NARAMDAMAN ko ang pagtigil ng kotseng sinasakyan namin kasabay ng pagpatay ng makina. Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin kay Jayden, kinindatan lang niya ako at ininguso si Charie mula sa likod. Nilingon ko ito at nakita na mahimbing itong natutulog. "Gabi na?" mahinang usal ko kasabay ng pabukas ni Jayden ng pintuan ng sasakyan. "Come on, Crys. Pasok na tayo sa loob para malipat ko na si Charie." narinig kong wika ni Jayden at isinara na niya ang pinto sa gawi niya, lumabas narin ako at bumungad sakin ang isang bahay. "Where we're we?" tanong ko at lumapit sakanya. "Sa Antipolo. Ito yung natirang property ng Parents ko. Hindi ko talaga to binenta para may memories pa sila sakin." aniya at ngumiti, Bumuntong hininga nalang ako at tinapik ang kanyang balikat nang dumaan ako sa