Molly
Kakadasal ko lang na sana hindi ako mapunta sa kuweba ng demonyo, ngunit mukhang hindi nakinig si Lord. Pareho pa kami ni Nica na nasa bingit ng kamatayan ngayon.
"Here's your place. Feel free to ask any questions if you want, and I just want to remind you one thing 'DON'T MAKE ANY LITTLE MISTAKE'."
Napahawak sa akin si Nica na tila ba hindi talaga siya natutuwa. Huwag kang mag-alala Nica I feel you. Si Nica ay naassign bilang assistant ni Miss Sofia samantalang ako? Sa kamalas-malasang pagkakataon ay na assign ako bilang assistant secretary ni Mr. Ren na personal assistant ni Mr. Caspirro.
"And one more thing, sa tuwing nandito si Mr. Caspirro, huwag na huwag kayong titingin sa mata niya. Molly."
Unang araw ko palang pero mukhang gusto ko na lang umalis dito at lumapit ng ibang kompaniya. Mukhang hindi kakayanin ng superpowers ko na mag stay dito.
Muli nila kaming inorient kung ano ang gagawin namin at ilang beses na paalala pa ang sinabi sa amin. Anong klaseng lungga ba itong napasok ko?
"Molly, sana kayanin natin ito," ani Nica na mukhang gaya ko ay susuko rin agad.
"Kaya natin ito," saad ko na lang kahit na hindi rin naman ako sigurado.
Lumipas ang ilang oras. Panay lang ang utos sa amin na mag photocopy, mag ayos ng papel o kung ano pa ang p'wede nilang iutos. Hindi ko pa naman nakikita si Mr. Caspirro, at sana huwag na lang siyang magpakita. For the meantime ay dito na muna ako for some training bago ako isabak sa opisina kung saan ba dapat ako.
Hindi naman naikukuwento sa amin ni Dee ang tungkol sa kapatid niya, dahil nga wala rin naman siyang pakialam dito, kumbaga magkapatid lang sila sa papel at dahil wala siyang choice.
"Sa wakas," saad ko saka pa ako nag stretch nang tapos na ang duty namin.
Yung isang araw po parang isang taon na agad. Mabilis kong inayos ang gamit ko, at nang masigurado ko ng maayos ang lahat ay tumayo na ako, pero nagtaka ako dahil wala pang tumatayo sa mga empleyado at mukhang sa isang iglap ay naging problemado sila.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko kay Nica na mukhang naghihintay lang ng go signal.
"Narinig ko kay Miss Yeri na pinaparevise ni Mr. Caspirro 'yong report," mahinang saad niya.
"Newbies."
Sabay-sabay kaming napatayo dahil sa biglaang pagtawag sa amin ni Miss Sofia.
"Yes po?"
"Mamili kayo ng isa sa inyo para ibigay ang revised report kay Mr. Caspirro."
Pare-parehong nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi ni Miss Sofia. Walang sinuman sa amin ang gustong magsalita o magprisinta.
"Kung walang gagalaw sa inyo, lahat tayo ay mawawalan ng trabaho."
"Si Molly daw po."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Yue, intern din na katulad ko.
"Huh? Wala akong sinabi..."
"Molly. Good."
Sa isang iglap ay nasa akin na ang folder. Ipinaliwanag sa akin ni Miss Sofia ang tungkol sa report. Ini-scan ko naman ito para mas magkaroon ako ng ideya.
"Good luck."
"Nica, samahan mo ako. Please?" pakiusap ko.
"Natatakot ako."
"Ako lang magsasalita. Basta samahan mo lang ako."
Para na akong isang bata na nakikiusap.
"O sige."
Pareho kaming lumabas ni Nica sa opisina at agad tinungo ang elevator. Pareho kaming nanginginig ni Nica at ayaw lumabas ng elevator nang marating namin ang floor kung saan ang opisina ni Mr. Caspirro. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Molly, hindi ko kaya. Dito na lang ako sa labas. Hintayin na lang kita."
Bigla naman akong naawa kay Nica. Tagaktak na ang pawis nito na tila ba hindi talaga niya kayang humarap kay Mr. Caspirro kaya hindi ko na lang siya pinilit.
Kahit nanginginig ako ay nilakasan ko ang aking loob. Huminga ako ng malalim bago ako nagtungo sa receptionist area bago ako makapasok sa opisina ni Mr. Caspirro.
"You can go inside now."
Muli akong huminga ng malalim. Nang binuksan ko ang pintuan ay nadatnan ko si Mr. Caspirro na naninigarilyo, at tila ba kanina pa siya naghihintay.
"Hello po, Mr. Caspirro." I cleared my throat because it seems like there's a stone inside it. "H-Here's the a-ano... t-the r-revised report."
Putik! Never pa akong kinabahan ng ganito. Tingin palang kasi niya akala mo binabaon na niya ako ng buhay eh. Halos matisod pa ako nang lumapit ako sa may mesa niya upang iabot ang folder na hawak ko.
Ini-scan niya naman ito ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niya itong ibinato. Bahagya pa akong napadaing ng may papel na tumama sa mukha ko. I bit my lower lip.
"Again," malamig na saad nito.
Napayuko ako at mabilis na pinulot ang mga nagkalat na papel.
"Y-Yes Mr. Caspirro."
Mahina akong napadaing nang tumama ang ulo ko sa upuan. Engot ko talaga. Nang mapulot ko ang lahat ng papel ay halos takbuhin ko palabas ang opisina niya sakto naman pagbukas ko ay tumambad sa akin si Dee, agad na kumunot ang noo niya at sumilay ang galit sa kaniyang mga mata.
"What happened to your face?" tanong niya, at sa tono palang niya alam kong hindi na siya natutuwa. "Did that bastard hurt you... you asshole!"
Bago ko pa man mapigilan si Dee ay mabilis na itong lumapit kay Mr. Caspirro na nanatili namang straight face at mukhang walang pakialam.
"You asshole!"
Kinuwelyuhan niya ito kaya naman mabilis akong lumapit sa kanila.
"Dee, okay lang ako," saad ko pero tila hindi ito marunong makinig.
Nanatili namang walang emosyon si Mr. Caspirro.
"I'll put her to my department if you're just going to treat her like this."
Nakita ko ang pagsilay ng malademonyong ngiti sa labi ni Mr. Caspirro at marahas na tinanggal ang kamay ni Dee sa kaniyang kuwelyo.
"You don't have the power to do that."
Mas lalong gumuhit ang galit sa mga mata ni Dee.
"If you keep on acting like this, I will keep on playing."
"You bastard!"
Nanlaki ang mata ko nang sampalin ni Dee si Mr. Caspirro.
"Dee."
Mabilis kong inilayo si Dee kay Mr. Caspirro.
"I told you not to touch her! Sinabihan na kita di ba? My friends should be out of your hand, Kuya!"
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kanina pa sila nagsasabong dalawa. Mukhang totoo nga ang chismis, hindi nga sila magkasundong dalawa.
"Dee, kumalma ka nga. Wala namang nangyaring masama sa akin..."
"Let's go."
Mabilis akong hinila ni Dee palabas sa opisina ni Mr. Caspirro.
"Molly, anong nangyari? Okay ka lang ba?"
Mabilis na lumapit sa akin si Nica. Kita ko na tila nabahala siya nang makita niya ang mukha ko.
"Okay lang ako," saad ko.
Hindi binitawan ni Dee ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa elevator.
"Dee, hindi tama ang ginawa mo," saad ko ngunit masamang tingin lang ang ibinaling niya sa akin. "Kaya ko ang sarili ko."
Binitawan niya ang kamay ko saka siya humarap sa akin.
"Hindi ako papayag na apihin ka niya o kung sino mang malapit sa akin. Kilala mo ako, Molly."
Huminga ako ng malalim.
"At kilala mo rin ako," saad ko.
Nang marating namin ang opisina ng aming team ay agad tinungo ni Dee ang puwesto ng head namin. Si Miss Sofia.
"Sofia, next time don't let the newbies to go inside his cave. You should take responsibility of your trash. I'm not saying this as your superior, I'm saying this as a friend of her. If you have something to say to my relationship with her, I won't stay low. If you know him that much, I hope you know me too," mahabang litaniya ni Dee na mukhang gagawin niya ang lahat hindi lang ako maagrabyado.
"Dee, that's too much. Nandito ako para magtrabaho hindi para maging kaibigan mo."
Hindi na rin ako natutuwa sa nangyayari. Unang araw ko palang pero ganito na agad ang nangyari, ano na lang ang iisipin sa akin ng ibang tao?
"Sorry Miss Sofia," hinging paumanhin ko.
Kita ko naman agad ang pagsimangot ni Dee.
"Sabi po pala ni Mr. Caspirro, ulitan daw po ang report," saad ko. "Dee, mag sorry ka please," saad ko.
"No. Why would I do that?" pagtataray nito. "I'll stay at my office for now. Call me if you're done."
Hindi na niya ako hinintay pang magsalita, diretso itong umalis nang hindi na ako nililingon pa. Kahit kailan talaga ang babaeng iyon.
"Sorry po ulit sa inasal ni Miss Dee," hinging paumanhin ko.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Miss Sofia. "Gamutin mo na 'yang sugat mo sa mukha at baka lumala pa iyan. Nica, samahan mo si Molly."
Halos mag alas nuwebe na nang gabi nang matapos kami sa ginagawa namin. Mukhang ganito ang magiging buhay ko sa loob ng anim na buwan ah. Sana kayanin ko. Tinext ko na kanina si Dee na mauna na siya, kaya for sure ay umalis na rin ito.
Nandito ako ngayon sa labas ng kompaniya, hinihintay ang taxi na binook ko. Marami pa akong nakitang empleyado sa loob, for sure ay gaya namin ay naghahabol din sila ng report.
Hindi ko maiwasang mapakunot noo nang biglang may humintong sasakyan sa tapat ko. Ito ba iyong taxi na binook ko? Ang sosyal naman. Hindi na ako nagdalawang isip pa, lumapit ako sa sasakyan at binuksan ito.
"Kuya, ang ganda naman po ng sasakyan..." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang driver. "Sorry po Mr. Caspirro."
Akmang lalabas ako sa kaniyang sasakyan nang nakalock na ito.
"We have some business to talk about," makahulugang saad nito.
---