Chapter 4: Ito na ba 'yon?

1835 Words
Vivi's POV "You want me, what?!" 'di makapaniwala niyang tanong. Malakas ang pagkaka sabi niya kaya nadinig ito ng mga kaibigan ko. Gosh, ang OA naman niya. Akala siguro, aatras ako dahil sa pasigaw niyang epek sa akin. Total naman naumpisahan ko na, kaya itutudo ko na ito. Lumapit ako sa kanya in my sexy moves. Saka mas nilapit pa ang mukha sa kanya. Hinawakan ko siya sa balikat at bumulong kung saan alam kong ramdam niya ang init ng aking katawan. "Ang sabi ko I want you to be my boyfriend. Gusto mo pa bang ulitin ko?" I said in a seductive voice. Akala ko mas madali para sa akin ang mapapayag siya, kasi matured guy nga, pero nagkamali pala ako. "Nene, wala akong oras sa mga laro mo. 'Wag mo na akong idamay dahil seryoso akong tao. Umuwi ka na! At sa susunod, 'wag kang mag-susuot ng ganyan ka ikli para lang mapansin ka ng mga lalaki, dahil kaming mga lalaki ang kusang lalapit sa inyo. Do you understand, Nene?" "Sagot!" sigaw pa niya. "I-i understand," sagot ko na lang. Nabigla kasi ako sa sigaw niya. "Good, baby girl," he said and walked out. Naiwan akong tulala at nakatingin lamang sa likuran niyang papalayo sa amin. Dali-daling lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. "What did he say?" tanong ni Ara. "Tama ba ako ng pagkakarinig Vivi?" tanong din ni Lorraine. "Did he really dump me?" 'di makapaniwala kong tanong sa kanila. "Kayo Pete and Carl. Did he dump me?" I asked in disbelief. "Unfortunately, yes, Vi," sabay-sabay nilang sagot. Walang hiyang Manong na 'yon! Sige tingnan natin. Tumayo ako ng maayos at nag-flip ng hair. "I am Sierra Vivi; I promise to get what I want, including you, Manong. Wala pang tumatanggi sa ganda ko. Kaya’t humanda ka!” At dahil wala naman kaming klase kaya tinuloy ko na lang ang workout ko, sayang naman ang effort sa pagpunta namin. After 2 hours, we decided to go home. While Ara and Lorraine spend their night together with Pete and Carl. Habang ako? Mag-isa na namang uuwi gaya ng dati. Ganito ako palagi kahit may boyfriend ako. Mas gusto kong umuwi na lang kaysa sumama sa kanila. Alam ko naman na ang virginity ko lang ang habol nila. Akala nila siguro, hindi ko alam na may pustahang nagaganap ang lahat ng mga naging ex-boyfriends ko. Na kung sino man ang makakuha sa akin ang siyang panalo. But I don't care, it's not a big deal. Mas gusto ko namang mag-aral na lang, kaysa ubusin ko ang oras ko sa kanila. At least malinis ang konsensya ko. Mabuti nga at natikman pa nila ang labi ko. And since bad mood ako kaya I decided to cancel my schedule. Final exam na rin kasi. Minabuti kong mag-aral na lang. At pagkatapos, saka ko na lang hahabulin ang pakipot na Manong na 'yon. Sinabi ko rin naman kasi kay daddy na next week ko na lang ulit ipakikilala sa kanya ang boyfriend ko. He asked why? Ang sabi ko, gaya ko nag-te-take siya ng bar exam. Para makatotohanan naman sa edad niya. At last, tapos na rin ang exam. "The result will be announced next week, so be ready. Miss Magdayon, Miss Rivera, and Miss Holly. The three of you will be our next Summa and Magna cvm laude, and the third will be the Cvm Laude, congratulations to the three of you. Let's give them a round of applause. Nag-palakpakan ang mga classmates namin na proud na proud sa amin. Dahil sa batch namin sa Tourism Department mapupunta ang pinakamataas na rank. The rest kasi is mga Cvm Laude na lang lahat. "Sir, wala pa naman po 'yong result ng final exam," sabi naman ni Ara. "Yeah but for formality na lang 'yon. So advance congratulations sa inyong tatlo.” "Thank you, Prof." "You three deserve that, so I am proud of you and will miss you in my class. Please tell me if you want to work immediately. There are lots of airlines ready to hire the three of you." "Thank you, Sir. Maybe we'll think about it first. We just wanted to have fun and enjoy ourselves first. Hindi ba girls?" I said. "Yeah, that's true.Gusto rin namin mag-travel muna ni Pete," Lorraine said. "Me too Sir, with Carl of course," sabi naman ni Ara. Tumatawa lang si Prof bago binaling ang tingin sa akin. "How about you, Miss Magdayon? Do you have special someone right now?" tanong niya sa akin. Naiinis ako at naiinggit sa mga kaibigan ko. Habang ako, wala pa ring matinong karelasyon. "I will also introduce him to you sir… kapag naging kami na,” paninigurado kong sabi. "Well good luck girls." Iniwan kami ni Prof. At pati nitong mga kaibigan ko na may kanya-kanyang lakad. "Sorry Vi, may family dinner kami with Pete," Lorraine said. "Ako rin Vi, nagtatampo na kasi si Carl," nalulungkot na sabi ni Ara. "It's okay mga sis. I can invite Jake to be my date, at least I know that I'm safe, hindi ako basta malalapitan ni Derrek." Nagpaalam na ang dalawa at ako naman umuwi na lang sa bahay. Sinabi ko ang magandang balita kay mommy na may award ako sa graduation pag-uwi ko ng bahay. Masaya-masaya siya para sa akin. Wala si daddy nagpunta kay Tita Marge, ang mommy ni Jake. Maaga pa naman kaya nagpasya ako magbabad sa bathtub. Bago ko naisipang tawagan si Jake. Luckily wala siyang trabaho at date kaya masasamahan niya ako. Since nightlife at bar kami pupunta kaya heavy make-up ang nilagay ko sa aking mukha. Nilugay ko lang din ang hair ko. Wearing my red bodycon dress, platform black heels and my Gucci sling bag. Nagpasundo ako kay Jake. "Jake, hijo Ikaw na ang bahala sa pinsan mo," habilin ni mommy. Akala mo naman bata ako na kailangan alagaan. "Ako na po ang bahala Tita," paninigurado pang sabi ni Jake. "I trusted you, Jake; you already knew her situation, right?" ani naman ni Daddy. "Don't worry po, Tito and Tita. I'll take care of her,” paninigurado pa niya. Since kasama ko naman si Jake kaya hindi na ako nagdala ng sarili kotse. Sabay na rin naman kami uuwi. "Ano'ng balita kay Mr. Bruce Reyes? Nagsawa ka na ba at matured guy na ang gusto mo ngayon?" tanong ni Jake, while on our way to Bar Eight. Ang paborito naming bar. Dito rin nagtatrabaho si Manong. "I don't know, maybe? Or there's something about him kaya curious akong malaman." "I knew you very well, Sierra. Pagsinungaling mo ng lahat, huwag lang ako." Kilalang-kilala talaga ako ni Jake. Bukod kasi sa pinsan ko siya'y best friend ko rin. Since elementary, high school ay magkasama na kami. Nagkahiwalay lang nung college. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, pero dahil sa pakiusap ni daddy na bantayan ako kaya nagpasya siyang sabayan ako sa pag-aaral. Matalino si Jake kaya mabilis niyang natapos ang college niya. Hindi rin kasi uso ang bakasyon sa kanya. Kahit summer mas gusto niya mag-aral. Ngayon ay susunod na siya sa yapak ni daddy, dahil wala akong balak maging sundalo. Bata pa lang ako ay alam ko na agad ang gusto ko. And that is to become a flight attendant. "Okay, since you're my best friend and my favorite cousin kaya sasabihin ko sa 'yo. Gosh, nababaliw na yata ako because of his kiss." "His kiss…? Or–" "Oo na, ako na ang unang humalik. Ginawa ko lang naman iyon dahil sa Derrek na 'yon." "Sabi ko na nga ba. Ang pagkakaalam ko sa aming mga lalaki lalo na kagaya ng Bruce Reyes na 'yan. 'Wag ka basta magtiwala, bakit?" "Why?" "Dahil masyado siyang malihim. May duda ako sa pagkatao niya. Imagine magaling na imbestigador na ang gumawa at naghalungkat ng files niya, maliban sa pinadala ko sa 'yo, wala na silang nakita. So I therefore conclude… there was a big question mark about him." Alam ko naman pinapaalalahanan lang ako ni Jake. "As if naman interesado ako sa buhay niya bukod sa pinadala mo. 'Wag kang mag-alala, I only want him to be my boyfriend for 1 to 2 months. Mailigtas lang ako sa bwisit na Derrek na 'yon. I don't want to get married lalong-lalo na kung siya ang magiging asawa ko." After a couple of minutes, finally we arrived. Halos lahat naman ng mga naging ex-boyfriend ko ay kilala nila si Jake as my cousin. Exactly 8:00 p.m. nang dumating kami at makapasok. Gaya ng dati, maingay, mausok. Nagkalat ang mga couples kasama ang mga ka-momol nila. Kumuha kami ng vip room ni Jake sa second floor ng bar. "Magha-hunting lang ako sa ibaba. Ikaw naman, enjoy this evening hindi kita guguluhin," habilin ko kay Jake. Lalaki pa rin naman siya walang girlfriend, alam ko kaya siya sumama dahil gusto niya rin maglabas ng sama ng loob. "Are you sure?" he asked. "Oo naman. I have my pepper spray kung nag-aalala ka." At tinuro ang maliit kong bag. Lumabas na ako sa vip room namin ni Jake para mag-umpisang maghanap. "There he is. He is sitting like a principal in his highchair. Habang nakatingin sa mga nagsasayawan. At dahil gusto kong mapansin niya ako’y inumpisahan ko ang five steps to make his d**k hard. At sana makuha ko agad ang atensyon niya. I started to move my hips and sway my hair with my sexy body and moves. A lot of boys got their attention. Isa-isa silang lumapit sa akin. At hindi na ako nagtaka kung dalawa sa kanila ay mga ex-boyfriends ko. "Hi Vi, remember me?" "Sorry, but nope," sabi ko at tinalikuran siya. "Vi, you're still gorgeous, can we–" I cut him immediately. "No! And correction, I'm a goddess," pagtatama ko at tinalikuran siya. Tumingin ako kay Manong na nakatingin na sa akin ngayon. Salubong ang kilay niya na parang kakainin ako ng buhay. Nag-umpisa ako sumayaw at umikot with my sexy moves showing my big butt. And when i turn around, pinakawalan ko naman ang aking matamis at nakakaakit na ngiti at lumapit sa kanya. "Hi, Manong. Would you mind joining me?" I said while putting my hands on his nape and moving my hips. At the same time, my lips are 3 inches away from his lips. I am a flirt; I know. Pero gaya nga ng sabi ko. What Vivi wants, Vivi gets. "I'm not allowed to dance," masungit niyang sabi at inilayo ang katawan. "Why? Is it in a court of law na bawal makipagsayaw ang gaya mo sa akin?" I asked seductively at lumapit muli sa kanya. "Please, lubayan mo na ako. Bawal sa trabaho ko ang—" "Step 5 is to... kiss you." Then my lips landed on his. I close my eyes and move my lips. He didn't move kaya nakaramdam ako ng saya. Hindi pa rin talaga kumukupas ang 5 steps ko. Ito na ba ang sign? Pumayag na kaya siya? Boyfriend ko na ba siya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD