Kabanata 8: Walang Pinipiling Lugar

1705 Words
Molly Kung nakakamatay lang siguro ang tingin at baka kanina pa humandusay ang gagong prenteng nakaupo sa kaniyang swivel chair habang matamang binabasa ang kakaabot ko lang sa kaniyang report. "Give this back to them. Tell them to make a money worth proposal not this kind of trash." Sikat ang kompaniya ni Terrence sa larangan ng paggawa ng mga building. Lahat ng mga kliyente niya ay mula sa mga mayayamang tao, may mga kliyente pa nga siya mula sa ibang bansa. Kilala si Terrence bilang isang magaling na architect kaya naman hindi na rin ako magtataka kung bakit nagkakandarapa sa kaniya ang mga investor at kliyente. Gaya ng sabi niya, ibinalik ko sa Strategic Design 3 ang kanilang proposal, at kung ano ang sinabi ng mahangin naming boss iyon ang sinabi ko. Perfectionist si Mr. Terrence kaya naman sinisigurado niya na maayos ang lahat. Ayaw niya ng tatanga-tanga kaya nga kabado ako kapag siya na ang kausap ko. Muli akong bumalik sa aking puwesto sa labas ng kaniyang opisina at ipinapatuloy ang aking ginagawa. May schedule siya ngayon sa labas kaya naman sinisigurado ko na naman ang oras at lugar. "Get inside," saad nito sa intercom. Kakaupo ko palang. Sumasakit na ang paa ko dahil sa heels na suot ko. Nilagyan ko na nga kanina ng bandaid ang sakong ko dahil may paltos na. Hays! "Yes Mr. Caspirro?" bungad na tanong ko nang makapasok ako sa kaniyang opisina. "Inform ko lang po ulit, 11:15 po ang meeting niyo." Tumayo naman siya sa kaniyang swivel chair at nagtungo sa sofa. "Okay. Massage my temples." Hindi ko naiwasang mapairap dahil sa naging utos niya, pero wala naman akong magagawa kung hindi ang sundin siya. Pumunta ako sa likuran niya. "In front of me, and stop frowning." Tsk. Kung hindi niya ako errand girl, taga masahe naman o kaya taga pagpainit sa kaniya. Konti na lang talaga masasakal ko na siya. "Paalala ko lang sa iyo, nandito tayo sa opisina mo," saad ko nang maramdaman ko ang malandi niyang kamay na gumagapang sa aking hita. "Minamasahe lang naman kita." "Terrence!" singhal ko saka ako mabilis na umatras. Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya ngunit tumawa lang ito. Siraulo talaga ang gagong ito. Puro kahalayan na lang ang ginagawa niya. "Wala ka talagang pinipiling lugar 'no?" inis na tanong ko. Pero ang gago patuloy lang sa pagtawa na akala mo nakakatuwa ang ginawa niya. Basta kamanyakan talaga ay sobrang galing niya. "Why? I didn't even do anything. Hindi pa nga nakakapasok 'yung daliri ko nag react ka na agad." Ugh! Konti na lang talaga ay masasampal ko na siya. "Maghanda ka na nga dahil may lunch meeting ka, puro ka kalandian," singhal ko saka ko siya inirapan. Ginagawa ko ang lahat para gumalang sa kaniya kaya lang inuubos niya talaga ang pasensiya ko at hindi ko siya kinakaya. "What time is my meeting again?" "11:15," walang ganang sagot ko. Tumayo siya kaya naman muli akong umatras. Mahina itong natawa dahil sa naging reaksyon ko. Mas maganda ng sigurado. Pinasadahan niya ang kaniyang relo. "30 minutes left." Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at pinilig ang kaniyang ulo, bahagya niya pang hinawakan ang kaniyang sentido. Ayan! Kalandian mo 'yan! "Inform the driver to prepare the car now." "Okay." Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Okay Mr. Caspirro." Tsk. Gusto niya palang ginagalang siya pero hindi naman niyang magawang gumalang sa iba. Lumabas ako ng kaniyang opisina para ihanda na rin ang mga kailangan para sa meeting. Isang gobernador ang ka meeting nita ngayon at mukhang malaking pera ito. Hindi nagtagal ay lumabas si Terrence sa kaniyang opisina kaya naman sumunod agad ako sa kaniya. Nang marating namin ang elevator ay ako pa ang nagpindot ng floor button. Kailangan talaga pinagsisilbihan ang gagong ito eh. "Saang lugar?" tanong niya. "Casa F.D, Mr. Caspirro." Muli niyang binalingan ng tingin ang kaniyang relo. "Twenty minutes from here. Who booked the place?" "Secretary po ni Governor." Nakita ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay. "Next time, book a nearest place from here. I hate traveling that long." Tsk. Ininform ko kaya siya tapos ngayon magrereklamo siya. "What's with the face?" Agad akong napaayos ng tayo nang muli siyang magsalita. "Huh? What face, Mr. Caspirro?" I fake a smile. Nang bumukas ang elevator ay nauna siyang lumabas. Agad namang bumati at huminto sa paglalakad ang mga empleyadong nakakasalubong namin. "Molly!" Napatingin ako kay Dee na nakangiting lumapit sa akin. "Hi Brother," sarkastikong saad ni Dee sa kaniyang kapatid. Saglit kong binalingan ng tingin si Terrence na nagpatuloy lang sa paglalakad. "Saan kayo pupunta?" tanong niya. "Gaga, ang tagal na kitang hindi nakakasamang kumain. Namimiss na kita." "May business meeting siya sa labas." Ikinawit niya ang kaniyang braso sa aking braso. "P'wedeng sumama?" Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Gagi hindi. Kung gusto mo siya ang kausapin mo." Pareho naming narating ang labas. Nakapasok na si Terrence sa loob ng sasakyan. "Sige na. Alis na ako." Binuksan ko ang backseat door, at bago ako makaupo at sumingit pa si Dee. "Brother, ingatan mo ang kaibigan ko ah, mas mahalaga siya kesa sa iyo." Siraulo talaga ang babaeng ito. Nang makaupo na ako sa sasakyan ay agad na inistart ni Teo ang sasakyan. Naging tahimik kami sa loob. Nabaling ang tingin ko sa aking selpon at agad akong napangiti nang makatanggap ako ng message kay Dee. Dee: Inform mo ako kung maaga kang uuwi later. Inuman tayo sa place mo. Nakakamiss din naman kasing kasama si Dee. Kahit same company lang kami ay hirap pa rin naming magkita, busy din kasi siya lately. Simula nang magtrabaho talaga kami ay hirap na naming magkita-kita, maliban sa amin ni Kamille dahil madalas talaga siya bahay ko. "Tsk." Napatingin ako kay Terrence. Nakapikit ito habang hawak niya ang kaniyang sentido. "Mr. Caspirro, okay ka lang?" tanong ko dahil mukhang masakit nga ata ang ulo niya. Wala akong narinig mula sa kaniya. "Teo, idaan mo nga muna sa botika." "Sige po." Kahit naman inis ako sa kaniya ay may puso rin naman ako, at boss ko siya. Kung may mangyaring masama sa kaniya ako rin madedehado. Bumaba agad ako nang marating namin ang botika, bumili ako ng mga gamot. Nanatili namang nakapikit ang kaniyang mga mata. Mahina ko siyang tinapik. "What?" Kita mo na ang gagong iton, aburido agad. "Mr. Caspirro, kailangan mo pong uminom ng gamot." Marahan niyang iminulat ang kaniyang mata. Yung kunot ng noo niya nakakairita ah. "Is that Doctor's prescription?" Agad akong napabusangot dahil sa naging tanong niya. "Inumin mo na lang. Ang dami mo pang dada," iritableng saad ko saka ko marahas na isinubo sa kaniya ang gamot, wala naman siyang nagawa. Kinuha niya mula sa akin ang tubig. Masamang masama ang tingin niya sa akin na akala mo naman katapusan na niya. "Tsk." "Ito ilagay mo rin." Lalong kumunot ang noo niya nang makita niya ang puting hawak ko. "Inilalagay ito sa sentido, para siyang double sided tape na nakakagaling." Humiram na ako kanina sa botika ng gunting kaya naman nahati ko na ito. "No. I won't put that into my temples." "Alam mo ang arte mo." "And why do you keep talking to me as if I'm not your boss?" salubong ang kilay na tanong niya. Bahagya akong napamaang dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, nakalimutan ko, boss ko pala siya. "Ilagay mo na lang kasi ito, para maalis ang tensyon sa ulo mo." Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at muling hinawakan ang kaniyang sentido. "Mr. Caspirro, mas maganda po atang i-reschedule na lang natin ang meeting mo." "Is that really effective?" Pasimple akong napangiti dahil sa naging tanong niya. "Yes Mr. Caspirro." "Okay, put it then." Tsk. Kita mo nga naman ang lokong ito, papayag din naman pala pinatagal pa. Hayss. Right on time, nakarating kami sa private restaurant. Iginiya kami agad ng manager sa kuwarto kung saan naghihintay na si Gobernor. "What's with your temples, Mr. Caspirro?" "Don't mind it." Walang modo talaga. "Let's just proceed to our business." Iniabot ko kay Terrence ang Ipad kung saan doon nakalagay ang project design para sa gagawing bahay ni Gobernor. Iniabot ko naman sa secretary niya ang printed copy para mareview niya rin ang designs. "Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang kinuha ko, Mr. Caspirro." Ngumiti ako sa secretary ni Gobernor nang ngumiti siya sa akin. Mukhang crush pa ata ako ng loko. Patuloy na nag-usap ang dalawa habang kumakain. Medyo hiwalay naman ang mesa namin ng secretary ni Gobernor at kami ang magkasama. "Ako nga pala si Vince." Tinanggap ko ang kamay niya. "Molly." "Matagal ka ng secretary ni Mr. Caspirro?" "Hindi naman. Siguro, two weeks palang?" nakangiting sagot ko. "Ikaw?" "Matagal na. Magkaibigan kasi kami ni Gobernor." "Uhm. Gano'n?" "Oo. May boyfriend ka na." "Wala. Nasa work kasi ang atensyon ko ngayon." "Pareho pala tayo." Nag-usap lang kami ng kung ano-ano, kahit papaano naman ay hindi naging boring sa akin ang meeting na ito. Madalas kasi kapag may secretary akong nakakausap, talagang pinapanindigan nila ang trabaho nila eh. "Nathalie, let's go." Napatingin ako kay Mr. Caspirro nang magsalita ito. Tapos na agad ang meeting nila? Tumayo ako. "Nice to meet you again, Vince." Naunang lumabas si Mr. Caspirro kaya naman agad akong sumunod, ngunit sa halip na lumabas kami ng restaurant ay pumasok siya sa isang kwarto. "I'm hungry," pagkakwa'y saad niya at hindi pa man ako nakakapag react ay inangkin na niya ang aking labi na tila ba gutom na gutom siya. He pinned me against the wall while kissing me torridly. Kita mo nga naman ang gagong ito, mukhang wala talaga siyang pinipiling lugar. Binuhat niya ako at isinandal sa pader nang hindi pa rin tinatantanan ang aking labi. He groaned as he inserts his tongue inside my mouth. Mas lalong lumalim ang kaniyang halik. Mabilis niyang naibaba ang kaniyang pants, maging ang aking panty. Mahina akong napaungol nang maramdaman ko ang marahas niyang pagpasok. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tumagal sa loob, at nang matapos kami ay lumabas kami na para bang walang nangyari. Yung galit sa aking sistema ay nagwawala ngunit wala akong magawa kung hindi tiisin ito... sobrang lagkit ng baba ko, gusto kong linisin ang sarili ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD