Kabanata 11: Ikaw ba?

2024 Words
Molly "Babaita, gumising ka na riyan! Late ka na!" Pinalo ako ng unan ni Kamille sa ulo dahilan para mapaungol ako. "Maaga pa naman," pagmamaktol ko. "Anong maaga pa? Mag a-alas otso na! Siraulo ka," singhal niya. Hinila niya ang aking kamay at pilit niya akong binabangon. Ayokong makita ang gagong iyon. Kaya kahit matanggal pa ako sa trabaho ay wala akong pakealam. Matapos ang ginawa niya sa akin? Tingin niya matutuwa ako? Pumayag akong gamitin niya kapalit ng pagtulong niya sa akin na makuha ang ari-arian ng mga magulang ko mula sa mga kamag-anak ko, pero hindi tama na gawin niya iyon sa akin. Hindi ko siya mapapatawad. "Kanina pa tawag nang tawag ang boss mo. Mamaya siya pa ang pumunta rito at magsundo sa iyo..." Ding dong... Mabilis akong napabangon at napatingin kay Kamille. Parehong nanlaki ang mga mata namin. Ey! Hindi naman siguro. "Kung boss mo iyan, ipupusta ko ang paglilinis ko ng buong buwan dito sa unit mo," saad niya saka siya lumabas sa kwarto ko. Tsk. Imposible namang siya iyon 'no. Siya? Pupunta rito? Mamatay na lang ako. Bumangon ako sa aking kama at nagtungo sa banyo. "Holly Molly!" bulalas ni Kamille na agad ding bumalik. Halos lumuwa na ang kaniyang mga mata dahil sa paglaki nito. "Yung b-boss mo gaga!" "Ako pa utuin mo," pagtataray ko saka ko siya inirapan. Lumapit sa akin si Kamille saka niya ako kinurot sa pisngi na kinadaing ko. "Lintik!" singhal ko. "Hindi nga ako nananaginip. Sira!" Hinawakan niya ang aking kamay at halos kaladkarin niya ako palabas ng aking kwarto. Hindi pa man ako nakakababa ay nakita ko na agad ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa sala. Shootangina! Siya nga. "Mr. Caspirro," tawag pansin ko sa kaniya. Agad namang nagtaas ang kaniyang kilay nang makita niya ako. Kagigising ko lang... wala pa akong bihis at hilamos kaya hindi na ako magtataka kung dugyutin ang tingin niya sa akin ngayon. "Ayusin mo naman 'yang buhok mo," bulong sa akin ni Kamille na hindi ko naman pinansin. "Sa kusina lang ako. Kung kailangan mo ng tulong..." "Do'n ka na nga," putol ko sa sasabihin niya saka ko siya bahagyang itinulak. Anong sanib naman kaya ang nangyari sa isang ito at nandito siya ngayon? Hindi ako natutuwa ah. "Change up, we're going somewhere," saad nito sa isang malalim na tinig habang nakatingin pa siya sa kaniyang relo. "I'll give you twenty minutes." Kung makautos naman siya akala mo wala siya sa pamamahay ko. Tinalikuran ko siya at tinungong muli ang aking kwarto. Dumiretso ako sa banyo. Twenty minutes? Aba maghintay siya. Ano naman kayang tumakbo sa isip niya ay pinuntahan niya pa ako rito? Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nakita siya? Na paimportante akong secretary niya? Ugh! It took me almost forty minutes before I went down. Naabutan ko naman siyang nanonood habang prente pa itong nakaupo. Akala mo naman bahay niya itong bahay ko. "Bakit ang tagal mo?" salubong na tanong agad sa akin ni Kamille. "Babae ako," simpleng sagot ko. "Mr. Caspirro." Tumayo siya at muling tiningnan ang kaniyang relo. "Forty-three minutes and twenty-five seconds." Napamaang ako dahil sa sinabi niya ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Nauna itong naglakad, sumunod naman agad ako sa kaniya. Saan kami pupunta? Tsk. Huwag niyang sabihing nakahanap siya ng ibang lugar kung saan p'wede na naman niyang gawin sa akin ang mga pambababoy niya. Kung hindi lang ako natatakot sa maaaring reaksyon ni Dee ay hindi ako magtitiis sa kaniya. Katulad ng inaasahan ko, nakakuha nga kami ng atensyon, pero panigurado naman na hindi sila mag-iisip ng kung ano-ano, dahil sino ba naman ako? Isa lamang akong simpleng nilala na ganda lang ang ambag sa mundo. Pinagbuksan ko ng pintuan si Terre dahil iyon naman ang role ko bilang secretary niya. "Ah. So you're still acting as my secretary?" sarkastikong tanong niya. Hindi ako umimik. Napairap na lang ako nang makapasok na siya. Binuksan ko ang passenger seat at akmang uupo ng magsalita ito. "Here," malamig na utos nito kaya naman wala akong nagawa kung hindi sundin siya. Marunong akong magtanim ng sama ng loob, at madalas tumatagal ito. Hindi ako madaling makalimot lalo na kung alam ko na naagrabyado ako. "I have an out of town business today, the hell are you thinking?" Mababakas sa tinig niya na hindi siya natutuwa. Ah! Same 'no. Out of town? Chineck ko ang schedule niya... oh, ngayon pala iyon. "Aren't you going to speak?" "I apologize, Mr. Caspirro. Masakit kasi ang ulo ko at masama rin ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko kahit ang totoo niyan ay masama lang ang loob ko sa kaniya. Bigla namang nag-iba ang tingin niya sa akin na tila ba hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Ngayon makonsensiya ka. "Pasensiya rin po at nakalimutan ko ang tungkol sa out of town business niyo." Ngayon siya na ang hindi nagsasalita. Tsk. Akala mo naman legit ang konsensiya ng gagong ito. For sure naman ganiyan lang siya kasi alam niyang hindi niya ako magagamit kung sakali. "Pero teka po Mr. Caspirro, 3 days business po iyon hindi ho ba..." "My people already prepared your things," putol niya sa sasabihin ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil baka sumasama ako sa kaniya tapos wala pala akong dalang gamit. Buti na lang ang boyscout ang gago. Nagsalubong ang aking kilay nang ihinto ni Teo ang sasakyan sa isang hospital. Anong gagawin namin dito? "Get off," utos nito sa akin na akala mo talaga aso ang kausap niya. "Ano pong gagawin natin dito? May sakit ho ba kayo? O may dadalawin?" kunot noong tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya sumunod na lang ako sa paglalakad. "Dude." May lumapit sa aming Doctor na nakipagkamay pa sa kaniya. Dude? Siguro ay kaibigan niya ito. Ang casual kasi nilang dalawa. Binalingan niya ako ng tingin. "Your new secretary?" "Yes." "Nice to meet you, I'm Damon Monverde." Inilahad niy ang kaniyang kamay na agad ko namang tinanggap. Isa siya sa pinakakilalang batang Doctor sa buong Pilipinas. "Molly Lopez," nakangiting saad ko. "So let's go." Binalingan ko ng tingin si Terrence na nanatili namang tahimik. Nauna silang naglakad kaya naman sumunod lang ako. Nag-uusap silang dalawa pero hindi ko ito masyadong pinagtuunan ng pansin. "Dito ka nga." Bahagya akong hinila ni Terrence sa tabi niya. "How's Terrence as a boss?" tanong ni Doc nang makapasok kami sa elevator. "Ano pong gusto niyong sagot, Doc? Yung totoo po ba o may filter na?" tanong ko. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Terrence. "Mabait po siya," labas ilong na sagot ko na dahilan ng pagtawa ni Doc. Mukhang alam din naman siguro niya ang ugali ni Terrence. Nang makalabas kami sa elevator ay nauna silang naglakad. Ang mga empleyado ay napapahinto pa ako magalang na bumabati. Mukhang may boss syndrome rin ang isang ito. Magkaibigan nga ata siguro sila. Napailing na lang ako. Pumasok kami sa isang kwarto kung saan malawak ito at tipong mga VIP Patients ang mga nandito. Grabe talaga ang privilege ng mga mayayaman. "Nurse Tina." "Yes Doc?" "Assist Miss Molly." Huh? "Teka lang po," saad ko dahil bakit ako ang ia-assist? Wala naman akong sakit. "You said that you're not feeling well." Napamaang ako sa sinabi ni Terrence. Teka! Kaya ba kami nandito ngayon dahil ako ang ipapacheck-up niya? Siraulo ba siya? "Dito po Miss Molly." "Go with her," saad ni Terrence saka niya ako tinalikuran at sumama kay Doc Damon. Gago ko talaga ang isang iyon. Wala akong nagawa kung hindi sumama sa nurse. May pina fll-out'an siya sa aking form bago kami nagpunta sa isang kwarto. Mukhang full body checkup pa ang mangyayari sa akin ngayon. "May record na po pala kayo rito dati, Miss." Ngumiti sa akin ang nurse. "Pasok na lang po tayo sa loob, naghihintay po si Doc Adam sa loob." Gusto ko sanang umatras kaya lang wala na eh, nandito na rin ako sulitin ko na. Siya naman ang magbabayad. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang itinagal ko sa loob. Lahat ata ng parte ng katawan ko ay nacheckup na at wala naman silang ibang nakitang sakit ko. "How is she?" tanong ni Terrence nang makapasok siya sa office ni Doc Adam. "Everything is normal, Terrence. You don't need to worry." Worry? As if naman. "Good." "Girlfriend?" "No. Just a secretary." Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Doc Adam na para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Terrence. "Okay. Whatever you say." Binalingan ako ng tingin ni Doc. "Huwag mo namang stressin itong secretary mo, Terrence. She needs to gain weight." "Why? I thought everything is normal." Mukhang body shamer din ang Doctor na ito ah. "Yes, all the tests are normal, but still she needs to gain weight. Kung ikaw kasi ang boss, mapapagod sa iyo ang mga tao mo." Ah... iyon naman pala. Buti alam din ng Doctor na ito ang ugali ng magaling kong boss. Hindi na rin kami nagtagal pa sa hospital dahil nga may business meeting pa ito, pero sa halip na bumaba kami ay nagtungo kami sa rooftop. Nakita ko naman agad ang chopper niya. Iba talaga ang mayayaman. As usual sumunod lang ako sa kaniya. May sumalubong naman agad sa amin na piloto at binati si Terrence. Nang pareho kaming makasakay ay agad na pinalipad ng piloto ang chopper. Kung gagamit kami ng land transpo papunta sa pupuntahan namin baka abutin kami ng anim na oras sa biyahe, eh 20 minutes pa nga ay ayaw na niya eh iyon pa kayang halos anim na oras? Tsk. Tahimik lang kaming dalawa kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid. Nakasakay na ako ng eroplano, pero ito ang unang pagkakataon na makasakay ako ng chopper. Mas kita ko ang mga kabahayan mula sa baba. "May kaibigan ka pala talaga 'no?" basag ko sa katahimikan na namamayani sa aming dalawa. Agad na nagtaas ang kaniyang kilay. "They are not my friends. Only someone I know." "Okay. Pero ang gwapo ni Doc Damon 'no? Though good looking din si Doc Adam, pero iba kasi yung aura ni Doc Damon." Kesa naman mapanis pareho ang laway namin, mag talk na lang ako nang mag talk. Bahala siyang maalibadbaran sa akin. "Pero totoo ba 'yong chismis na kasal na si Doc Damon?" "Why? Do you like him?" balik tanong niya sa akin. "Not like as in like as a man. Siguro crush lang?" Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makita ko si Doc Damon sa personal, pero iba talaga ang karisma niya. "He's married," aburidong sagot niya. "Talaga?" "Yes, but it shouldn't be out in public yet." "Bakit naman? Hay! Mga mayayaman talaga. Hindi ba sila proud sa asawa nila at kailangan pa nila itong itago ito?" Nakakalungkot naman kung gano'n ang setup nila. Mag-asawa nga sila pero hindi naman iyon alam ng ibang tao. "You look so affected. Hindi naman ikaw ang asawa." Napabusangot ako dahil sa sinabi niya. "Damon's name is big, and to protect that, he just did the right thing." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Kung ikaw, dahil malaki rin ang pangalan mo, itatago mo rin?" tanong ko. "Ikaw?" balik tanong niya. "Bakit sa akin mo binabalik? Ako nga nagtatanong eh," saad ko. Mahina itong natawa. "Why do you always forget that I'm your boss?" "Tsk. Ewan. Siguro dahil matagal na kitang kilala," saad ko. "You've been friends with Deeane since you were high school, right? Why?" "Anong why?" "Nothing. I'm just wondering how that woman got friends." "Mas nakakapagtaka pa nga na ikaw ang may kaibigan," saad ko saka ako umirap. Muli itong tumawa. "So what now?" muling tanong nito na kinakunot ng aking noo. "What are you going to do if someone hides you?" Huh? Pinag-uusapan pa rin ba namin ang tungkol kay Doc Damon? Tsk. "Do you like it or not?" "Tsk. Syempre hindi. Para saan pa kung pumasok ako sa isang relasyon tapos itatago rin naman? Kalokohan iyon. Kung mahal mo huwag mong itago." "Okay," simpleng sagot niya. Pagkatapos no'n ay hindi na siya muling nagsalita pa kaya itinikom ko na rin ang bibig ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD