HABANG nasa biyahe sila ay pinatulog ni Jeany si Elliana kaya parehong nasa backseat ang dalawa. Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala ito hanggang sa makarating sila sa mansiyon. "Jean..." Napahinto si Nicolo sa pagtawag sa pangalan nito nang makita niyang tulog na tulog ito habang nakasandal ang ulo sa backseat. Pero yakap-yakap pa rin nito ang anak niya. Gigisingin na sana niya ang dalaga para makababa na sila. Ngunit hindi sinasadyang napatitig si Nicolo sa nakaawang na mga labi ni Jeany. Heck, she have a very sexy pair of lips. Kahit sinong lalaki ay matutukso iyon na tikman. Mariin na kinagat ni Nicolo ang ibabang labi nang mapagtanto ang ginagawa. Oh, man. May asawa ka ng tao, at mahal na mahal mo. Matibay ka sa tukso. At hindi ang isang yaya lang na may sexy pair of lips