Molly
Sa wakas nagkaroon din ako ng pahinga. Akala ko hindi na ito darating pa sa buhay ko. No Terrence! Good life!
"Saan tayo mamaya?" tanong ni Dee na maaga palang ay nandito na sa bahay ko.
"Kila Hazel na lang kaya tayo? Panigurado namang hindi makakapunta ang isang iyon dahil abala sa pagiging dakilang ina niya," ani Kamille na naglapag ng pagkain sa mesa.
Speaking of Hazel, sa sobrang busy niya talagang maging dakilang ina ay minsan na lang namin siyang makasama.
"P'wede rin. What if mag grocery na tayo para may foods ang baby natin?" suhestyon ko na agad naman nilang sinang-ayunan. "Teka, magpapalit lang ako," saad ko dahil ayoko namang lumabas na nakashort lang at loose shirt.
"Okay na 'yan. Maayos naman eh," ani Dee na pinigilan ako.
"O sige, pera mo muna ang gagastusin natin," taas kilay na saad ko kay Dee.
"Tsk. Ano pa nga bang magagawa ko?" pagmamaktol niya.
Nag-apiran naman kami Kamille bago namin inakbayan si Dee. Sabay-sabay kaming lumabas sa aking bahay. Tanging selpon lang ang bitbit ko.
"Iba talaga kapag may kaibigan kang mayaman," ani Kamille na sinang-ayunan ko agad.
"Oa niyo. Ito ang pinakamaraming ipon sa atin 'no," turo niya sa akin.
"Syempre may responsibilidad," saad ko naman.
As usual nang marating namin ang parking ay sasakyan ni Dee ang gamit mo. Si Kamille ang sumakay sa shotgun seat samantalang sa backseat naman ako.
"Tatawagan ba natin, o surprise visit na lang?" tanong ko.
Saglit nila akong binalingan ng tingin.
"Surprise."
Nang marating namin ang grocery store, kaniya-kaniya kami ng kuha ng cart.
"Magtatayo ba tayo ng sari-sari store?" sarkastikong tanong ni Dee. "Paalala ko lang, pero ko ang gagamitin dito," dagdag niya.
"Oo nga, pera mo. Sinusulit lang," nakangiting saad ni Kamille.
Bumusangot naman si Dee dahil wala na rin naman siyang magawa. Hindi naman sa tinatake advantage namin ang kayamanan ni Dee... pero sabihin na lang natin na gano'n nga. Charr.
Nang matapos naming mamili ay dumiretso agad kami sa bahay nila Hazel. Sinalubong naman agad niya kami nang makita niya kami.
"Mga walanghiya! Hindi man lang kayo nag inform," pagmamaktol niya. "At aba nga naman! Magtatayo ba kayo ng sari-sari store?" natatawang tanong nito.
Pumasok kami sa bahay niya kahit na hindi pa man niya kami pinapapasok. Nakita naman agad namin ang baby niya sa sala na mahimbing na natutulog sa crib.
"Kakatulog lang niya kaya huwag niyong gisingin," pagbabanta niya sa amin. "Anyway, Dee salamat dito."
Sumaludo naman agad si Dee sa kaniya.
"Sa amin walang pasasalamat?"
"Kaya nga, kami kaya nambudol sa kaniya para mabilhan ka ng pang sari-sari store," pagmamaktol ni Kamille.
"Kayong dalawa, lagi niyo na lang binubudol si Dee, magbago na kayo."
Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya. Sa edad naming ito, kung magkakasama kami para pa rin kaming high school kung tumawa at magkuwentuhan. Sobrang sarap talagang magkaroon ng kaibigan na alam mong kakampi po sa lahat ng bagay.
"Kumusta naman ang work mo, Molly? Pinapahirapan ka pa rin ba ng magaling na kapatid nito?"
Nag make face si Dee.
"Nakapag adjust naman na ako sa ugali niya." Sa kama na lang hindi.
Gusto ko ng sabihin sa kanila ang namamagitan sa aming dalawa ni Terrence kaya lang natatakot ako na baka madisappoint sa akin si Dee.
"Dee, buti talaga walang nabubuntis ang isang iyon 'no?" salubong ang kilay na tanong ni Kamille.
"Sana nga may mabuntis siya para naman mag tanda siya."
"Hep! Huwag na nga natin siyang pag-usapan, baka mamaya majinx pa ang off ko..."
Nabaling ang tingin ko sa aking selpon nang tumunog ito.
"Shootangina!" mahinang mura ko.
Inilapag ko ang aking selpon sa mesa para ipakita kung sino ang tumatawag. Speaking of the mahalay na devil.
"Na jinx tuloy," pagmamaktol mo.
"Huwag mong sagutin," ani Kamille.
"Ako na ang sasagot," saad naman ni Dee at bago ko pa man siya mapigilan ay mabilis na niyang nakuha ang aking selpon at sinagot ang tawag.
Jusko naman!
"Busy kami. Kaya huwag kang istorbo. Weekends ngayon kaya walang trabaho. Kung masyadong busy ang buhay mo, huwag mong idamay ang kaibigan ko. Bye!"
Napamaang ako dahil sa sinabi ni Dee. Ibinalik niya naman ang aking selpon. Wasak na naman ako nito kapag nagkita kami.
"Naks! Lakas talaga," tuwang-tuwa na saad ni Hazel.
Pagkatapos ng tawag na iyon, wala na akong natanggap pa mula sa kaniya. Sana lang talaga nasa matinong pag-iisip siya.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap ng kung ano-ano. Tinanggal ko sa aking sistema ang tungkol kay Terrence. Nang magising ang anak niya ay kami ang nag-alaga. Nakakatuwa talagang mag alaga ng baby.
"Dito na lang kayo kumain," ani Hazel.
"Hindi ba uuwi asawa mo?" tanong ni Kamille na pinasadahan ang suot niyang relo. "Anong oras na oh?"
"Nag text siya sa akin, may company meeting daw sila pagkatapos ay kakain sila sa labas."
"Okay. Tulungan na kita," ani Dee.
Naiwan naman kami ni Kamille sa sala habang nilalaro si baby Sky.
"Sana lang talaga hindi magmana sa tatay ang batang ito," ani Kamille na iiling-iling pa.
"Oa mo. Mabait naman si Stephen. Sadyang maloko nga lang."
Maayos naman ang pagsasama nilang dalawa kaya lang minsan sa buhay mag-asawa hindi rin naiiwasan ang mga pagtatalo, at normal din naman ito.
Hindi kami umalis sa bahay nila Hazel hangga't hindi umuuwi si Stephen, at halos mag alas onse na ay wala pa rin siya.
"Normal pa bang uwi ito?" salubong ang kilay na tanong ni Kamille.
"Minsan. Lalo na kapag company dinner talaga," ani Dee na sinang-ayunan ko naman.
"Ay sabagay. Ito ngang kakilala ko, umaga na rin minsan kung umuwi."
Nabaling ang atensyon nila sa akin.
"Tsk. Kausapin mo kaya 'yung boss ko," pagmamaktol ko. "Sa sobrang workaholic niya pati ako dinadamay," dagdag ko kahit na alam ko naman na kapag late ako umuuwi ay binabayo niya ako. Hays!
"Gago talaga iyon," ani Dee na mukhang ready to kill na naman. "Humanda iyon kapag nakita ko."
"May oras naman ng tamang uwi ah, lalo na kung wala naman masyadong ginagawa," ani Hazel. "Namiss ko rin tuloy magtrabaho."
Isang writer si Hazel, at si Kamille naman ay isang account at nag t-trabaho sa isang law firm.
"Oh! Mukhang nandiyan na asawa mo."
Pare-pareho kaming napatingin sa labas ng may saksakyang tumigil. Tumayo naman si Hazel upang buksan ang gate.
"Puyat na nga si Hazel sa pag-aalaga sa baby nila, pati ba naman sa pag-aalaga ng asawa? Isa siya sa akin ah," iritableng saad ni Dee na talaga namang hindi natutuwa sa nangyayari.
"Oh! Buti napadalaw kayo?" agad na saad ni Stephen nang makapasok siya sa kanilang bahay.
Hindi naman siya mukhang lasing.
"Bakit ngayon ka lang?"
Oa naman magtanong ni Kamille, akala mo asawa. Tumawa ng mahina si Stephen.
"Hindi ako makatakas sa gathering eh. Salamat sa pagbabantay sa mag-ina ko."
"Hazel, sabihan mo lang kami kung ginagago ka niya ah," ani Dee na pinanliitan pa ng mata si Stephen na inakbayan si Hazel.
"Hindi ko naman siya pakakasalan kung wala akong isang salita. Maloko lang ako pero iisa lang ang mahal ko."
"Yak!" pare-parehong saad namin nang halikan niya sa harapan namin si Hazel na agad siyang kinurot.
Hindi na rin kami nagtagal pa, dahil lumalalim na talaga ang gabi. Sa bahay ko na lang din natulog si Dee dahil nga nakainom din ito.
Kinabukasan maaga akong nagising. Naghanda na ako para sa aking pagpasok dahil isa sa pinakaayaw ng hambog kong boss ay ang malate sa trabaho. Hindi ko na rin ginising ang dalawa na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
Saktong alas syete ay nakarating ako sa opisina niya. Marami ng empleyado dahil katulad ko, takot din akong masita ng demonyo. Alas otso nang dumating si Terrence, as usual mukhang may galit na naman siya sa mundo. Saglit niya lang akong binalingan ng tingin bago siya pumasok sa kaniyang opisina.
"Bring me some coffee."
Tumayo dahil may utos na ang boss.
Tinungo ko ang isang pintuan kung saan pagpasok ko ay kitchen na ito, konektado rin ito sa kaniyang opisina. Katulad ng utos niya nag timpla ako ng kape. Nadatnan ko naman siya na abala na agad ang mata sa malaking monitor. May dalawa siyang malalaking monitor dito sa office niya na ginagamit niya sa pag d-design. Meron pa nga siyang isang malapad na screen na akala mo mesa na ginagamit din niya. Super Hi-Tech talaga.
"Mr. Caspirro, coffee."
Inilahad niya ang kamay niya nang hindi man lang niya ako binabalingan ng tingin. Prinsipe talaga. Bahagya kong sinilip ang ginagawa niya.
"Wow," mahinang bulalas ko dahil sa sobrang ganda ng design niya.
"You're drooling."
Mabilis akong napaayos ng tayo at napahawak sa aking labi dahil sa sinabi niya. Hindi naman.
"New project mo?"
Hindi ko na napigilan pang magtanong dahil curious na talaga ako.
"Yes. What do you think about it? You graduated in architectural school, right?"
"I also got my license," pagyayabang ko. "Pero hindi naman ako kasing galing mo."
"Then why did you applied for assistant secretary instead of applying to one of the architectural team?"
May post interview ba ulit? Tsk.
"Ilang beses ng na reject ang portfolio ko, gaya ng sabi ko, hindi ako kasing galing mo."
"Okay. Anyway, why do you keep talking to me in casual way?"
Hay naku! Ang hirap talaga niyang kausap.
"I apologize, Mr. Caspirro. If you need anything, just call me..."
"Kasama mo si Dee kagabi?" putol niya sa sasabihin ko. "Did you ask her answer the my call?"
"Huh? Hindi ah," depensa ko.
Ngumisi siya.
"Seryoso ako," saad ko dahil mukhang hindi siya naniniwala sa akin.
"Go to my place later, I'll teach you how to answer a call properly."
I clenched my teeth.
---