KAHIT late na natulog nang nakaraang gabi si Nicolo ay nauna pa rin siyang magising kinabukasan. Iyon naman ang madalas na nangyayari. Parang mantika kasi kung matulog si Gwen na kahit anong lakas ng alarm clock ay hindi pa rin nagigising. Kaya si Nicolo pa ang tagagising sa asawa. Kahit nakatalikod sa kaniya si Gwen nang magmulat siya ng mga mata ay napangiti pa rin si Nicolo.He feels like the luckiest man alive in the world as he sees the same woman that has been in his dreams for so long. Tinawid ni Nicolo ang distansiya nila ng asawa at niyakap ito sa beywang. "Good morning sa asawa ko na nagbibigay sa'kin ng reason kung bakit gumaganda ang umaga ko," malambing niyang bulong sa tainga nito pagkatapos niyang halikan sa malambot nitong buhok. "Hmm..." umungol ito nang pagprotesta. "N