Chapter 5: So, is it a Yes?

1620 Words
Vivi's POV Parang huminto sa akin ang mundo. B-Bakit gano'n? Ibang-iba siya sa lahat ng nahalikan ko. Ano bang meron sa kanya at hinahanap-hanap ko ang malambot niyang labi? Kahit hindi niya ginagalaw ay alam kong nagugustuhan niya. Wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Ginalingan ko pa ang paghalik sa kanya. Hindi rin naman niya ako pinaalis, bagkus nagulat na lamang ako nang buhatin niya ako at dinala kung saan. He took me to a room until I felt my butt being touched by something hard. I still closed my eyes and kept moving my lips against his. Hanggang sa unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Kita ko ang nakakunot niyang noo at mukha niyang malayo na pala sa akin. Bago ko mapagtanto ang aking posisyon na naka nguso pa rin pala sa kanyang harapan. I compose myself. "What are we doing here? Bakit mo ako dinala rito? Ang cheap mo ah, dito talaga?" I said, just excused myself and avoided looking at him. Gusto ko na lang kainin ng lupa sobrang kahihiyan. Ilusyon ko lang ba ‘yun? Hinalikan ko ba talaga siya? Pumayag ba siya? Para na akong nababaliw sa kakaisip hanggang sa. "What are you thinking, Nene?" he said while holding his laugh. "H-Huh?" pulang-pula na siguro ang aking mukha. Grr, ngayon lang ako napahiya ng ganito. Bakla kaya siya kaya hindi umobra ang 5 steps ko. "Nakalimutan mo na ang ginawa mo kani-kanina lang? taas noo niyang tanong. So, kung gano'n totoo nga. Bago sumagot ay nilibot ko muna ang aking paningin sa loob ng kinaroroonan namin. Ngayon ko lang napagtanto na nasa cctv room pala kami. "Of course, hindi ko nakalimutan at hindi ko rin nakalimutan ang alok ko sa 'yo na maging boyfriend ko. So hindi pa rin magbabago 'yun. Gusto kita maging boyfriend," walang paligoy-ligoy kong sabi sa kanya. Imbis na sumagot ay bigla siyang bumunghalit ng tawa. Tumawa siya nang tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "What's funny?" napipikon kong tanong. Grabe, mas guapo siya pag tumatawa, kainis kang Manong ka. May araw ka rin sa akin. "S-Sorry Nene, natatawa lang talaga ako sa sinabi mo?" Ayan na naman ang Nene niyang tawag sa akin. E, kung patirikin ko kaya ang mata niya, tatawagin pa kaya niya akong Nene. "A-Ano’ng nakakatawa si sinabi ko? Gusto lang naman kita maging boyfriend—" "Exactly! 'Yan ang nakakatawa. 'Yung sinabi mong gusto mo ako maging boyfriend." May sayad kaya ang utak niya. Kung ibang lalaki lang siya baka magtatalon na sa tuwa. Because I was disgusted with him, I immediately went down and came closer, then held his face and pressed my lips against his. Ilang segundo ko rin itong ginawa bago ko pinakawalan. Natigilan siya sa pagtawa. "W-What now, Manong? Sa tingin mo nagbibiro pa ba ako?" sarkastiko kong tanong, habang gahibla na lang ang layo ng aming mukha. Gosh, ang bango ng bibig niya. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Hinawakan ko ang kanyang mukha. Makinis ito kahit may konting balbas. Napagmasdan ko rin ng maigi ang mapungay niyang mga mata na kahit nakasimangot gwapo pa rin. "M-Masarap ba ako h-humalik M-Manong? Kung ako kasi ang tatanungin mo ay oo. H-Hindi ko makalimutan ang mga h-halik mo. A-Alam mo ba ikaw pa lang ang kauna-unahang lalaking h-hinahanap-hanap ko ng ganito? Ano bang meron sa 'yo?" nang-aakit na boses kong sabi sa kanya. Hindi niya ako sinagot pero hindi nakaligtas sa akin ang pasimple niyang paglunok. I know very well that he was affected by what I said. Ganitong-ganito rin ang lahat ng mga ex-boyfriends ko. Pagkakaiba nga lang nila ay sila ang lumapit sa akin at gusto agad akong ikama. Samantalang siya ay hindi ko mahulaan ang nasa isip. "L-Lumabas k-ka na Nene, may trabaho pa ako," sabi niya lang at tatalikuran na sana ako, pero pinigilan ko siya. "Let's make a deal then," sabi ko na nagpatigil sa kanya. Bumuntong-hininga muna ako at… "Remember the guy—'yong lalaking hinarang mo nang una tayo nagkita?" Mukhang wala na akong choice, kundi sabihin ang totoong pakay ko. Baka isipin niya sobrang landi ko naman. "What about him?" kunot noo niyang tanong. "That f*****g guy wants to marry me—" "Then marry him, ano’ng kinalaman ko?" pigil niya agad sa akin. "Pwede hintayin mo muna ako matapos?" Ganito ba talaga ang matured guy? Ang hirap intindihin. "The only way to get rid of him. I mean para hindi matuloy ang kasal namin ay gusto niya magkaroon ako ng serious relationship na hindi pang one-week lang, kaya ikaw ang napili ko na maging boyfriend for at least two months." Thank God, nasabi ko rin. Hinintay ko siya sumagot pero wala itong sinabi. "I'm dead serious Manong, I mean Bruce. Please I need your help. Magpapanggap ka lang ‘yon lang kailangan mong gawin plus ipakilala kita sa daddy ko next week.” “W-What?!” “Kasi kong wala ako maipakilala sa kanya next week, baka ituloy na nila ang kasal namin ni Derrek, and I don’t want that to happen.” "I don't understand. Bakit ako ang napili mo? There's a lot of guy na willing kang maka-date—" "Dahil ayaw ko sa kanila! Mga manyak sila, katawan ko lang ang gusto nila unlike you—" "So, you think I'm harmless?" he said sarcastically. "I don't know! Ikaw lang ang makasagot niyan.” “Look, babayaran kita kagaya ng sahod mo rin dito. Kailangan lang natin magmukhang sweet sa harap ni daddy at kahit dito sa bar o kahit saan. Please pumayag ka na, 2 months lang naman,” kumikislap kong mata na pakiusap sa kanya. "Okay, mag-usap tayo bukas. Pumunta ka sa address na ito. Make sure na dadating ka before lunch. Magdala ka ng lulutuin mo dahil ipagluluto mo ako at kung masarap ka magluto at nagustuhan ko? Saka ko sasabihin ang sagot ko. Are we clear now?" "Y-Yes, malinaw na malinaw. Thank you, hindi ka magsisisi dahil masarap ako magluto,” kagat labi ko pang sabi. Sa sobrang tuwa at saya ko’y nayakap ko siya na ikinabigla naming dalawa. “Sorry, masaya lang ako.” "We'll see. Ngayon pwede na ba tayong lumabas?" Lumabas kami at nag kanya-kanya na. Hindi ko na siya sinundan at dali-dali ng umakyat sa vip room, upang sabihin ang magandang balita kay Jake. "Jake! Good news—oh, s-sorry." Tinalikuran ko sila agad. Maya-maya lumabas na ang babae na ka momol ni Jake. Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "S-Sorry, he's my cousin," hingi kong paumanhin. Saka nilingon si Jake na pangiti-ngiti lang. "Sundan mo na siya. Mag-taxi na lang ako pauwi." "No need! You are more important than she is," aniya. "H-Hay, I'm so touched. Pero okay lang talaga ako." "Hayaan mo siya. Ano mission accomplished ka ba?" masayang tanong niya. "Hindi gumana ang 5 steps ko sa kanya. Kaya sinabi ko na lang ang totoo. And he said he'll think about it," sabi ko at naupo sa kanyang tabi. "Is that it?" "Kilala mo talaga ako cuz, malalaman ko raw bukas ang desisyon niya. If… masasarapan siya sa luto ko." "Wow! He's definitely a mature guy. Ang gusto niya asawa na mag-aalaga ng anak niya. Are you ready for that consequence Vi?" "Y-Yes, it's okay, wala naman akong kapatid, so hindi sa akin problema ang bata,” paninigurado kong sabi. "Well, good luck with your new career. Let's cheer for that." "Cheers!" I drink my margarita. Nag-stay pa kami ng isang oras sa loob ni Jake. Exactly 12 midnight, hinatid na niya ako sa bahay. The night was too early for him. Lalaki pa rin naman siya, may mga pangangailangan. Natulog akong masaya at nagising na masaya. It's Sunday, supposedly natutulog pa sana ako. But here I am at the market para bumili ng lulutuin ko sa kanila. I choose beef caldereta para lutuin. Kahit kahit naman ganito ako ay marunong din ako magluto. In fact, stress reliever ko ang pagluluto na namana ko kay mommy ang hilig na ito simula pagkabata ko. Ang ayoko lang sa pagluluto is after I cooked. ‘Yung bang mag-huhugas pa ako ng kung ano-ano, 'yan ang hindi ko gusto. Exactly 10:00 in the morning nang dumating ako sa bahay nila. Nakatira sila sa townhouse sa isang subdivision malapit sa Bar Eight. Nag-doorbell ako, at maya-maya'y isang ginang ang lumabas ng pinto. "Magandang umaga po. Dito po ba nakatira si Bruce Reyes?" magalang kong tanong sa ginang. "Oo, sino sila?" "Pakisabi po si Vivi—" "Ah, Ikaw pala sinasabi niyang papalit sa akin ngayon. Pasok ka, ang ganda mo namang bata, kaya pala—" "Po?! Kaya pala ano?" taka kong tanong. "Wala 'yon. Huwag mo ng pansinin. Maupo ka. Akin na 'yang mga dala mo at ng mahugasan ko,” aniya. Dali-daling kinuha ng ginang ang dala-dala ko at dinala sa kusina. Saka ko pa lang nilibot ang aking paningin. Ngunit gayon na lang ang gulat ko sa batang babae na tinawag akong— "Mommy?" And then she hug me so tight. Gano'n rin ang aking ginawa, sobrang ganda niyang bata. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bumaba ang isang Greek God. Naka-jogging pants siya pero walang suot pang itaas. Kaya hindi ko mapigilan na pagmasdan ang malalaking katawan lalo na nang tumapat sa akin ang pumuputok niyang mga abs. Gosh, Coffee please. "Bettina, she's not your Mom." Nawala ang atensyon ko sa kanya sa sinabi niya sa anak. "No, she is my mom," umiiyak pang sabi ng anak niya. Ayaw akong bitawan. Nakaramdam ako ng habag sa anak niyang si Bettina. Pero mas naagaw ng atensyon ko ang picture frame nakasabit sa wall. Ano kaya ang nangyari sa nanay ng anak niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD