Kabanata 15: Huh? Fiance?

1532 Words
Molly "Molly, balitaan mo na ba?" bungad na tanong sa akin ni Jaz nang makita niya ako. "Ano 'yon?" tanong ko. "Natanggal pala sa trabaho si Fen at Tash." Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. "Ha? Bakit daw?" "Tanda mo no'ng nagpunta rito si Mrs. Corpuz? Yung Team leader ng SDT6? Mukhang may problema ata sa team nila." "Ano naman kaya?" salubong ang kilay na tanong ko na ikinakibit balikat niya. "Ewan ko nga. Naghihintay pa ako sa source ko. Balitaan na lang kita." Wala naman kasi akong alam kung ano man ang naging isyu ng SDT6. Maayos naman kasi ang reports and proposals nila. Ano naman kaya ang rason kung bakit bigla silang nag tanggal ng empleyado? Chineck ko ang forum. Wala na rin sina Tash at Fen sa forum... teka... hindi naman siguro... ipinilig ko ang aking ulo, hindi naman siguro at imposible naman iyon. "To my office," agad na saad ni Terrence bago ito pumasok sa kaniyang opisina. Kakapasok palang niya akala mo naman susugod na naman siya sa gyera. Dala ko ang aking iPad bago ako pumasok ng kaniyang opisina upang i-update siya sa kaniyang schedules at kung ano pa ang ia-update ko sa kaniya. "Cancel my meetings for the whole day." Agad na nagtaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. "Mr. Caspirro, hindi na po natin p'wedeng i-cancel o i-move ang meeting with Mr. Tiamzon." Nakagat ko ang aking dila nang balingan niya ako ng tingin na akala mo may nagawa akong malaking kasalanan sa kaniya. "Just cancel it." "Okay Mr. Caspirro." Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Siya ang sumagot kapag may tanong ang secretary ni Mr. Tiamzon. Hindi na rin ako nagtagal pa sa office niya, nang matapos kong mag update sa kaniya ay lumabas na rin ako. Tumawag naman agad ako sa office ni Mr. Tiamzon upang ipaalam na hindi matutuloy ang meeting with Mr. Caspirro. "Ano kayang nakain ng siraulong 'yon?" tanong ko sa aking sarili habang hinihintay na sagutin ng secretary ni Mr. Tiamzon ang aking tawag. "Hello good morning? Secretary Harry of the office of the mayor, speaking." Katulad nga ng sabi ko, malalaking pangalan ang madalas kliyente ng gago. "Good morning, this is Molly, Mr. Terrence Caspirro's secretary." "Oh. Hi Miss Molly. Bakit ka napatawag?" Huminga ako ng malalim. "Mr. Caspirro wants to cancel the meeting today." "Huh? Why? Mayor is already looking forward to it. He already cancelled his meeting because of this. Is there any problem." Oo, problema ko 'yong boss ko na sakit sa ulo. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya eh. Alam kasi niyang hinahabol-habol siya kaya malakas ang loob niyang mag inarte. "Mr. Caspirro has a sudden situation that he can't move. I apologize for the inconvenience." "You should have told me this earlier, Miss Molly. Marami ring ginagawa si Mayor pero kinansela niya ang mga iyon dahil sa meeting niya kay Mr. Caspirro. Ang proyektong ito ay para sa mga tao, at hindi lamang para sa kung sino." Marahas akong napabuntong hininga. "Let's do our job properly, Miss Molly. I'll inform the mayor about, I will call you back." Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko, pinatayan na niya ako ng tawag. Parang kasalanan ko pa ah. Nag relay lang naman ako. "Malay ko ba na ika-cancel ng gagong iyon ang meeting... ay chaka!" gulat na saad ko nang biglang nasa harapan ko na si Terrence. "Gago? Ako?" tanong nito sa isang malamig na tinig. Totoo naman. Tsk. "Ha? Hindi po," pagsisinungaling ko. Tumayo pa ako para naman karespe-respeto ang lagay ko. "Nakausap ko na po pala ang secretary ni Mayor, kinansela raw po ni Mayor ang schedule niya para lang sa meeting niyong dalawa." Apaka paimportante naman kasi niya. Alam kong sikat siya at magaling pero hindi naman tama na ikakansela niya ang meeting niya dahil trip lang niya. "I already informed Mr. Tiamzon." Bahagyang nagtaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang rason niya bakit bigla niyang kinansela ang meeting kaya lang mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko. "Go home today." "Po?" "You heard me." Akmang maglalakad na ito nang magsalita ako. "May pupuntahan ka po ba?" tanong ko dahil all of a sudden naman kasi ang sinabi niya. "I'm going somewhere." Saan naman kaya pupunta ang gagong ito, kapapasok palang niya ay aalis na ito agad. "I forget something." Muli itong lumapit sa akin at halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla niya akong siniil ng isang malalim na halik. "Ano ba?" mahinang singhal ko dahil baka marinig pa kami ni Jaz na nasa receptionist area lang. Mahina itong tumawa bago niya ako tinalikuran. Punyeta talaga ang lalaking ito pasalamat siya at wala akong trabaho ngayong araw na ito. Bago pa man siya makabalik o kaya naman bawiin ang sinabi niya ay mabilis kong niligpit ang aking mga gamit. "Molly! Finally rest!" Maging si Jaz ay pinauwi rin niya, actually lahat kami na nasa floor office niya. Para tuloy kaming nanalo sa lotto. Sabay kami ni Jaz na nagtungo sa elevator. "Nalaman mo na kung bakit?" tanong ko na ang tinutukoy ko ay ang pagtanggal nila Fen at Tash sa trabaho. "Nahuli nila na nag leak sila ng project proposal sa ibang company." "Huh? Seryoso?" "Oo. Ewan ko ba kung ano ang tumakbo sa isip nila at ginawa nila iyon. Kilala naman nila si Mr. Caspirro, pero hindi pa rin sila natakot. Ako na dalawang taon ko na siyang nakakatrabaho ay halos isiksik ko pa ang sarili ko sa kinauupuan ko dahil sa takot ko sa kaniya." Iba rin kasi talaga magalit si Terrence, tipong hindi mo talaga siya p'wedeng banggahin, kung gagawin mo man iyon, magtago ka na lang. Lumabas ako sa floor nila Dee, nilabas ko naman ang aking phone upang tawagan siya ngunit bahagya akong napatigil nang may maalala ako. "Teka. Ngayon ba 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Chineck ko ang araw... ngayon nga. Kaya siguro pina-cancel niya ang lahat ng meeting niya. "O bakit?" bungad na tanong niya nang masagot niya ang tawag. "Balita ko pinauwi ka ni Terrence ah." "Oo, pupuntahan ka ba namin?" Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. "Sana. Ayoko rito eh." Ngayon kasi ang death anniversary ng kambal ni Dee, kaya naman kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay alam kong hindi niya gusto ang nangyayari ngayon. "Sige. Sabihan ko sila Kamille." Sa tuwing sumasapit ang araw na ito, madalas talaga namin siyang samahan. Tuwing sa araw na ito lang rin madalas kong makita si Terrence. Pinatay ko ang tawag at tinawagan naman si Kamille na agad namang sumang-ayon. Ngayon ay nandito na ako sa lobby, hinihintay si Kamille. "Molly?" Agad kong binalingan ng tingin ang tumawag sa aking pangalan. "Dra., ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Dito kasi nag t-trabaho ang anak ko, nakalimutan niya lang itong folder niya kaya idinala ko na lang dito. Kumusta ka na pala?" Ngumiti ako. "Maayos naman po Dra." "Sabi ko naman sa iyo, kaya mo eh." Bahagya niyang tinapik ang aking braso. "Salamat po." "Sige mauna na ako." Nakangiti akong nagpaalam kay Dra. hindi nagtagal ay dumating naman si Kamille. "Si Hazel, kaya ba?" tanong ko. "Oo. Tumawag na ako sa kaniya." "Himala naman ata." "Syempre, nasa business trip ang asawa. Kaya wala kang choice kung hindi mag alaga mamaya." Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Ready naman akong mag-alaga 'no." "Sanay na ba?" natatawang saad niya. "Sakto lang." Nang marating namin ang bahay nila Hazel ay literal talaga na sa akin ibinigay ang bata. Ako na ngayon ang nakasakay sa back seat at si Hazel na ang nasa passenger seat. "Paalala ko lang, ninang lang ako, hindi nanay," saad ko habang kandong ko ang si baby Hashy. Malutong naman silang tumawa kaya napabusangot na lang ako. Nang marating namin ang private resort nila Dee ay ako talaga ang ginawa nilang nanny. Wala rin naman akong choice. Sumalubong agad sa amin si Dee nang makita niya kami. May mga kamag-anak na nila kaming nakikita sa paligid. Malaki rin kasi talaga ang pamilya nila Dee at puro pa sila mayayaman. Dumiretso kami sa villa ni Dee. Medyo dikit-dikit naman ang villa nila rito, iba siguro talaga kapag mayaman. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumunta kami rito dahil taon-taon naman ay sinasamahan talaga namin si Dee, kaya lang nitong nakaraang taon ay hindi ako nakapunta dahil abala ako sa aking buhay. "Iba talaga ang pamilya ni Dee. It screams wealth," ani Hazel na nakatayo sa tabi ko. Tanaw naming pareho ang mga kamag-anak nila Dee na nasa paligid. "Buti na lang talaga kinaibigan natin siya," natatawang saad ni Kamille kaya maging kami ay natawa na rin. Dinala ko na muna ang anak ni Hazel sa crib dahil tulog na ito. "Oh! Boss mo 'yon di ba?" Napatingin ako sa itinuro ni Hazel. Agad na nagtaas ang aking kilay nang makita ko ang boss ko na may kasamang babae at sweet na sweet pa sila. "Bagong babae na naman siguro niya," iiling-iling na saad ko. "Fiance to be exact." Napatingin kami kay Dee na biglang sumulpot. Fiance? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD