Episode 10: Ang Bagong Program ng A-eyegear

382 Words
Si Danna naman, sabi sinubukan nya daw hawakan ang dibdib nya ng walang iGloves at may naramdaman daw siyang kakaiba. Hindi nya maipaliwanag. Kaya lang dahil dun ay electric shock ang inabot nya at kalahati lang ang iFood na natanggap nya bilang parusa. Kalahati din daw ang naging pribilehiyo nyang makasakay sa iVessel. Kalahati lang ng distansya ng pupuntahan nya ay ibinaba na siya ng iVessel kaya nagtatakbo sya ng mabilis sa distansya pang natitira. Grabeng pagod ang naranas nya pero parang ang saya daw nito sa pakiramdam. Napako ang isip ko sa mensahe ni Danna. Nagawa ko na rin ang ganun, at may back up ako ng karanasan na yun sa .txt files ko. Kaya binasa kong muli yun at idinagdag ang testimonya ni Danna. Ganito ako mag-link ng mga impormasyon. Huli kong binasa ang kay Linno. //Kanna, hindi mo rin yata talaga napapansin na may glitch sa pagitan ng pag-inom mo ng iPill bago ka humiga sa iBed. Gaya ng sabi ni Dinno, sleeping pill lang ang iPill at walang kinalaman sa pagbura ng mga memorya natin. Wag mo syang lulunukin agad. Iinumin mo ang tubig pero iiipit mo sa ilalim ng dila ang pill. Pwede mo syang lunukin pag gusto mo nang matulog. Ipunin mo lang ang laway mo at isabay ang pill sa paglunok. Kapag nagcha-charge ang A-eyegear, sleep mode lang sya kaya ito ay naka-connect sa iHive. Alam mong na-insatllan ko na ng modified na program ang A-eyegear, di ba? Same principle; kapag nag-sleep mode ang A-eyegear ay hindi madi-disconnect sa iHive; so, ang in-install kong program sa mga A-eyegear ninyo ay ganun din ang mangyayari - madi-disconnect ito na hindi nalalaman ng iHive. Ngayon, ang iBed ay hindi gagana dahil disconnected din sya sa iHive. Kasi ang nagdurugtong sa iHive sa iBed ay ang A-eyegear. Hindi nito magagawang mag-defrag at mag-delete ng mga impormasyon. Pero gagana ang charging function nito sa A-eyegear. Mamaya sa party patch ko na idedetalye ang iba pa. Buksan mo na lang ang huling mensahe, update yun ng program ng A-eyegear. Nasa limang (5) minuto ang unpacking at installation.// Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at in-install ang ipinadala ni Linno. Iniimbak ko naman sa .txt ang buong mensahe ni Linno. Saka ko na ito gagawan ng tuntunin. [On-going Episode] Itutuloy...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD