Dalawang minuto. Limang minuto Sampung minuto pero walang dumating na Laura. "P-Please, asan kan ba Ate Laura?" Kulang na lang maiyak na sya, na hindi pa din dumadating ang kanyang kakambal na ngayon 5:45 na ng umaga Asan kaba ba kasi? Bakit ang tagal mo? Sa bawat segundo at minuto na lumilipas, lalong nararagdagan ang kaba at takot sa kanyang dibdib, na hindi pa dumadating ang kanyang kakambal. Nanginig ang kanyang kamay na binuksan muli ang cellphone at sinimulan na tawagan ito. Baka lang na traffic ito kaya't natagalan ito. "The number you have dialled, is not attended or out of reach of area. Please try a call later." No "Please, wag ate" naiiyak nyang saad na hindi nya matawagan ang numero nito. "The number you have dialled, is not attended or out of reach of area. Please try a call later" "N-No" garalgal nyang saad at patuloy nya itong tinatawagan, pero wala pa din. "A-Ate Lara" saad nya at nawalan na sya ng lakas na tawagan ito. Doon na sya nawalan ng pag asa. Hindi na dumating ang kanyang kakambal. Bakit? Bakit Ate Laura? Napa tigil ako ng marahas na humawak sa aking pulsuhan, at ganun na lamang kabilis ang t***k ng aking puso ng sandaling yon sa takot ng makita nya kong sino yon. "C-Calix" napalitan ng takot at sindak ang kanyang mukha ng makita nya si Calix na naka tayo sa harapan nya. Tanging pantalon na itim ang kanyang suot at wala syang suot na pang itaas na damit, na napag masdan nya ang maganda nitong katawan at six packs abs. Puno ng galit at lamig ang kanyang mga mata na naka titig sakin, na tila ba naka gawa ako ng pag kakamali. Napa singhap at napa daing ako sa sakit ng marahas nyang hinuli ang aking panga. "A-Aray. Nasasaktan ako C-Calix" daing ko sa sakit na ngayon naka hawak sya sa aking panga ng sobrang diin at puno ng galit. "B-Bitawan mo ako, ano ba!" Asik ko. Pilit akong nag pupumiglas at inaalis ang kanyang kamay na naka hawak sa aking panga, pero hindi ko magawa dahil mas malakas sya kumpara sakin. "Where do you think your going?!" Malakas at mala demonyo syang tumitig sakin na nag palambot sa aking mga tuhod. "Akala mo matatakasan mo ako Laura?! Not this time! Hindi ko hahayaan na takbuhan mo pa ako muli, naiintindihan mo ba ako?!" Malakas nyang sigaw na napuno ng takot ang aking puso. Sandali. Ano bang nangyayari? Bakit ibang-iba na sya? Bakit biglang nawala yong malambing at mabait na Calix, na nasilayan ko kagabi? Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit at nakakatakot ang pamamaraang pag titig nya sakin. "C-Calex" daing ko sa sakit ng mas diniinan nya pa lalo ang pag kakahawak nya sa aking panga na mapa luha ako. "Please, wag. N-Nasasaktan ako." Pag mamakaawa ko. "Nasasaktan ka?!" Puno ng pag uuyam sa kanyang labi. "Mas lalo ka lang masasaktan sakin Laura!" Nilapit nya ang mukha nya sakin, at ilang pulgada na lang ang mukha namin. Gusto kong sabihin na hindi ako si Laura Pero nanaig ang takot sa aking puso. "So, this is how you play your game huh? Well let see Laura. I will make your life, miserable like hell sweetheart!" Mala demonyo syang ngumiti sakin, na nag panindig ng aking balahibo. At kasunod non, ang pag patak ng luha na kanina nya pa pinipigilan. Asan kana ba Ate Laura? Tulungan mo'ko. Kailangan kita ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD