"WHAT are you doing, Nicolo?" naguguluhang tanong ng isip niya nang maalala ang inakto kanina sa garden, at habang hinahatid ng tanaw si Jeany na nagmamadaling pumasok sa maid's quarter. Hindi niya maintindihan kung bakit ikinainis niya ang pagrereto ni Nina kay Jeany sa bagong hardinero ng kapitbahay nila. Uminit din ang ulo niya nang marinig niyang naguwapuhan at na-macho-han din si Jeany sa lalaki. Hindi rin niya nagustuhan ang ideyang magiging asawa ng yaya ni Elliana ang hardinero na hitsura pa lang ay mukhang playboy na. Presko pa dahil may pa-wave-wave at ngiti pang nalalaman. Ang lalong hindi niya maipaliwanag ay kung bakit parang naakit siya kay Jeany nang makita ito sa ganoong ayos. Hindi niya akalain na may itinatago pala ito na magandang katawan. Kanina lang kasi niya nakita