Six years later...
Molly
"Handa ka na?" tanong ni Kamille habang pareho kaming nakatingin sa building kung saan ako mag t-trabaho bilang isang assistant secretary.
Ito ang isa sa pinakasikat na kompaniya sa bansa kaya naman karamihan talaga sa aming mga nasa laylayan ay pangarap makapasok dito. Parang tumama ka na kasi sa lotto kapag napasok ka rito.
"Kanina pa," saad ko.
"Nandiyan naman si Dee."
Huminga ako ng malalim.
"Alam mo oa ka. Akala mo naman baby ako na kailangan pa ng moral support mo," saad ko saka ko pa inirapan ng bongga.
"Siraulo."
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Muli akong huminga ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa kompaniyang pangarap ng lahat. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mapasok ko ito dahil nga madalas din naming puntahan si Dee rito.
Tinungo ko ang receptionist area.
"May I ask where's the conference room for the orientation of assistant secretary?" nakangiting tanong ko.
"May I know your name?"
"Molly Nathalie Lopez."
Nanatili akong nakangiti kahit na sobrang sama makatingin ni ate girl. Arte naman nito. Akala mo kinaganda niya 'yong pag a-attitude niya.
"Here's your identification card. Just go straight to the first elevator on the right side, seventh floor, conference room number six."
"Thank you."
Kinuha ko ang card ko at isinuot ito at sinunod ang sinabi niya. Sobrang formal kung titingnan ang mga taong naririto, tila ba bawal sa kanila ang makipag chismisan o ngumiti man lang. May mga security sa bawat sulok o lugar na akala mo mga secret agent dahil nakashades pa ang mga ito.
Gaya ng sabi ni ate girl, sumakay ako ng elevator at pinindot ang seventh floor. May mga kasabayan ako sa elevator na nag uusap ng kung ano.
"Panigurado ako tanggal iyon sa trabaho."
"Natatakot na talaga ako."
"Sana hindi mag cross ang landas namin."
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila na hindi ko alam kung ano o sino ang tinutukoy nila.
"Bago ka ba rito?"
Nakuha ng isang babae ang atensyon ko. Binalingan nila ako ng tingin.
"Opo."
"Naku! Good luck sa iyo! Ipagdadasal ka na lang namin."
Magtatanong pa sana ako kung anong ibig sabihin nila ngunit otomatikong tumigil ang mundo nila nang pagbukas ng elevator ay isang lalaki na tila napapalibutan ng maitim ng aura ang sumalubong sa amin.
Sumenyas ang lalaking katabi ng lalaking tingin palang ay papatay na. Agad namang lumabas ang mga babaeng kasama ko sa elevator kaya naman naiwan ako sa loob, ngunit hinila rin ako agad ng isang babae na siyang kumausap sa akin kanina. Nakayuko pa sila na akala mo isang krimen na tumingin sa kaniya.
Mukhang totoo ata ang chismis na hindi basta-basta ang boss ng kompaniyang ito. Sinundan ko ng tingin si Mr. Caspirro na mukhang laging bad mood ngunit agad akong nag iwas ng tingin nang muntikang magsalubong ang mga namin.
"Girl, next time huwag kang haharang sa harap ni Mr. Caspirro kung gusto mong tumagal dito. Makita mo palang anino niya dapat ay umiwas ka na."
"Bakit?" tanong ko.
"Malalaman mo rin. Good luck, Girl."
Huminga ako ng malalim. Nasa fourth floor palang ako eh. Tinungo ko ang elevator. Buti na lamang at hindi ako naghintay ng matagal. Nilabas ko ang aling selpon at sinearch ang pangalan ni Mr. Caspirro.
Terrence Lois Caspirro powerful young businessman...
Hindi ko na tinapos pa ang tungkol sa kaniya dahil nahihilo lang ako sa achievement niya. At the age of 25 ay naging CEO na ito, samantalang ako na 25 years old na, heto at kakapasok palang sa trabaho. Ang unfair ng life.
Magtatanghalian na nang matapos ang first session ng briefing. Diniscuss palang sa amin ang history ng kompaniya. No wonder ay kilalang kompaniya ito dahil sa sobrang ganda ng organizational chart nila.
"Molly, sabay na tayong kumain."
Buti na lang din ay may nakilala na ako rito. Sa sobrang dami naming natanggap bilang assistant secretary sigurado naman na hindi ako mapupunta sa office ni Mr. Caspirro.
Sabay naming tinungo ang canteen ng kompaniya. Sabi nila libre raw ang foods dito at hindi iyon basta-basta. Nakuha ng selpon ko ang atensyon ko nang tumunog ito. Si Dee. Sinagot ko naman agad ang tawag niya.
"Kumain ka na?" bungad na tanong niya.
"Kakain palang. Nandito na kami ngayon sa canteen."
"Nakita na kita."
Inilibot ko ang aking mga mata. Nakita ko naman agad siya.
"Bebe!" agad eksenang tawag nito sa akin hanang kumakaway ito.
"Molly, kilala mo si Miss Dee?" takhang tanong ni Nica.
"Uhm. Kaibigan ko siya."
Mabilis na lumapit sa akin si Dee at nang makalapit siya sa akin ay kinurot niya ang aking pinsgi.
"Cute mo talaga," pagkakwa'y saad niya. "Niready ko na foods mo, dahil hindi p'wedeng hindi tayo sabay kumain."
Kinuha niya ang kamay ko at akmang hihilain na niya ako nang marealize niyang may kasama ako.
"Sama ka na rin," pagkakwa'y saad niya kay Nica.
Wala namang nagawa si Nica kahit kitang-kita na nahihiya na ito.
"Dee, pinagtitinginan na tayo. Umayos ka," mahinang saad ko.
"Hayaan mo sila."
Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako na kaibigan ko siya o itatakwil ko siya sa buhay ko eh. Sabi ko sa kaniya na kalmahan lang niya kapag nakita niya ako rito dahil ayokong pag-usapan ang relasyon naming dalawa kaya lang ang gaga mukhang timang na naman.
"Anong ginagawa niya rito? Oh no."
Binalingan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Otomatiko namang yumuko ang mga taong kumakain sa loob ng canteen na tila ba natatakot sila sa maaaring mangyari. Yumuko na lang din ako dahil baka kung ano pa ang isipin nila sa akin.
"Deeane."
Nanatili akong nakayuko. Tila ba nagbabanta ang tono nito nang banggitin niya ang buong pangalan ni Dee.
"Why? What do you want? You see, I'm eating."
Sa tono ni Dee ay mukhang aburido ito.
"Get your act together," malamig na saad nito. "Act like a decent woman."
Sarkastikong tumawa si Dee. "And you think you're decent?"
Bahagya kong sinipa ang paa ni Dee. Narinig ko ang pag tsk nito.
"We're eating, Mr. Caspirro. Would you mind to leave? You see, today is the first day of our newly hired assistant secretary. They might lose their appetite if you stay here longer."
"Dee," mahinang tawag ko sa pangalan niya.
Bahagya ko pa siyang pinanlakihan ng mata. Kilala ko ang babaeng ito eh, hindi ito mahilig magpatalo. Mamaya madehado na naman siya.
"I'm just stating a fact..."
"I'm expecting your report today."
"What?"
Halos mapigtas ang litid ni Dee sa inis dahil sa kaniyang narinig, mas lalo pang naging malinaw ang inis niya nang tinalikuran lang siya ni Mr. Caspirro.
"He is really a pain in the back," pagmamaktol niya saka ito tumayo.
"Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain," saad ko.
Huminga siya ng malalim. "Report," walang ganang saad niya. "Sabay tayong uuwi later."
Napailing na lang ako.
"Nakakatakot si Mr. Caspirro," ani Nica na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Sana hindi tayo mapunta sa kaniya."
Sana nga.
---