Molly
Don't fall? Asa siya! Kahit siya na lang ang natitirang gago sa mundo hinding-hindi ako mafa-fall sa kaniya. Nasa matinong pag-iisip pa ako 'no.
"P'wede bang mag resign na lang?" inis na tanong ko kay Dee na siyang kasama ko ngayon na kumakain.
Kakauwi lang namin at diretso pasok na agad kaming dalawa. Like, hindi talaga uso sa kaniya ang salitang pahinga.
"P'wede naman kung may isang milyon ka."
Napabusangot na lang ako dahil sa sinabi niya. Dito kasi sa kompanya ni Terrence, hindi ka maaaring mag resign unless super valid ang reason mo, hindi ka pa basta-bastang makakapag resign dahil nga may mga legal council pang magsasabon sa iyo. Sabi nga nila, ang kompanyang ito ang pinakamahirap pasukan at pinakamahirap ding labasan o takasan.
"Mahal mo naman ako di ba? P'wedeng pautang na muna?"
Mas lalo akong napabusangot nang tinawanan lang niya ako.
"Alam mong hindi ako p'wedeng makulong at may mga responsibilidad pa akong dapat gampanan..."
"Ang oa mo," putol niya sa sasabihin ko. "Para kang ewan. Ayaw mo na ba talaga? Paano na lang yung pangarap mo na masama sa isa sa mga team ni Kuya?"
Isa rin talaga sa pangarap ko kaya ako pumasok dito ay magamit ang napag-aralan ko, hindi man ako kasing galing ng iba alam ko naman sa sarili ko na may ibubuga rin ako.
"Nakakapagod kasi siyang kasama. Mantakin mo, kakauwi lang namin kanina tapos heto ako ngayon, hindi man lang siya nagbigay ng pahinga."
Kahapon wala naman akong naging trabaho, pero napagod ako sa ibang sitwasyon.
"Alam mo naman maliban sa s*x, buhay niya rin ang kompanyang ito."
Marahas akong napabuntony hininga. Literal kasi na si Terrence talaga at nagpatayo at nagpalago sa kompanyang ito, at the age of 25 ay naging CEO ito ng sarili niyang kompanya hanggang sa lumago at lumaki... at heto na nga siya. Isa sa pinaka successful na businessman sa mundo.
"Maging ako nga nagtitiis sa kaniya dahil ayokong matali sa kompanya nila Mommy. Bahala na si Kuya Thom do'n."
Sikat din ang business ng pamilya nila. Isa itong food franchise company. Ayaw din kasi ni Dee ang pressure kaya hindi rin siya nag stay sa kompanya nila.
"Basta kapag pinahirapan ka niya, inform mo lang ako. Back up mo ako."
"Mamaya kung ano-ano na namang sasabihan mo sa kaniya, ako pa ang madedehado," pagmamaktol ko. Muli itong tumawa.
Nang matapos naming kumain ay nag kaniya-kaniya na kaming balik sa aming trabaho.
"Molly, ano naman ang nararamdaman mo ngayon dahil mukhang nakuha mo ang loob ni Mr. Caspirro?"
Hindi ko maiwasang mapakunot noo dahil sa sinabi ni Tash.
"Huwag mong sabihin na... "
Nagkatinginan silang pareho na tila ba iisa lang ang tumatakbo sa isip nila. Mas lalo pa silang lumapit sa akin.
"Ibinigay mo na ba ang bataan sa kaniya?" tanong ni Fen na pinanliitan pa ako ng mata.
"O dahil kaibigan mo si Miss Deeane kaya maluwag sa iyo si Mr. Caspirro?"
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi nila o maiinsulto ako. Hindi sila nakakatuwa.
"Sige na, aminin mo na. Atin-atin lang naman."
"Wala. Gusto niyo ba kayo ma lang secretary niya? P'wede ko namang irequest iyon sa hr kung gusto niyo," saad ko, dahilan upang mapaayos sila ng tayo.
"Tara na nga," ani Tash saka pa nila ako bahagyang binangga bago nila ako nilampasan.
Problema ng mga iyon? Tsk. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hindi ko maiwasang maconcious dahil sa tinginan sa akin ng mga kapwa ko empleyado.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko kay Jaz na nasa receptionist area nang marating ko ang office ni Terrence.
"Wala naman, bakit?"
"Kanina pa kasi sila nakatingin sa akin."
"Ah 'yon ba? Nakausap mo ba si Tash at Fen?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. Nilabas niya ang kaniyang selpon.
"Ikaw siguro ang tinutukoy nila sa content forum."
Binasa ko ang nakapost.
'The audacity of this certain sheesh... bida-bida'
Nag comment naman si Fen sa post.
'Got your back syndrome.'
Marahas akong napabuntong hininga.
"Hindi naman siguro ako 'yan," saad ko dahil wala naman akong ginagawa sa kanila para mag post sila ng ganito.
"Ganiyan talaga ibang empleyado rito kaya masanay ka na," saad niya. "Huwag kang mag-alala alam naman nating pareho ang nangyayari rito. Hindi lang nila alam ang pinagdadaanan natin sa araw-araw," ani Jaz na ngumiti pa sa akin.
"Salamat. Sige, balik muna ako sa puwesto ko."
Bagsak ang aking balikat na bumalik ako sa aking puwesto hindi pa man umiinit ang aking puwet sa aking pagkakaupo nang tawagin ako ni Terrence.
"I want to talk the team leader of Strategic design team 6," saad nito pagkapasok na pagkapasok ko sa kaniyang opisina.
"Right away, Mr. Caspirro."
Muli akong lumabas at tinungo ang aking mesa. Tinawagan ko ang team leader ng SDT6 na si Mrs. Corpuz. Lumabas naman si Terrence sa kaniyang opisina at tinungo ang meeting room na tapat lang ng aking puwesto ang tanging harang lang ay ang glass door.
Ano kayang meron at pinatawag niya si Mrs. Corpuz? Tungkol kaya sa report? Sa pagkakaalam ko ay maayos naman ito. Hindi nagtagal ay dumating si Mrs. Corpuz, ata agad itong pumasok sa meeting room. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko silang dalawa ngunit hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan.
Naghihintay ako na tawagin niya ako ngunit hindi niya ito ginawa hanggang sa matapos sila. Kita ko ang pagkabahala sa mukha ni Mrs. Corpuz ng lumabas ito samantalang si Terrence ay akala mo papatay na naman ng tao sa sobrang lamig at dilim ng awra nito. Ano kaya ang pinag-usapan?
Hanggang sa matapos ang duty ko ay hindi ko masyadong nakausap ng maayos si Terrence dahil mas gusto ko na lang lumayo sa kaniya kesa naman mabugahan ng apoy.
"Get inside," malamig na saad nito bago pa man ako makatayo sa aking kinauupuan at makalayas.
Napairap ako. Ano na naman kaya ang kailangan niya? Hindi nga niya ako binulabog buong maghapon pero tatawagin naman niya pala ako ngayon. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kaniyang opisina. Agad na nagtaas ang aking kilay nang makita ko siya sa kaniyang working table na may hawak na alak. Mukhang mapapasabak na naman ang pempem ko sa kaniya.
"Take off your undies."
At hindi nga ako nagkamali. Napapag-usapan namin ulit na wala siyang gagawin sa akin unless may galaw ang kaso... at ngayon nga nakatanggap ako ng mensahe kay attorney na malapit na ulit ang second hearing.
Tinanggal ko ang undies ko at ibinulsa iyon.
"Seat down."
Para akong isang aso na sumusundo sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang mesa. Napaawang ang aking bibig ng bahagya niyang ibuka ang aking hita at inilagay niya ito sa kaniyang balikat.
Napasinghap ako nang agad kong naramdaman ang kaniyang dila sa aking perlas. Hindi ako ice cream pero sa tuwing gagawin niya ito ay dinaig ko pa ang ice cream sa kaniya.
"Terrence," bulalas ko nang maramdaman ko ang lamig dahil sa yelong nasa labi niya.
Napasabunot ako ng kaniya buhok at tila sa isang iglap ay naging uod ako dahil hindi ko alam kung paano ko patitigilin ang aking paggalaw. Napatirik ang aking mga mata dahil sa ginagawa niya.
Hindi nagtagal ay ginamit na rin niya ang kaniyang daliri habang kinakain niya pa rin ako na para bang isa akong masarap na putahe. Panay ang pag-ungol at paggalaw ko at konti na lang alam kong sasabog na ako.
"Ahhh..."
Gusto kong ilayo ang kaniyang labi mula sa aking perlas lalo na nang maging sensitibo ito ngunit ayaw niya itong tigilan hanggang sa mas lalo akong sumabog.
"Come here."
Ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod dahil sa aking pagsabog ngunit sinunod ko pa rin ang kaniyang utos. Umupo ako sa pagitan niya habang naghihintay ang buhay na buhay niyang sandata.
"Oh f*ck!"
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at kitang-kita ko na nag e-enjoy talaga siya. Kapag usapang ganito talaga ay sobrang saya niya.
Nang matapos ang session namin ay para akong sumabak sa giyera ng umuwi ako. Agad akong nagshower... ngunit saglit akong napatigil nang mapadako ang aking tingin sa aking pempem na napapak na naman ng diyablo.
---