Chapter 2

1136 Words
Alex Pov... Limang taon na kaming magnobya ni Lizzy. Sa limang taon na iyon nasigurado ko na sa aking sarili na siya ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. The love I felt for her is unconditional! Siya ang gusto kong maging ina ng aking mga anak at ilaw ng aming tahanan. Tama si Kayla, panahon na para alukin ko na siya ng kasal. Madalas din naman kaming magkasama. Walang mababago kapag maging asawa ko na siya at araw - araw kaming nagkikita. Ang kaibahan lang asawa ko na siya at legal ang aming pagsasama. I always miss her a minute she was away from me. Saan ako pwedeng magpropose sa kanya na hindi namin makakalimutan? Gusto ko yung lugar na pwede naming babalik - balikan taon - taon para gunitain ang araw na inalok ko siya ng kasal. Lugar na amgiging simbolo ng aming pagmamahalan. Binuksan ko ang laptop at naghanap ng lugar na pwede akong makapagprose sa kanya. The excitement is killing me. Hindi ko alam na may mas ikikilig pa pala sa pag - ihi ko. Isipin ko palang habambuhay na kaming magkasama ay sobrang galak ng aking puso. I love you Lizzy! Hindi ka perpekto pero ikaw ang kokompleto sa buhay ko. Ikaw ang kabiyak ng aking tadyang. I found a beautiful place in Nasugbu Batangas kung saan maganda magpropose sa kanya. Agad kong tinawagan si Kayla to help me set up a surprise proposal. "Alex gabi na bakit gising ka pa?" Tanong niya. "Hindi kasi ako makatulog kakahanap ng lugar kung saan ako makapagpropose kay Lizzy." Masaya kong sagot. Excited kasi ako kaya ganito ako. Hindi ako makatulog kapag ako ay excited at kung may problema. "Alex we can do that tomorrow. It's 10:30 pm already. May meeting ka pa yata bukas ng maaga. Get a sleep and rest Alex." Sita niya sa akin. "Okay. See you tomorrow then Kay. Good night!" Wala akong nagawa kundi tapusin ang tawag ko. Kinabukasan agad akong pumunta sa opisina ni Kay. "Morning Kay! Glad you are early today!" Bungad ko sa kanya. "Dahil alam kong maaga kang pupunta dito baka pumuti na ang mata mo sa paghihintay kapag hindi ako gumayak ng maaga!" Sagot naman niya. "Here, I brought coffee for us!" Suhol ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Alam niya kasing subol ang dala kong breakfast. "Naku Alex!" Kontra niya agad. Tumawa ako bago buksan ang aking cellphone at laptop para ipakita sa kanya ang nakita ko. "Saan ba yan at anu ang theme mo sa pag propose. Bongga o abstract." Natawa ako sa abstract niya. May kapilyahan talaga itong si Kayla. Kaya naging kaibigan ko siya. No dull moments being with her. Mabubusog ka nga lang ng hangin kakatawa kapag tinupak. Epekto yata na naging kaibigan niya si Jaylord. Kilala si Jaylord dito sa opisina na twisted in a nice way. Kahit si daddy na seryoso ay napatawa niya dahil sa kanyang naughty joke! "Kay sa Canyon Cove Hotel & Spa. It's the best way to end the weekend. Pagkatapos ng proposal we can all relax. Help me set for this coming Sat." Mabilis kong turan. "Hindi ka naman nagmamadali ngayon niyan Alex ha?" Bigla niyang turan. "Hindi Kay. This is surprise kaya please keep it yourself." Pakiusap ko sa kanya. Tumango siya. "Sige tatawag ako ngayon para magpabook na and paclose to set - up their front para makita ng lahat na si Alex Montano ay ikakasal na sa long time girlfriend niyang modelo at beauty queen." Palatak ni Kayla. Natawa naman ako sa kanya. Kayla Pov... "Hindi naman Kay. I just want to settle down! Nasa tamang panahon at tamang oras na para mag - asawa na ako. Ikaw! Nasa tamang edad ka na rin. Kung wala ka pang boyfriend sa pag - uwi ni Ate Mayet ipapakilala kita sa mga guest. You might find one!" Masaya niyang pahayag. Hindi naman mahirap makahanap ng lalaking magkakagusto o magugustuhan ako dahil marami sila ang problema ko ay may mahal ng iba ang puso ko! Kung sana kaya kung palitan ang itinitibok ng puso ko matagal na akong may nobyo ngayon! Ate Mayet's boyfriend once courted me until he met her. "Sure! Baka may magustuhan ako at magugustuhan din ako!" Masaya kung tugon kabaliktaran ng isinisigaw ng puso ko. Tumingin ako sa mesa ni Jaylord. Siya ang isang alarm clock ko kapag nakakalimot ako. Sana dumating na siya kasi umiiyak nanaman ang puso ko. "Naku! Mayroon ka talagang magugustuhan doon Kay! Ate Mayet's and kuya Bermard's guest that night are promising and handsome bachelors. Imposibleng wala ka man lang makita sa kanila . Gusto ko ring ibalita na ikakasal na kami ni Lizzy kailangang makapagpropose ako this week." Hindi naman siya talaga nagmamadali na pakasalan si Lizzy ano! Mapait kong tanong sa aking sarili. "Huwag kang mag - alala Alex. Pupunta nalang ang gagawin natin sa Canyon Cove Hotel & Spa. I have a friend there who can help us na mapadali ang gusto mo. Simple yet elegant and napili namin ni Edith. I hope you will like it. Sa mismong kasal mo nalang ang desisyon ni Lizzy. This time it's mine Alex." Giit kong saad sa kanya. Wagas na pagsuporta na ang gagawin ko sa kanya. Parang sa sakit lang sa puso ko. Minsanang sakit. "I love you Kay! You are the best I ever had." Kanyang palatak sabay yakap sa akin at pinaghahalikan ang aking mukha sa tuwa na siyang naabutan ni Jaylord. Hindi lang tumaas ang kanyang kilay kundi umirit pa talaga ang loka - loka! "Ay! Butiki ka!" Sigaw niyang pagbungad sa pintuan. Tumawa naman si Alex sa kanya. "Jay hindi ka pa ba nasasanay sa amin. That's how I expressed my love to my best friend!" Tuwang - tuwa na palatak ni Alex samantalang tagos sa psuo ang sakit sa akin. Ngumiti si Jaylord na parang constipated dahil alam niyang nasaktan nanaman ako sa sinabi niya. Nginitian ko si Jaylord not to mind Alex's burst out! "Hindi pa sir Alex pero huwag kayong mag - alala masasanay din ako! Kape gusto niyo po?" Constipated face pa rin niyang tanong. Basag din ang kanyang ngiti. "No! I bribe her already!" Sagot naman ni Alex. "Okay sir!" Kanyang sagot at kumendeng na lumabas ng opisina. Bumuntong hininga akong sinundan siya ng tingin. Buti nalang kahit naiinis siya ay hindi naman niya ako ipinapahamak at ipinapamukha kay Alex na isa siyang tanga at hindi napapnsin ang lihim kung pagtingin sa kanya. Madalas nakikiramdam siya sa aking nararamdaman. Minsan siya pa ang gumagawa ng paraan para hindi ko sila makita ni Lizzy. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko si Alex! Nauna akong dumating sa buhay niya kaysa kay Lizzy pero si Lizzy ang nanalo at nasungkit ang kanyang puso na matagal ko ng gustong masungkit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD