Chapter 60

1305 Words

"BAKIT parang ang tahimik mo, Sir Nic?" tanong ni Jeany kay Nicolo habang nagpapalipas sila ng pagod sa halos katatapos lang na mainit nilang pagniniig. Nakadapa siya sa dibdib nito habang yakap-yakap siya nang mahigpit. "May problema ka ba?" Hindi pa sila nakuntento sa nangyari kanina sa sala. Pagkatapos nila roon ay binuhat siya ni Nicolo papunta sa kuwarto nito. Walang sawa nilang pinaligaya ang isa't isa hanggang sa maibsan ang kanilang pangungulila. Hindi pa nga sila natutulog simula nang dumating ito. "Hindi ko lang kasi alam kung paano ako magpapaalam sa'yo, my angel," sa wakas ay basag ni Nicolo sa mahabang sandali nang pananahimik nito. "May bagong misyon kasi kami sa Zambales. At mamayang umaga kaagad ang alis namin. Urgent mission kasi ito, eh." Bahagya niya itong tiningala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD