Kabanata 12: Business Trip

2040 Words
Molly Halos dalawang oras ang itinagal namin sa himpapawid, medyo masakit ang puwet ko dahil sa pagkakaupo. Ngayon ay nandito kami sa mukhang rest house niya. Mayroon nga ata talaga siyang mga ari-arian sa bawat sulok ng mundo eh. Mayaman talaga. Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa nakikita ko. Para siyang ancient-modern house. Pinaghalong kahoy, bato at glass ang design ng bahay. Para siyang isang fantasy house kung saan ay sa mga panood ko lang ito nakikita. Malawak ang bakuran niya at may pool din siya. Walang duda, mayaman nga siya. "Are you hungry?" tanong niya. "Sakto lang," sagot ko na para bang hindi boss ang kausap ko. "Take a shower now. I'll cook." Saglit akong napatigil dahil sa sinabi niya. "What? Hindi kita lalasunin o baka gusto mong ako na lang ang kainin mo?" mapaglarong tanong niya. Agad tumalim ang tingin ko sa kaniya at sa halip na sagutin ko siya ay tinungo ko na lang ang kwarto kong itinuro niya kanina. Katulad nga ng sabi niya may mga nagagamit nga talaga ako. Dumiretso naman ako sa banyo at halos mapanganga ako dahil sa ganda ng loob. "Mas maganda pa ito kesa sa kwarto ko," iiling-iling na saad ko. Sa tuwing kasama ko siya, masyado akong nasasampal ng reyalidad na mahirap talaga ako. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na rin ako, hindi pa man ako nakakarating sa kusina ay amoy ko na agad ang bango ng niluluto niya. Hindi naman ako nainform na cookerist pala ang person na ito. Sa pustura niya ngayon, mukha siyang disente at hindi manyakis. Tipong akala mo isa siyang mabangong angel na hindi makabasag pinggan. "Are you done fantasize me?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya. "Anong fantasizing? Ano ka pera?" pagtataray ko. Alam kong boss ko siya kaya lang nawawala talaga ang respeto ko sa kaniya sa tuwing kagaguhan ang mga sinasabi niya. Alam niyo iyong pakiramdam na, maiinis ka na lang talaga literal sa mga sinasabi niya. "Just prepare the utensils," saad nito na sinunod ko na lang. Baka mamaya isumbat na naman niya sa akin na secretary niya ako at siya ang boss ko. Hindi nagtagal ay inihanda na niya ang mga iniluto niya sa mesa. Wow! Mukhang kinarir niya ang pagluluto. "Why is Dee is important to you?" basag niya sa katahimikan na namamayani sa aming dalawa. "Dahil kaibigan ko siya," simpleng sagot ko. "That's it?" "Ano pa nga bang ibang dahilan?" Kumunot ang aking noo. "Why? Like I don't understand at all. Pinagbantaan ka ba niya that's why you remain friends with her?" Mas lalong nagtaas ang kilay ko dahil sa naging tanong niya. "Ano siya ikaw? Nagbabanta para makuha lang ang gusto? Huwag mong itulad si Dee sa iyo," sagot ko saka ako sumubo. Ngumisi ito. "I just did what I think will benefits me. There's no wrong with that." "May tanong ako, bakit sa dinami-rami ng babaeng magagamit mo, kahit na hindi ka na mag-alok ng kontrata maraming magkakandarapa sa iyo, pero... bakit ako?" Kahit na ano kasi ang gawin ko ay hindi ko talaga maintindihan, tipong marami na siyang babaeng p'wedeng gamitin, bakit ako pa? "Because I have something against you," saad niya na tila ba wala siyang pakealam sa kung anong meron kaming dalawa ngayon. "Why did you leave back then?" Saglit akong napatigil dahil sa naging tanong niya. "Because you realize I'm your friend's brother?" "Hindi," sagot ko saka ako muling sumubo. "So what's your reason?" "Bakit ba? Anong pakealam mo?" aburidong tanong ko dahil curious na curious talaga siya sa magiging sagot ko. "I just wanted to know." "Huwag mo ng alamin," saad ko. "I want to know." Kagigil naman ng isang ito. Ang sarap niyang bangasan. Eh ano naman sana kung bigla akong umalis di ba? Hindi naman p'wedeng hintayin ko pa siyang magising. "Dahil wala lang naman iyon," sagot ko ng matigil na siya. "After that, I haven't seen you again." Hindi naman ako nainform na may pagkachismoso rin pala ang isang ito. "Syempre, nag-aaral ako. At saka... teka nga... close ba tayo?" salubong ang kilay na tanong ko. Mahina itong tumawa. "More than close," makahulugang saad nito. "Ewan ko sa iyo." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na inabala pa ang aking sarili na pagtuunan siya ng pansin. Nang matapos naming kumain ay ako na ang nagligpit dahil nakakahiya naman kung siya pa ang pag-urungin ko. Naging abala naman na si Terrence sa sala habang binabasa ang mga kapapelan niya. "Nathalie." Napairap ako nang tawagin niya ang aking pangalan. Siya lang talaga ang bukod tanging tumatawag sa akin ng Nathalie. "Yes Mr. Caspirro?" Lumapit ako sa kaniya. "What do you think about this?" tanong niya saka niya ipinakita sa aking ang design. "Maganda naman po," mawalan na sagot ko. Isa itong hotel design. Maganda ang pagkakadesign nito na tila ba hindi ito pangkaraniwang hotel lang. Siguro ang makaka-afford lang nito ay ang mga mayayamang tulad niya. Madalas talaga siya ang gumagawa ng designs ng mga kliyente niya lalo na kung request nila ito. Sa galing kasi ni Terrence ay lahat talaga ay siya ang gugustuhing mag design, para na rin itong malaking opportunity sa kanila na isang Terrence ang naging design para sa kanila. "I saw your portfolios." Nanatili akong tahimik. "Have you ever tried to design or make for someone before?" "Uhm. 'Yung rest house ni Dee," sagot ko. Kumunot ang kaniyang noo. "You made that?" tanong nito, hindi ko alam kung maiinsulto ako sa naging reaksyon niya o hindi eh, dahil hindi ko ito gusto. "Oo. Bakit may problema ka?" salubong ang kilay na tanong ko. Madalas talaga, nawawala agad ang respeto ko sa kaniya eh. "Nothing. It's good." Saglit akong napatigil dahil sa sinabi niya. Pinuri niya ba ako? Weh? "The design is simple yet good. It suits her. I didn't know that you are really using your talent. Dee said before that she didn't need me in terms of building her house or any other things because she already got someone who's talented... hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy niya." Teka! Lumalaki ang tenga ko dahil sa sinasabi niya. "You look proud," pagkakwa'y saad nito. Sino bang hindi? Isang Terrence ang pumupuri sa akin ngayon. "Hindi ah," pagsisinungaling ko. "Mauna na akong matulog. Bahala ka na riyan," saad ko saka ko na siya nilayasan ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang aking pagkakangiti. Simula nang grumaduate ako at makapasa, hindi ko naman talaga masyadong nagamit ang degree ko, tulad ngayon, isa nita akong secretary. Kinabukasan maaga akong nagising para magluto ng almusal. Wala si Terrence sa kwarto niya nang silipin ko siya. Hindi rin kasi niya inayos yung mga papel sa mesa kaya ako na rin ang nag-ayos kanina. "Saan kaya nagpunta ang gagong iyon?" tanong ko sa aking sarili habang hinihintay kong maluto ang kanin. Chineck ko ang aking selpon, ang dami na palang messages sa akin ng mga kaibigan ko, lalo na si Dee na mukhang tiwala sa Terrence. Dee: Ses, sabihin mo lang sa akin kung may ginawa sa iyo ang gagong kasama mo ngayon, ako ang bahala sa iyo. Marami pa siyang messages at puro pagbabanta lang ito laban kay Terrence. "Buti na lang talaga hindi nagmana si Dee sa gagong iyon..." "What did you say?" "Ay gago!" gulat na saad ko at halos maibato ko pa ang aking selpon dahil sa biglaang pagsulpot niya. Pawis na pawis ito na tila ba galing ito sa labas. Ah nag jogging. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng tubig. "Are you cursing me behind my back?" taas kilay na tanong nito. Umiling ako. "Hindi..." Nahigit ko ang aking hininga nang bigla niyang hinapit ang aking bewang palapit sa kaniya. Ramdam ko tuloy ang pawis sa buong katawan niya. "Ano ba, pawis na pawis ka." Kakaligo ko lang eh! "Stop moving, you might wake up my boner." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. "Manyak!" singhal ko saka ko kinuha ang buong lakas ko para makawala sa kaniya, buti na lang ay nagawa ko ito. Malutong itong tumawa. "Masyado kang kabado. Huwag kang mag-alala hindi naman kita titirahin ngayon. Wala pa ako mood maglaro." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Kahit kailan talaga ang gagong ito! Basta puro kamanyakan ay go na go siya. "Anyway, what time is my meeting?" Umirap ako. "9:30." "Okay." Inambaan ko siya ng suntok nang tinalikuran na niya ako. Bahala nga siya sa buhay niya, mauuna na akong kakain. Umagang-umaga ang galing niyang mambwisit. Sana madulas siya sa banyo at mabagok ang ulo niya nang magising siya sa katotohan na hindi lahat ng bagay umiikot sa kaniya. May driver si Terrence kaya naman katabi ko na naman siya sa backseat. Pareho lang naman kaming tahimik habang nasa iPad niya ang kaniyang mga mata, inabala ko na lang ang sarili ko na replyan ang mga messages ng mga kaibigan ko. Mga siraulo rin talaga sila eh. "Mr. Caspirro, nandito na po tayo." Nauna akong bumaba, sumunod naman agad si Terrence na inabot sa akin ang iPad na hawak niya. Isa itong twenty-floor, at dito namin imi-meet ang si Mr. Yno Ferrer, ang mayor ng lugar na ito. "Welcome Mr. Caspirro." May sumalubong naman agad sa amin na hindi katandaang lalaki. "Mayor is waiting for you inside." Sumunod kami sa kaniya. Nang makapasok kami sa elevator ay nakangiti akong binalingan ni Secretary Teo kaya ngumiti rin ako. Nang marating namin ang floor kung saan naghihintay si Mayor ay agad naming tinungo ang kwarto. "Miss Sevinna, kumusta naman po ang stay niyo rito? Kung gusto niyo pong mamasyal sabihan niyo lang po ako, marami pong magagandang lugar dito," nakangiting saad niya. "Sige." "P'wede ko bang kunin number mo?" pagkakwa'y tanong niya. "She's here to work not to flirt around," malamig na saad nito saka pa siya humarap sa amin. "And you're here to work too." "I apologize Mr. Caspirro." Salubong ang kilay kong binalingan ng tingin si Terrence na blangko lang ang mga mata. "Walk beside me," pagkakwa'y utos nito sa akin. Tumabi naman ako sa kaniya, nauna nang naglalakad sa amin si Teo na mukhang hiyang-hiya. "He's just being kind, Mr. Caspirro," mahinang saad ko. Saglit niya akong binalingan ng tingin saka ito nag tsk. Napailing na lang ako. Hindi nagtagal ay narating namin ang kuwarto. Sumalubong naman agad si Mayor sa amin at bumati siya kay Terrence. Nag-umpisa ang kanilang meeting. Talagang professional na professional si Terrence habang pinapaliwanag ang designs niya. Detalyadong detalyado ang paliwanag ni Terrence at kita namana agad kay Mayor na gusto niya ang gawa ni Terrence. "Pour me some wine," utos ni Terrence kay Teo na nasa harapan ko at nakaupo. Sumunod naman agad si Teo sa kaniya. Ibang klase talaga ang lakaking ito. "Walang duda, hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang kinuha ko Mr. Caspirro." "I just did everything I can, Mayor. Tomorrow we will visit the site." "My secretary will just go with you, you see I have some business to deal with. Teo, ikaw na muna ang sumama sa kanila bukas sa site." "Yes Mayor." "Before we part ways for the moment, let's have a lunch together," ani Mayor na agad sinensyasan si Teo na agad namang sumunod. "Mr. Caspirro, tulungan ko na po si Teo..." "Just seat," putol niya sa sasabihin ko. Nagpatuloy sila sa pag-uusap ni Mayor nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking hita, pero kung umakto ang gagong ito ay tila ba wala itong ginagawa. "Excuse me," pagkakataong saad ni Mayor kaya naman naiwan kaming dalawa ni Terrence sa mesa. "Umayos ka nga," paninita ko sa kaniya saka ko bahagyang inalis ang kaniyang kamay sa aking hita. "Why? I didn't do anything wrong." Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya. "Ilugar mo ang kamanyakan mo," may diing saad ko sa mahinang tinig. Mahina itong tumawa. "Why? Do you like that asshole?" Kumunot ang aking noo dahil sa naging tanong niya. Apaka imposible talaga ng gagong ito. "Huwag mo akong itulad sa iyo na lahat na lang ng babaeng makakasama mo ay naikakama mo." Nakakagigil talaga ang isang ito. Mataman niya akong tinitigan na tila ba nag-iisip pa ito kung ano ang sasabihin niya. "I'll deal with you later," saad nito, pero umirap lang ako. Tsk. Manigas siya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD